Chapter 10

29.3K 472 12
                                    

Chapter 10 "Castle"

I'm happy I was able to make her wish come true. Ang sarap sa pakiramdam na makitang masaya ang isa sa mga taong nagmamahal sa'yo.

"Tara na po?" tanong ko nang bumaba kami ng tricy. Kanina pa kasi siya nakatulala at nakangiti habang pinagmamasdan ang bahay nila. Pansin ko nga ring nangingilid ang luha niya

Alam kong nagtataka na iyong tatlo sa pagkawala ko bigla. Hindi ako nagpaalam but my things were still there. Ihahatid ko lang si yaya Shen para kahit sa isang buwan na mananatili kami rito ay makasama niya rin ang pamilya niya kahit papaano.

"Halika na." Anyaya niya at kumawit sa braso ko. Dala ko iyong gamit niya. Buti na lang at bukas iyong gate nilang gawa sa alambre kaya hindi na kami nag-abala pa kung paano iyon bubuksan.

Nagkatingin kami ni yaya nang marinig namin ang nagkukulitang mag-asawa sa loob.

"Sigurado akong magugulat ang mga iyan." Ani ni yaya. I smiled because they will.

"Avic!" tawag ni yaya sa kapatid nito. Binaba ko muna iyong bag na hawak ko bago umayos ng tayo. Nawala ang hagikgikan sa loob at napalitan ng mga tanong.

At tulad nga ng inaasahan namin ay halatang nagulat ang mag-asawa nang makita kami.

"Tita! Tito!" bati ko.

"Manang? Calla? Diyos ko!" mabilis niya kaming niyakap at sinuklian namin iyon. Rinig ko ang impit na pag-iyak nito sa gitna ng ulo namin ni yaya. I smiled widely as I let go of the hug and watched the two lady exchanging their misses messages.

"Kumusta?" bati ni tito Edwin at niyakap din ako.

"Mabuti po. Kayo? Kumusta?" tanong ko pabalik. Tumango ito at sumenyas na wag maingay para hindi namin maistorbo ang dalawang nag-iiyakan doon. Tahimik na binuhat ni tito Edwin ang mga gamit ni yaya bago ako sumunod sa kanya sa loob. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko ang dalawang magkapatid. Their eyes were saying so much about their feelings-- sobrang saya.

Sa kabila ng ngiti ko hindi ko maiwasan ang malungkot. Naalala ko si ate. Kailan na nga ba iyong huling beses na niyakap ko siya? Iyong iiyak ako sa tuwing aalis ng wala siya. I can't remember anymore. Masyado pa akong bata noon.

Ito na naman ako. Akala ko ba magsasaya ka, Calla? Hindi ba iyon ang dapat na ginagawa mo?

"Kumain na ba kayo?" tanong ni tito Edwin. Umiling ako. Pagkagising namin ay naligo lang kami at iniwan na namin iyong tatlo roong natutulog. Halos madaling araw na silang matapos uminom kaya deserve nila ang mahabaang tulog.

"Halla't umupo ka at ipaghahanda ko kayo." Aniya.

"Salamat po." Sagot ko at naiwan akong mag-isa na roon. I grabbed my phone and decided to text the three in case na hanapin nila ako. Imposibleng gising pa sila 'yon kaya hindi ko na lang tatawagan. Baka maistorbo ko pa sila.

Sa halip na manatiling nakaupo roon ay binuhat ko ang bag ni yaya at dinala iyon sa kwarto niya. The house got more bigger. Tanda ko pa iyong araw na halos dito kami sa sahig magkakasamang natutulog. Walang aircon. Walang kama na malambot. Walang unan na malaki. Papag lang ayos na. Pero ngayon, semento na ang sahig. Lahat yari na sa semento maliban sa pangalawang palapag na kahoy pa rin hanggang ngayon.

Binaba ko ang bag sa gilid ng pinto at binagsak ang sarili ko sa higaan. Tulala akong nakatingin lang sa kisame.

Mariin akong napapikit, baka sakaling mawala na naman ang imahe niyang tumatakbo sa isip ko. Posible kayang maging ayos na ako pagkalipas ng isang buwan?

Nasabi niya na kaya? Kung nasabi niya na, galit kaya si ate? Although dapat lang naman siyang magalit. Kahit naman siguro kahit sino magagalit dahil doon.

The Forbidden Affair (SSB#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon