Miya's POV
Andito na ako sa bahay. Pagpasok ko, hindi ko nagustuhan ang bumungad sakin. Lagi naman ganun eh.
Tatay ko. May kasama na namang babae. Tinignan nila ako. Ako naman, naglakad ako ng dire-diretso na para bang wala akong nakita.
"Miya, di mo ba siya babatiin ng magandang gabi?" -tatay kong bugok
"Walang maganda sa gabi" -ako
"Honey, ba't ganyan yang anak mo? Alam mo kung ako sa'yo. Bigyan mo na lang ng condo yan tapos palayasin mo"-malanding kabit ng siraulo kong tatay
Oo, kabit lang ang turing ko sa kanya. Pera lang naman habol niya sa tatay ko. Pero ano? Sa tuwing pinapaliwanag ko sa tatay ko. Palagi akong nasasampal.
Tinignan ko siya ng walang emosyon. At sinabing...
"Alam mo tama yung sinabi mo. Dapat bigyan na lang ako ng condo, nang sa ganun. Sa tuwing umuuwi ako, hindi ko na kailangan pang makakita ng isang matandang pamilyadong lalaki at isang malanding pokpok na di ko alam kung san nanggaling, ang naglalandian sa loob ng pamamahay na tinitirhan ko"
Halata naman sa mukha nung malanding yun yung inis. Nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa hagdan, nang bigla niya akong hatakin at sampalin. Pero wala pa din akong pinakitang emosyon. Tinignan ko yung tatay ako. Nagbabakasakali akong pipigilan niya yung kabit niya. Pero ayun siya nakayuko at tila walang planong pigilan yung kabit niya.
Masakit. Itago ko man yung emosyon ko, nasasaktan pa rin ako. Ano nga bang silbi ko sa mundong ito? Kung ang sarili kong tatay nawalan na ng pakealam sakin. Haha, pamilya? Parang di na nga yun nag e-exist sa buhay ko eh. Pakiramdam ko... Mag-isa na lang ako.
Tinignan ko yung kabit ng tatay ko, nag smirked ako. Sabay sabi ko ng "ano? Hanggang jan lang kaya mo? Sabagay, pano ka makikipagsagutan sakin kung totoo naman lahat ng sinabi ko? Wag ka mag-alala. Ngayong gabing to. I'm leaving."
Napatingin sakin ang tatay kong walang kwenta.
"Don't worry, kung ayaw mo na akong sustentuhan, wala akong pake. Mas maganda pa nga ata kung mawawalan na ako ng connection sa inyo Mr. Ayuzawa. Haha ge mag-iimpake na ako. Hindi ka karapat-dapat tawaging tatay. Start a new life. At sana kung gagawa ka ng panibagong pamilya, wag na wag mo gagawin sa kanya yung ginagawa mo ngayon sakin at kay mommy." -ako
Masakit para sakin sabihin yung mga salitang yun. Pero siguro tama na din yun. Kung dati pakiramdam ko mag-isa na lang ako. Ngayon, talagang totohanan na 'to.
After i said those words. I run. I run to my room and get all the things that i need. Kinuha ko yung perang naipon ko. Malaki na rin to. 500k. Binabalak ko na rin kumuha ng part time job. Ibebenta ko rin yung ibang gadgets ko.
Bumaba na ulit ako.
Dala ang isang maliit na maleta. Kahit gabi na at delikado.. Wala akong pake. Kaya kong protektahan ang sarili ko.
Nakita ko ulit yung dalawang malanding matandang naglalandian. Haha nagbakasakali ako na pipigilan ako ng tatay ko, pero nadisappoint lang ako ulit. Miya naman kasi eh. Ba't ka pa ba umaasa?
Nagpatuloy na lang ako sa paglakad palabas ng pamamahay, na hindi nililingon ang magaling kong ama. Sana maging masaya sila.
Naglalakad ako sa dilim, na parang wala sa sarili sa dami ng iniisip. Napadaan ako sa isang park. Namiss ko 'to. Huminto muna ako, at naupo sa isang swing. Nagbalik yung dating ala-ala sa isipan ko.
(Flashback)
"Mommy, sana ganito na lang kasaya forever and ever and ever!" Sabi ng isang batang babae
"Oo naman anak, siyempre gagawin ng daddy at mommy ang lahat para lagi tayong happy hanggang forever" -sabi ng daddy
"Haha, oo nga naman baby!" (Sabay kurot sa pisngi nung batang babae) -mommy
Ang batang babaeng iyon ay ako. Ang dating ako. Ang masayahing ako. Ang batang walang hinangad kundi ang maging masaya kasama ang pamilya. Nagsimula nang pumatak yung luha ko, kasabay ng malakas na hangin na may kasamang ulan. Ang tagal ko na din palang hindi umiiyak. Tapos nakakatawa, nakisama pa ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.
Kung di ba nawala yung mama ko, masaya pa rin? Kung di ba siya nawala, di ako palaboy-laboy ngayon? Sana ma, andito ka na lang. Kung nabubuhay ka pa siguro, di ako magkakaganito. Sana sinubukan kong protektahan ang mama ko. Sana hindi ako nagpadala sa takot. Isa yun sa dahilan kung bakit nag-aral ako ng martial arts, dahil sa nangyaring hindi ko inaasahan.
Yung araw na masaya kami, ay yung araw kung san din siya binawian ng buhay. Sa lugar kung saan ako nakatanaw ngayon, kung saan nung araw na yun, namatay ang mama ko sa harapan ko. Nasaksihan ng dalawa kong mga mata.
Wala ang papa ko bumili siya ng ice cream dahil kinulit ko siya na gusto ko nun.
Kami lang ng mama ko ang naiwan sa lugar na to. Nang may bigla kaming narinig na malakas na putukan.
May lalaking humatak sa mama ko at tinutukan ng baril. Nanginginig ako, at hindi makapagsalita dahil sa mga nangyayari.
"Wag kayong lalapit, kung ayaw niyong barilin ko tong babaeng to!" -lalaking armado
"HOY BITAWAN MO SIYA!" -police 1
"Wag kayong magpapaputok kung ayaw niyong mamatay tong babaeng hawak ko!!" -lalaking armado
May isang pulis ang di sinasadyang nakapagpaputok ng baril, nagulat yung lalaking armado kaya hindi sinasadyang nabaril niya ang mama ko. Pero nakita ko ang mama ko, nagsalita siya habang umiiyak, nabasa ko sa kanyang mga labi ang mga salitang to "anak mahal na mahal kita. Pasensya na kung hindi matutupad ang mga pinangako namin sayo" pagkatapos nun, binawian na siya ng buhay. Sa harapan ko, sa harapan ko nangyari ang isang pangyayaring nakapagpabago ng buhay ko. Nagdilim lahat sa paligid ko, parang nawala ako sa mundo, at nang makabalik. Nakita ko na lang ang mga nagkalat na dugo sa paligid. Ang mga sigawan ng mga pulis. At ang pagtugis sa lalaking pumatay sa aking ina. Naiwan akong nakatulala at halos mabaliw sa nangyari.
Ngayon.. Walang tigil sa pag agos ang mga tubig sa mata ko, lalong lumakas ang ulan, at basang basa na ako. Then everything went black.
BINABASA MO ANG
Tadhana..
RomanceHindi ko ine-expect na darating siya. Basta ang alam ko simula nung dumating siya wala na akong ibang hinangad kundi ang pasayahin at iparamdam sa kanya na gusto ko siya. Pero paano ko nga ba maipagtatapat sa kanya yung nararamdaman ko? Madali? Oo m...