Chapter 2 "Reasons"
"Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang?"
Natawa ako sa loob loob ko. Hindi ko alam na pinapansin niya pala ang mga galaw ko. Akala ko babalewalain niya lang iyon. Tunaw na ang ice cream sa hawak kong baso kakaisip ng mga bagay bagay. Ni hindi ko na nasundan kung ano nga ba ang topic nila.
Tamad akong ngumiti sa kanya at tumango. "Pagod lang," mailap na sagot ko.
"Pagod? E, wala nga tayong masyadong gawa ngayon kaya saan ka naman napagod?" makulit na tanong niya. Sa pagkakataong ito ay totoo ang binigay kong ngiti.
Kahit kailan talaga ang kulit niya. Hindi niya talaga ibababa ang topic hanggat hindi komportable sa sagot. Hindi ko ramdam na walang masyadong gawa ngayon o dahil lang siguro sa sobrang pag-iisip. Kaya pakiramdam ko ang dami kong ginawa kahit na wala naman masyadong gawa.
Ibinaba ko iyong baso sa mesa. Buti na lang talaga at benign itong araw na 'to dahil kung hindi baka kanina pa nakuha ang atensyon ko.
"Pagod sa buhay? Hindi ko alam." Kibit-balikat ko at natawang umalis doon.
"Ikaw! Kahapon pa kita napapansin ha! Pagkatapos mong tanggapin iyong tawag ng kung sino man 'yon naging ganyan ka na. Jowa mo iyon 'no! Nagbreak kayo?"
Gusto kong matawa. Jowa? How I wish!
Sumunod lang siya sa likod ko hanggang sa makarating kami ng cubicle namin kung saan naghihintay si ate Euvie, isa sa mga katrabaho namin.
"Pinapatawag ka ni Ma'am Reed." Si ate Euvie at umalis na rin.
Umupo ako sa swivel chair at roon ay inayos ko ang bag ko. Si Marga naman ay umupo lang sa mesa ko at iritadong humalukipkip.
"O? Ano na namang ipapagawa ng bruhilda nating Ma'am? Ala-singko na ah! Uwian na natin. Hindi niya ba alam na tao din tayo?" inis na sagot niya. Sinuway ko nga. Ang laks lakas ng boses.
"Baka may makarinig sa'yo riyan at isumbong ka. Bahala ka!" pananakot ko. Although wala naman atang magbabalak since lahat sila dito may sama ng loob kay ate.
Kahit naman anong lupit niya sa amin, kapatid ko parin siya. Tama lang na kahit papaano ay ipagtanggol ko din siya, iyon nga lang ay palihim. Sa buong pananatili ko dito, napansin kong lahat ay ayaw sa kanya dahil sa pagiging mataray. Hindi ko naman maiaalis iyon, kung ibang tao lang din siguro ako iyon din ang mararamdaman ko kaso hindi. Hindi naman ako iba sa kanya. Kapatid ko siya. Hindi nga lang alam ng karamihan.
"Wala akong pake!" matapang na sagot nito.
Ngumuso ako, "kahit pwede kang mawalan ng trabaho?"
"Ay! So? E, di maghanap ng bago! Hindi siya kawalan ano!" tinapik nito ang buhok patalikod at nagchin up. Naiiling akong tumayo roon at nagpaalam sa kanya.
"Mauna ka na lang mamaya. Baka matagalan ako." Sabi ko at rumetsada na.
Tinahak ko ang pasilyo patungo sa office ni ate at tulad nga ng inaasahan ko ay nakatulala ito sa kamay niya. Sa sobrang focus niya doon ay kahit pagsara ko ng pinto ay hindi niya narinig. Para akong hangin na napadaan lang roon.
"Pinapatawag mo raw ako?" agaran kong tanong at tumayo sa harap ng mesa niya. Halata atang nagulat ko siya gawa ng reaksiyon niya. Mabilis niyang binaba ang kamay niya na para bang itinatago niya iyon sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi iyon pangunutan ng noo. That's weird.
Umayos ito ng tindig at tinanggal ang suot-suot na eyeglasses. Even if she's too stressed hindi parin nababawasan ang ganda niya. She still looks so stunning. Kahit na medyo buhaghag na ang buhok nito at gusot-gusot ang corporate attire niya ay ayos parin siya.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Affair (SSB#4)
RomanceSandoval Series: He's so moody. That's how Calla Amia Samonte describes the ultimate Peter Yñigo Sandoval. Sometimes he snobs. Minsan naman sobrang sweet. His behavior's a bit confusing kaya nga, kahit na sa tinagal-tagal na panahon, she never aband...