Chapter 2
Kai's POV
Ang ganda talaga ni Ayuzawa. Di naman ako yung tipo ng taong palangiti, pero pag nakakausap ko siya napapangiti ako. Haha xD
Di ko alam na siya pala ang president ng SC, wala naman kasi ako pake sa paligid ko. NOON. Pero ngayon na nakita ko siya, di ko alam kung bakit.. Pero tinamaan ako.
Pano ko siya nakilala?
(Flashback)
Naglalakad ako sa labas para bumili ng maiinom nang may mapansin akong babaeng pinagtutulungan ng dalawang lalaki.
"Kuya, ibalik mo na yung kinuha mong pera sakin.. Yan na lang yung natitira kong baon para bukas, maawa ka naman" sabi ng babae
"Hoy babaeng busabos, ba't ko to ibabalik ha? Sino ka ba? Hahahahahaha!" Sabi nung lalaki
Mukhang alanganin yung babae sa sitwasyon niya, tutulungan ko ba o hindi? Sht. Di ko naman ugali makialam sa buhay ng may buhay.
"kuya, ibalik mo na sakin! kundi.." -babae
"Kundi ano? Satingin mo matatakot mo ko? Hahahah! Huy pre! Type mo ba to? Sayo na o.. May malapit na abandonadong lugar jan!" -sabi nung lalaking kalbo
"Walang hiya kayo! Kinuha mo na pera ko, ipapabastos mo pa ako sa barkada mong mukha namang halimaw!" -babae
"Aba'y gago ka ha?!" -tropa nung kalbo
Sht. Di ako aabot, masasaktan yung babae!
Napaiwas ako ng tingin, kasi parang ang hirap naman makakita ng ganung sitwasyon. Pagtingin ko, nanlaki yung dalawang mata ko. ----> O__O ganyan. May babaeng pumigil sa suntok nung bayolenteng lalaki. Humangin ng malakas. Sumabay yung buhok niya sa hangin. Ang ganda niya at ang astig tignan. Sa kabila ng maamo niyang mukha ay sobrang lakas naman ng aura na bumabalot sa kanya.
WHAT THE? Tama ba yung nakita ko?! Sinuntok niya yung kalbo? Di ako makapaniwala. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kagaya niya. Grabe. Tingin ko... Tinamaan na talaga ako. Kailangan kong malaman kung sino siya.
May dumaan na estudyante.. Hinatak ko. Haha mukhang natakot >:) pero magtatanong lang naman ako eh.
"B-bakit po?" -sabi nung estudyanteng hinatak ko.
"Kilala mo ba yung babaeng yun?" -ako (sabay turo dun sa babaeng astig na maganda)
"Ah! Ayun po. Si Miya Ayuzawa yun, yung President ng SC, di mo alam?" -siya
Aba't parang mejo napahiya naman ako dun, kilala pala yan si Miya ng mga tao dito. Tapos ako hindi ko siya kilala?! -.-"
"Hoy bata, kilala ko yan no! Naninigurado lang! Alis na! Alis!"- ako
Haysss! Parang mejo semplang pa ata yung dahilan ko ah. Tss. Okay lang at least alam ko na pangalan niya, yes! :)))))
Lumapit ako at sinadyang bungguin siya, pero di ko alam na mapapalakas pala. Natumba tuloy siya. Ano ba yan Kai, ang bobo mo. Pero mas maganda pala siya sa malapitan.
Ang puti niya. Itim, makintab at mahaba ang kanyang buhok. Pulang pula din yung labi niya. Putcha! Nababaduy na ako!!! >______<" pero seryoso ang ganda niya.
Mukhang nainis ata siya kasi nakatingin sakin ng masama. Okay lang kasalanan ko naman eh. Inabot ko na lang yung kamay ko sa kanya, pero di niya pinansin yun at tumayo na siya
"Miss, pasensya ka na. Di ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako eh 😊" -sabi ko ng nakangiti.
Di ko kasi talaga mapigilan. Ang ganda niya, ang sarap kurutin ng pisngi niya. Nakakatuwa yung kasungitan niya.
"wala akong pake kung nagmamadali ka o hindi, basta tumingin ka sa dinadaanan mo"
-miya
Naglakad siya at binangga ako. Grabe siya. Mejo napahiya ako dun ah. Pero okay lang. Mas lalo akong tinatamaan sa kanya. Amoy na amoy ko pa yung pabango niyang amoy melon. Ayoko sa pabango. Pero bibili nga ako nun. Hahahaha joke lang 😜
Pumasok ako sa building kung saan siya pumasok. Haha, stalker ba datingan? Ganun talaga. Kailangan ko pa ng inpormasyon ^__^ nakita ko ang sched. nila. Nakadisplay sa labas ng pintuan. 12:30 pala break time nila. 10:30 pa lang. Ano ba yan, tagal ko pang maghihintay. Cutting na 'ko neto. Bwiset. Ba't ko ba 'to ginagawa dahil sa isang babae? Ang huling naaalala ko wala akong interes sa mga babae ah? -.-" wala eh, tinamaan. Hayss..
Natapos ang ilang oras na paghihintay, sa wakas naglalabasan na. Ay anak ng siopao! Nandiyan na siya.. Para naman akong tangang nagpapanic dito. Daig ko pa manok na nagulat -.-" Uunahan ko na nga lang siya sa canteen.
So ayan andito na ako, nakatayo sa isang tabi at hinihintay na lang siya. Nakita ko siya bumababa ng hagdan. Lakas talaga ng aura niya. Yung pakiramdam na mahihirapan kang kausapin at lapitan siya. Pero okay lang kaya ko naman to. 😉
Paalis na ako nang may humarang sakin tatlong babae.
"Hi cutie boy" -girl 1
"Ang pogi mo naman! Eeeeee!" -girl 2
"Pwede niyo po ba ako maging girlfriend?" -girl 3
Kingina naman netong mga to. Ang lalandi. Hayss..
Tinignan ko sila ng masama at sabi ko "pasensya na may nakakuha na ng puso ko" dali-dali kong hinanap ng tingin si Miya at ayun! Bingo! nakapila sa bilihan. "Hoy mga babaeng mukhang elepante, ayun yung nakakuha sa puso ko" (sabay turo sa direksyion ni Miya)
"Si Miya?! O___O alam mo ba kung gano yan kabrutal at kahirap pakisamahan?" Girl 1
"Maganda siya pero daig niya pa lalaki makipag away! >___<" girl 2
"Oo nga! Mas worth it naman ako sa kanya maging GF!!" Girl 3
Punyeta tong mga babaeng to ah, i-kumpara daw ba mga sarili nila kay Miya. Tss.
"Hoy kayong tatlo! Ang kakapal ng mukha niyo. Di hamak na mas okay sa inyo si Miya. Ang papanget niyo, belat! 😜 haha!" Pagkatapos ko sabihin yan. Tumakbo na ako papunta sa direksiyon ni Miya, nakita ko sa itsura nung mga babaeng yun ang panghihinayang at inis sa mukha. Buti nga sa kanila. Kadiri sila ano ba yan. -.-"
Wow! Melon bread ba yung nakita ko? Paborito ko yun ah! Sa sobrang sabik ko.. Inunahan ko yung babaeng bumibili.
"Ate, akin na yung melon bread ^__^" -ako
SHET SI MIYA! BUMIBILI DIN PALA.. BOBO MO KAI!!!!
Ano gagawin ko? Putcha.
"Hoy, di mo ba nakikita na ako nauna" -Miya
"Ayy pasensya na, di ko na kasi matiis na di makakain ng melon bread eh :))" -Ako
Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat, pero nag poker face siya ulit. Pfft. :3 Ang cute niya HAHA.
"Wala akong pake, kung gusto mo bumili.. Pumila ka ng maayos" -siya
Ang sungit niya talaga.
"Sorry, kung gusto mo libre ko na tong melon bread na to sayo" -ako
"Hindi ko kailangan ng libre mo, umalis ka na lang sa harapan ko" -siya (sabay bato ng melon bread na hawak ko)
Aw, nalungkot naman ako dun T__T
"Sinasayang mo ang tinapay na paborito ko"(sabay pulot ko sa melon bread)
"Anak ng tinapa, amin na nga yan. " -siya (sabay hablot niya sa melon bread na hawak ko)
Nagulat ako, kasi kahit papano pala.. Nako-konsensya siya. Mukha siyang batang nag-aalala kaya napangiti ako. 😊
Naglakad na siya agad palayo. Hahaha! Nahiya siguro.
Palabas na siya ng canteen ng biglang akong sumigaw.. "Miya Ayuzawa! Josh Kai pangalan ko, tandaan mo ah ^___^" di ko alam kung bakit, pero gusto ko malaman niya yung pangalan ko.
Napahinto siya, pero di siya lumingon. Ano ba yan. Gusto ko pa makita yung mukha niya eh, kaso hayaan mo na nga. At least nagawa ko yung gusto kong gawin. At ayun nagpatuloy na nga siya sa pag alis. Sana makita ko siya ulit. Mali, hindi sana. Kasi alam kong makikita ko pa siya. 😊 Miya Ayuzawa i've fallen to you.
BINABASA MO ANG
Tadhana..
RomanceHindi ko ine-expect na darating siya. Basta ang alam ko simula nung dumating siya wala na akong ibang hinangad kundi ang pasayahin at iparamdam sa kanya na gusto ko siya. Pero paano ko nga ba maipagtatapat sa kanya yung nararamdaman ko? Madali? Oo m...