Miya's POV
Natapos ang araw sa school na puro kamalasan ang nangyari sakin =__="
Napaaway ako, may epal na lalaking nagkakataong palagi kong nakikita.. Ano pa? Nakipagsagutan ako sa MAPEH teacher.
Hayss.. Uuwi na nga ako. Pero parang ayokong umuwi. Bahala na nga.
"MIYAAAAAAA!"
Kilala ko na yung maingay na yan. Siya yung Best friend ko si trinity.
"Ang ingay mo Trinity =__=" -ako
"WAHAHAHA! Eh kasi naman Miya namiss kita! Sayang kasi di na kita kaklase eh." -trinity
"Ang drama mo." -ako
"Hahahaha! Di ka pa rin nagbabago Miya. Tara sabay na tayo umuwi, ay oo nga pala may mga nag aabang jan sa labas na sundo mo T__T" -trinity
"Tss" -ako
Naglalakad na kami palabas ng gate. Sumalubong na sakin agad yung dalawang in-assign ng tatay ko na bodyguard na magsusundo sakin.
"Miss Miya, tara na po sa kotse" - Bodyguard 1
"Pano kung ayoko?" -ako
"Sige na po, mapapagalitan po kami ni Mr. Ayuzawa pag nagmatigas pa po kayo" -bodyguard 2
"Oy Miya, sige na sakay na. Okay lang ako :))" -trinity
Tss.. Punyeta naman kasi yang tatay ko. Bwisit.
The fvck? Hinawakan ako sa braso nung isang body guard. Gago siya ah.
"Sinusubukan niyo ba talaga ako? Bitawan mo ako" -ako
"Hindi po pwe-....."- bodyguard 2
Di niya na natuloy yung sinabi niya dahil may lalaking sumapak sa kanya. The hell? Parang pamilyar tong lalaking to ah. Tae! Si Kai ba to? O__O
"Ayaw ngang sumama sa inyo, pinipilit niyo pa. Nakatikim ka tuloy sakin ng sapak, wag mo kasi siyang hahawakan. Ungas ba kayo?" - Kai
Akmang susugurin na siya nung isa pang body guard nang sipain niya to sa tagiliran. Tae.. Anu ba nangyayari? Napagkamalan niya bang kidnappers tong mga body guards ko?
Humarap siya sakin at ngumiti ng pagkalaki-laki ----> ^____^ ganyan. Ako naman poker face lang. Pero parang ang init ng mukha ko.
"Miya, okay ka lang ba?" -siya
"Tss" - ako
"Ang cute mo tala...." -siya
Di niya na natuloy yung sinasabi niya kasi, napansin niyang bumangon yung isang body guard.
Si Trinity ganito lang ang reaksyon ---> O______O
Kakausapin ko sana si Trinity pero di ko na nagawa dahil may humawak ng kamay ko, at di ko namalayan na tumatakbo na kami palayo sa mga body guards ko. Tinatakbuhan ko ang mga Body guards ko na may kasamang lalaki?! THE FVCK? naiwan ko pa si Trinity dun =___="
Nakapagtago na kami sa likod ng isang bahay. Natakasan na namin yung Body guards.
"hoy kai, bitawan mo na nga yung kamay ko" -ako =__=
Ngumiti siya. Yan na naman yang ngiting yan, bwiset.
"Ayoko nga, belat 😜" -siya
Putcha. Di ko maalis yung kamay ko, ang higpit ng pagkakahawak niya. =_______="
Sinipa ko siya, pero nakailag siya. Sinuntok ko siya gamit yung isang kamay ko pero nasalo niya yun. Ngayon dalawang kamay ko na yung hawak niya. Gago ba to?!
BINABASA MO ANG
Tadhana..
Storie d'amoreHindi ko ine-expect na darating siya. Basta ang alam ko simula nung dumating siya wala na akong ibang hinangad kundi ang pasayahin at iparamdam sa kanya na gusto ko siya. Pero paano ko nga ba maipagtatapat sa kanya yung nararamdaman ko? Madali? Oo m...