Chapter 14

34.8K 504 51
                                    

Chapter 14 "Slippers"

"Good morning, Ma'am!" bati nung guard sa 'kin, pagkalagpas na pagkalagpas ko sa kanya.

"Good morning po!" bati ko pabalik. I even wave at him while still running.

Konti na lang. Malapit na ako. I ran across the deck and stop when I finally reached the chalet he's in.

Relax, Calla.

Ilang beses pa akong huminga-hinga muna bago tuluyang sumilip sa bintana.

Tulog pa kaya siya? Pero tanghali na. Dapat gising na siya. At saka sayang naman kung hindi siya makakasama sa amin. Hindi niya makikita iyong ganda ng tatlong isla.

"You need something?"

I am currently cursing inside my head. Bakit ba siya nanggugulat?

"Huwag ka namang--" I stopped.

Okay, Calla. Relax.

Umiwas ako ng tingin dahil basang basa ang katawan niya. Mukhang kakaahon niya lang mula sa dagat. At nakalimutan niya atang magshirt muna? Hindi kaya lamigin siya?

"I... ehem." You looked weird, Calla. Ulitin mo lang, Calla. Relax. That's it. Relax. "Well... I came here to ask you if you want to join us?" nagnakaw ako ng sulyap sa kanya na mabilis kong pinagsisihan.

Jusme! Wala man lang ba siyang balak takpan ng twalya iyong katawan niya? Baka... ano... malamigan. Naku! Mahirap na!

Napahilot ako sa sentido ko bago nagnakaw ulit ng sulyap.

"Just in case lang naman na gusto mong sumama kasi bored ka. But if you don't like it's fine." I added. 'Yon lang naman kasi 'yong pinunta ko rito. Kung ayaw niya, hindi ko naman siya pipilitin pero nasasayangan kasi ako. I'm sure he'll love the view pag nakita niya iyong tatlo pang isla malapit  dito. Tutal bakasyon naman ang ipinunta niya rito baka gusto niyang magexplore muna. He must see the island. Hindi pa iyon bukas para sa lahat kaya he's lucky if he'll come with us. Syang kasi.

"Okay."

Napatigil ako at mabilis siyang nilingon kahit na mukha na ata akong kamatis sa pula.

"Okay? You mean?" okay na hindi siya sasama o okay dahil payag siya? Ang daming ibig sabihin ng okay!

He laughed. "I'll just change."

Napakurap ako.
Parang huminto ang paligid ko nang makita ko siyang ngumiti sa 'kin. Hindi pa rin talaga ako masanay-sanay. He needs to do that often para hindi nakakasira ng ulirat. Well... baliktad ata... ah bahala nga siya.

"Hintayin na lang kita rito?"

"Okay."

"Okay..." now it's my turn to say the same thing with him.

Pinanood ko lang siyang maglakad papasok. At doon palang ako napabuga ng hangin. Gosh!

Hindi ko inaasahan 'yon. Maganda ata naidulot sa kanya ng pagbabakasyon niya rito.

Muli akong napabuntong hininga.

Ikaw, Calla! Umayos ka!

I looked at the water below and saw myself.
Napatigil ako at kinuha ang phone ko. I opened it and saw Eos' message.

Kailan ba siya titigil?

Hindi ako makapaniwala na hihingin niya iyong number ko. I hate assuming things pero kasi... wala akong balak sa kanya...

"Ano ba kasing naisip niya at binigay niya 'yong number ko? Ah!" Marga talaga!

Binalik ko 'yon sa bulsa ko at nagnakaw ng sulyap sa pinto na pinasukan niya.

The Forbidden Affair (SSB#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon