WINONA GRACE BACANI

172 11 1
                                    

Entry from: WINONA GRACE BACANI

When I fell inlove with Mr.Playboy

( Pagtiyagaan niyo na po.May maling grammar pa ko dyan. XD Nakakahiya omghad )

" Ayan tanga ka na naman Bes. " Pinahid ko ang mga luha ko.Oo ako na tanga pero nagmahal lang ako eh.Sanay naman ako sa ganito,ang masaktan at magpakatanga para sa Taong mahal ko.Tadhana,di ko na mabilang na ilang beses mo na kong nasaktan.
Alam ko masasaktan ako pero bat ko pa pinipilit?Yung puso ko kase eh,sa maling Tao pa magmamahal.Ikaw naman si Tanga,sinunod mo pa.
" Tama na iyak Bes.Di ka niya deserve.Besides madaming lalaki dyan oh.Unlike him na pinaasa ka lang ang gago.Sarap i blade " Natawa nalang ako kay Bes.Buti nalang at andyan sa tabi ko.I'm so lucky to have her.Hindi ko man siya kapatid pero parang turingan namin,magkapatid.
" Bes hayaan mo na yun.May araw din sakin yon.By the way,kailangan ko ng umalis.May class pa ko eh.Bye! " Hinalikan niya ang noo ko tsaka umalis.
Ayan,ako na naman mag-isa.Sanay naman ako naiiwan eh.Habang nasasaktan.
Hay much better kung mag-move on ka nalang sakanya.Tumayo ako tsaka dumiretso sa C.R,tutal wala naman kaming next subject,dahil may emergency ang prof ko.
Nang makarating ako sa banyo,may dalawang pinto.Isang pambabae at isang panlalaki,papasok sana ako dun sa pambabae kaso may humarang.Sinamaan ko nalang ng tingin.
" Miss Can I know your name?Ang ganda mo kasi eh.Pati na rin number mo,kung pwede. " Aba kapal nito ah.Ngayon ko lang siya nakita tapos pangalan ko kukunin niya,at malala pa,pati number ko?Loko to ah.
" Hoy padaanan mo nga siya. " Napalingon kami sa nagsalita.Nanlaki ang mata ko sa gulat,bat ang gwapo niya?Grabe di ko to kilala ah,baka transferee o ako lang to di updated.
" Ay sorry brad. " Lumapit si mystery guy at hinila ako palayo.Hala,saan niya ko dadalhin?
Huminto kami sa isang park,eto siguro yung playground ng mga kindergarten.Wala silang pasok so kami lang ang tao dito.
Nakatingin lang siya sakin,at lumapit pa siya lalo sakin.Grabe feel ko na ang hininga niya.Shete,bat ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko?Ngumiti siya sakin tsaka ginulo ang buhok ko.Hindi ko napigilan na namula sa harap niya.
" Dwayne Lopez! Kanina ka pa namin hinhintay eh.Tara na! " Napalingon kami dun sa sumigaw.So Dwayne pala ang pangalan niya?And take note,isang magandang babae ang tumawag sakanya.Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.Ang OA ko lang pero parang na love at first sight ata ako sakanya.
" Take some other restroom.Mas safe pa don.Okay Goodbye. " Tsaka siya tumakbo palayo sakin.Lumapit siya dun sa babae tsaka inakbayan yung babae.Aray naman,ang sakit.Napahawak ako sa dibdib ko.
Love at first sight?Totoo pala yon.Pero..
Ang sakit lang kase mukha naman na wala kang pag-asa.Winona,just move on.Baka hindi siya nakatadhana sayo,OA ka lang.Coincidence lang ang nangyari kanina,tandaan mo yan.
----
" So ayun nga ang nangyari Bes.Alam mo bes,kinikilig talaga ako sakanya.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Yung feeling na may confetti sa puso ko.Sarap sa feeling! " Napakunot noo nalang siya.Kumain lang siya ng kumain.
" Bes nakikinig ka ba?Kanina pa ko daldal ng daldal dito,ni tango or oo wala akong natanggap sayo eh. " At last,napatingin na siya sakin.
" Bes,nag-aalala lang ako sayo.You should stop liking him.That's all,hindi ka na masasaktan. " Napahawak ako sa kamay niya.
" Bes naman,suportahan mo nalang ako please?This time di ko na hahayaan na masaktan ako.And masaktan man ako ulit or hindi,wala akong pagsisisihan. " Hinawakan nalang din niya ang kamay ko.Ramdam ko ang pag-aalala niya.Huminga siya ng malalim tsaka ako binitawan.
" Bes ano bang pangalan niyan? Sabi mo lang kase gwapo "
" sa pagkakatanda ko,Dwayne Lopez " Muntik na niyang mabuga yun iniinom niya sakin.
" Dwayne Lopez!? Bes naman! Gulo yang pinapasok mo eh. " Ako naman ang napakunot noo sakanya.Bakit naman?
" At bakit aber? "
" Duh,Dwayne Lopez.Ex Boyfriend ni Keila Jin Mendoza and Krystal Arrevalo.One word for him,Playboy siya bes. " Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Playboy?Grabe,di ko agad napansin yon sakanya.
"Bes Explain everything about them please. " Tsaka siya tumango.
" Oo sige para kapag nalaman mo na lahat,di ka na aasa sakanya. "
" Kilala mo si Keila Jin Mendoza di ba?Yung model ng Penshoppe and siya ay isa sa mga kasali ng dance group ng University.Isa siya sa mga naging Ex Girlfriend ni Dwayne.Si Krystal Arrevalo naman,model din kaso kung titingnan,mas angat si Keila.And Ex din siya ni Dwayne.And si Dwayne... "
" And si Dwayne ano? "
" Siya lang naman ang leader ng dance group ng University,Playboy tsaka Famous yun Bes.Kaya sabi ko sayo,kapag nagkagusto ka dun,malaking gulo.Besides ang pag kakaalam ko,hinahabol pa rin hanggang ngayon ni Krystal si Dwayne.And si Keila,dating daw siya with Kean Marco.Omg! Gwapo nun tsaka mabait. " Hay nako.Sino naman kaya yung Kean Marco?
" Speaking of Kean Marco,papunta siya dito oh. " Bulong sakin ni Bes.Napatingin ako sa entrance ng cafe tsaka siya pumasok.Nagwapuhan ako sakanya pero walang feelings eh.Unlike kay Dwayne meron agad.
" Pero wag ka din aasa kay Kean,hindi naman sa walang pag-asa pero dating na sila ni Keila.Hay,sana ako nalang si Keila para maayos kami ni Kean,i mean kilala niya ko at the same time,minamahal niya ko. Jackpot Bes.Crush ko kasi yan si Kean. " Kaya naman pala,kanina pa siya kinikilig.
Ibinaling ko ang pag-iisip ko kay Dwayne.Ngayon,papayag na ko maging desperada basta maging kami lang at maging isa sa mga babae niya.
Dwayne Lopez,you will be mine and I will be yours. I promise that.
----
" First time kong makita kang fangirl bes ah. Tapos papalipat ka pa ng section nila,so iiwanan mo talaga ako?Bes naman,para kay Dwayne gagawin mo talaga?Tinamaan ka nga talaga sakanya. " Sabay kuha sa gamit ko.And Oo,nagpalipat ako ng section nila.Since matalino naman daw ako.Tsaka gusto kong makita lagi si Dwayne.
" Alam mo bang,magkatabi ng upuan si Krystal and Dwayne? Tapos si Keila and Kean. " Nakangiting sabi niya.Psh,pinapakaba na naman niya ko.Kaibigan ko ba siya o kaaway?
" Pero bes mag-iingat ka dun ah.Ang pagkakaalam ko is warfreak section yun pero may mga gwapo so okay lang " Tumango nalang ako.Si Dwayne lang naman ang priority ko eh.Wala ng iba.
Nagpaalam na ko kay Bes.Pupunta pa kase ako ng library para ibalik yung libro na binabasa ko.Nang naglalakad ako ng maayos at malapit na ko dun,may humila sakin bigla.Omo! sino to!?
" Bitawan mo nga ako! Sino ka ba!? Rapist here! Help me guys. " Grabe rapist agad?Di ba pwedeng magnanakaw muna.At totoo nga ang sinabi ko,na magnanakaw siya,magnanakaw ng pagmamahal ko sakanya.
" Can you just calm down?Tsaka di kita i-rape.May respeto ako sa babae. " Seryoso yung tingin niya sakin.Grabe naman kasi ako eh,rape agad.
" Ah s-sorry.Ikaw naman kase eh,hinila mo nalang ako agad. " Medyo may pagkahiya ko pang sinasabi yon ah.Pagdating sakanya,nauurong yung dila ko.
" It's okay.But next time,don't do that again.Can we talk?Privately. " Tumango ako.Paalis na sana kami kaso may biglang dumating.Isang magandang babae na naman,pero hindi ito yung nakita ko nung isang araw.
" Kuya Dwayne! " Nanlaki yung mata ko sa gulat.Kuya niya si Dwayne?Well she's my future sister-In-Law hahaha.
" Why baby sis?May problema ba? " Tsaka siya lumapit sa amin.Nakangiti lang siya sakin.
" Magpapaalam sana ako.Pupunta kami ng Padis mamaya with Bestie Keila. " Tumango siya.Ang sweet nilang magkapatid.
Pero sana pagdating ng araw,saakin mo din iparamdam yan.
" Okay basta mag-iingat kayo ni Keila. " Tsaka siya tumango.Ang cute nila.
" Kuya Dwayne,sino siya? I mean yung kasama mo ngayon?Don't say na girlfriend mo na bago yan.Sumbong kita kay Tatay. " Siya siguro si Jenelle.Yung kapatid na babae ni Dwayne.
" Nah no.She's Winona. " I'm his girlfriend haha joke.Sana mangyari yon.
" Ah,akala ko bagong girlfriend mo.By the way,aalis na ko ah?Bye Kuya! " Hinalikan ni Dwayne ang noo ni Jenelle bago umalis.
Ang sweet niya talaga,lalo na sa kapatid niya.Pati siguro sa mga magulang niya.
" Take care sis. Uwi kayo ng maaga. Mag-aalala si Tatay " Nagsalute pa siya sa Kuya niya.
" Ang sweet niyo ah. Ibang-iba tayo,si Kuya kase inaasar ako at binubully.Unlike you,laging naglalambingan ng kapatid mo. " Ngumiti siya tsaka ginulo ang buhok ko.Namula naman ako,eh sa kinikilig ako sakanya eh.
" Ganun din ako kay Jenelle.But i always love her,pati sina Mommy and Tatay. " Sinubukan kong ngumiti ng maayos.Kaso parang ngiting aso na yung nagawa ko.
" Ang cute niyong pagmasdan. " Ngumiti nalang siya.
Nagulat ako ng halikan niya ko sa noo.Putek,tukso please layo.Haha.
" You should keep yourself away from that bastards. " Umalis siya tsaka ngumiti.Ako naman si kinikilig tapos nakatunganga pa ko dito.Napahawak ako sa dibdib ko,sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Tadhana,aasa na naman ba ko sayo?
----
" Besss omg! Andito si Dwayne! " Busy kasi akong nagsusulat ng lecture.Tiningnan ko siya pero hinihila niya yung damit ko.
" Bes di na ko aasa.Itaga mo yan sa buwan. " Kasabay nun na may narinig akong tilian sa loob ng classroom namin.Di ko pinansin yon dahil busy ako.
Habang nagsusulat ako,may kamay na humarang sa pagsusulat ko.Aba loko to ah.Kita naman niya na may ginagawa ako tsaka niya haharang yung kamay niya?Psh.
Tumingila ako para makita ko kung sino yun.Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Yung mga babae sa paligid ko,sobra ang tilian.
Kyah! Dwayne bat ang gwapo mo!
Fafa Dwayne,please me my boyfriend!
Why your so hot bebe Dwayne!
Napatayo ako bigla.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pero naglabas siya ng isang puting rosas.Na may kasamang maliit na papel na nakapalupot.
Ngumiti siya tsaka lumabas ng classroom.Yung mga babaeng nagtitilian,naka matanglawin-look sila sakin.Psh inggitera kayo.
Kinuha ko ang gamit ko.Tutal wala na din si Bes dito kase lumabas siya.Sa totoo lang,kinikilig ako ng bongga sakanya.Sa tingin ko ata...
Na-fall inlove na ko sakanya.
Na kahit walang kasiguraduhan sa nararamdaman ko.
Basta ang alam ko,masaya ako kapag kasama ko siya.Kahit tahimik lang kami.
Parang mahal ko na siya.I feel comfortable when I'm with him and He stay at my side.
Pumunta ako sa playground ng mga kindergarten,umupo sa malawak na damuhan na may isang puno.
Kinuha ko ang rose at tiningnan ang sulat.
Can you be my date on Valentines?
- Dwayne Lopez
Sa sobrang kilig ko,napasigaw ako sa tuwa.
"Kyahhh! Omg! I can't believe this! " Natandaan ko,bukas na ang Valentines Ball ng University.I can't believe na ako ang magiging date niya.Excited na ko.
Kinuha ko ang phone ko at nag-browse sa internet.Nag Facebook ako at nag message ako kay Dwayne.
In Reply :
Sure,I will.Thank you Dwayne.
Tsaka na ko tumayo at pumunta sa next subject ko.
Tadhana,sana hindi mo na ko sasaktan this time.Minsan,nakakasawa na ang masaktan lagi.At sana,siya na ang para sakin.
Hayaan mo naman akong maging masaya.
----
* @Valentines Ball
" Are you ready? " Ngumiti ako sakanya tsaka tumango.
Masaya talaga ako ngayon.Siya ay nakatuxedo at ako naman ay naka-black dress na 2 inch above the knee.
Nag drive nalang siya papunta sa venue.Habang ako,nakatingin sa bintana,sa labas.Okay lang kahit tahimik,ang mahalaga,kasama ko siya.
After 15 minutes,nakarating na kami.Sa isang sikat na hotel gaganapin ang Valentines Ball.Sosyal talaga.
" Just wait me inside.Park ko lang yung sasakyan. " Lumabas na ko ng kotse.Wala naman ako magagawa eh.
Pumasok ako sa loob,grabe sobrang engrande at elegante ng event.May red carpet pang dadaanan,tapos may mga heart shape na balloons.Ang cute
" Oy Bes! Asan na yung date mo? " Aba,bongga ni Bes ah,naka long gown siya tapos kulay red.Then gwapo pa nung date niya.
" Ay oo nga pala,Bes meet Trevor Angelo Mendoza.Trevy,meet my Bestfriend,Winona.Actually,date siya ngayon ni Dwayne. " Ngumiti nalang ako sakanila.Mukhang bagay sila.Halatang kinikilig pa siya.
May biglang humila nalang sakin palayo,palabas ng building.Naka-piring ang nga mata ko.Teka sino ba to!?
Huminto na din kami sa paglalakad,ang layo ah.Tinanggal niya ang piring sa mga mata ko.Nagulat ako sa nakita ko.
Isang center table,na may dalawang seats.Tapos may kandila,then may heart shape na mga maliliit na kandila.So romantic...
May yumakap sakin mula sa likod.Omo! Ramdam ko ang hininga niya.
" Do you like it? I made this for you. " Tumango ako.Sa boses palang,kilala ko na siya.
" Super. Thank you Dwayne. " Tsaka siya tumingin sakin at lumuhod.Mas nakakagulat ang mga ginagawa niya.
" I know na hindi talaga tayo magkakilala ng matagal pero i find out na,tinamaan ako sayo. Baby,please can you be my girlfriend?Kahit 1 week lang kitang niligawan. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na gawin to. " And oo,tama.One week niya kong niligawan,doon mas nahulog ako sakanya.She was so sweet and caring especially sakin.
Paano na to?Puso,ikaw ang susundin ko ngayon.
" Yes Dwayne.Girlfriend mo na ko. " Napayakap nalang siya sakin.
" Hindi ko pagsisisihan to.I love you baby " Ang sarap sa feeling na mapakinggan yon lalo na sakanya.
" I love you too babe. " Tsaka niya ko hinalikan sa noo.
And i thought,kami na talaga.Akala ko lang pala yon,ayan nasaktan na naman ako....
----
3 years later...
" We meet again.Kamusta kana,Mr.Lopez? " Isa ako sa mga interviewer niya sa pag-apply niya sa Hallyu Magazine.Oo exacutive ako dun.At sa tagal ng panahon,nagkita kami ulit.
The man whom i love the most in my past.
" Okay naman ako.Ikaw Ms.Bacani? " Ngumiti ako sakanya tsaka tumango.
" I'm good as well.Buti nga,napakapag-move on na ko sayo. " Tsaka niya hinawakan ang kamay ko.
Tumayo naman ako " Dwayne can we just be civil?3 years na ang nakalipas pero masakit pa din sakin.Iniwan mo ko tapos bumalik ka kay Keila?How pathetic.Edi sana hindi mo na ko niligawan or ano pa man. " Paalis na sana ako kaso hinabol niya ko tsaka pinigilan
" Sorry for the things na nagkulang ako sayo,na sinaktan kita.And I'm so stupid. " Naiyak nalang ako.Buti naman,at nag pasorry na siya sakin.Ang tagal kong hinintay yung araw at oras na to.
Lumapit siya sakin tsaka niyakap " I guess,you have to move on.Kahit magkatrabaho tayo,sana maging okay pa din tayo.And sorry. " Tsaka niya ko hinalikan sa noo.At umalis.
Naiyak na naman ako.Lumabas ako ng building namin.Saktong umuulan,umulan ng malakas.Umiyak na din ako.Ang sakit,masakit pa din sakin.
Napaupo nalang ako,at na realized ko lahat ng katangahan ko.Umalis ako at bumalik sa bahay ko para makapag-isip.
and I realized one thing...
Siguro nga,pinagtagpo lang talaga tayo sa isa't-isa,pero hindi tayo tinadhana para maging tayo sa huli.Nasaktan mo man ako,atleast nalaman ko na nagsisi ka din.Dwayne,sana maging masaya ka sa piling ni Keila.
At sana,si Tadhana,maging mabait sakin para makita ko ang Taong nakatadhana para sakin.
---- WGNB
#DOCActivity #Me&MyBias

NOTE: Take care guys! :*

Bluer Than Blue (Dedicated To blue_maiden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon