Chapter 4

37.3K 567 15
                                    

Chapter 4 "Rejected"

"And since when did I allow you to wear sunglasses while working?" sabi niya habang nakatingin sa sinusulat niya. I suddenly felt disappointed. Ganito lang din naman pala ang sasabihin niya e 'di sana hindi na ako pumunta. Hindi na ako umimik. Para saan pa e galit na siya.

Nainis ata siya kaya bigla itong tumigil at sumandal sa upuan niya para lang siyasatin ako nang husto.

Tinanggal ko 'yong glasses ko and I looked at her straight to the eye. "Don't tell me you prefer looking at my bloodshot eyes than my glasses?" I said before rolling my eyes. My head's hurting at sana 'wag niya ng dagdagan pa 'yon. I had enough. I know it's my fault but gosh I just want her to pause for a moment.

"Anong naisip mo para maglasing ka? Goodness, Calla! Peyn saw you last night!" She yelled. Actually yell na kaming dalawa lang ang nakakarinig. She obviously don't want others to know kaya kahit pagsigaw kalkulado na niya.

Nakalimutan ko nga naman kasi girlfriend siya kaya for sure magsasalita iyon. Baka nga nagsumbong pa sa mga pinagsasabi ko kagabi.

"Don't tell me na kahit sa paggalaw ko kailangan kong kalkyulahin para lang sa boyfriend mo? He doesn't know anything so shut up and leave me alone." I am pissed, really. Pati ba naman iyon ay pakikielaman niya.

"Paano na lang kung malaman niya? You'll disgust me, Calla. He might think that my sister's some kind of dirty-little girl." Aniya na parang nandidiri sa pagtingin sa akin. Napairap ako. I'm offended. Okay.

"So he thinks like that? That's more disgusting you know. He judges people so easily." Taas-kilay kong sabi na mas nakapagpapula ng mukha niya.

She pointed her finger to me to simply threaten me. Kailangan ko na bang matakot dahil doon? Kailangan ko na din bang lumuhod?

"I'm telling you, Calla--" tumigil siya dahil tinalikuran ko siya agad. Sinuot ko ang glasses ko at nagsimulang maglakad. I don't have strength to argue with her. My head hurts for freaking sake!

"Nah... don't tell me what to do. This is my life and you have no fucking right on it." I answered dismissing the topic. Come on I still have lots of things to do. Ayokong maubos ang lakas ko dahil lang dito. I still have few hours more for work.

Nang matungtong ko ang pinto ay mabilis akong umatras nang mismong pinto na ang lumapit sa akin. Kailan pa naging automatic 'tong pintong 'to?

Buti na lang at nakaglasses ako. It would be hard for him to read my expression. Because honestly speaking hindi ko kayang humarap sa kanya pagkatapos ng kahihiyang ginawa ko.. Last night, the night I hope didn't happen, was the reason why I shouldn't see him. Although it's too impossible kasi nga nagtratrabaho ang girlfriend niya rito at bilang boyfriend kailangan niyang bumisita.

Napalunok ako dahil muli na namang nagsalubong ang kilay niya.

Umiwas ako ng tingin at umusog para makadaan siya. Then after that their sweetness explode. Bago ako pa iyong sumabog ay lumabas na ako. I noticed na lahat pala ng katrabaho kong babae ay napatingin sa gawi niya kaya ngayon ay nakatingin sila sa akin pagkalabas na pagkalabas ko.

But what caught my attention was Marga's expression.

"Ano iyon?" pagdirekta niya kahit hindi pa kami nakakarating sa cubicle.

"Anong ano?" pagkukunwari ko. Dumaretso ako sa upuan ko at iniikot iyon para talikuran siya. Baka sakali lang na makaiwas ako.

"Huwag na 'wag mo akong inaano diyan! Masasapak kita." Paghahamon niya at sinusubukang paikutin ang upuan ko.

"Ano iyon? Parang nakakita ka ng multo."

"Oo. Nagpakita ka kasi--" napahawak ako sa ulo ko na binatukan niya. "Ano ba!" reklamo ko. Bakit ba siya nananakit? Ang sakit sakit na nga ng ulo ko balak niya pa bang dagdagan? Wala ba silang awa. Hindi ba uso sa kanila ang time-out?

The Forbidden Affair (SSB#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon