Memories

5.6K 122 1
                                    

Tahimik lang si Vince habang tulala sa basomg hawak nya hindi pa rin sya makapaniwala sa nangyari. Parang kailan lang sobrang close sila ng dalaga at ang bait bait nito sa kanya pero bigla itong nagbago at kahit anong alala nya na ginawang kasalanan wala syang maalala.

"Brad tulala ka dyan, may problema ka ba? Ang tahimik mo" puna ni Gico habang nakaakbay sa kanya bumuntong hininga ng malalim si Vince

"Ang lalim nan ah, dahil ba sa kanya?"

"Oo. Bigla na lang nagbago ang pakikitungo nya sakin, ang sungit sungit na nya pakiramdam ko ibang tao na sya"

"Baka naman may nagawa ka na ikinasama ng loob nya. Girls never get mad for no reason. It may be over something small or stupid, but there's always a reason"

"But as far as I remember wala akong ginawang masama sa kanya. I did everything to make her feel that she is special"

"Baka naman hindi nya naiintindihan ang ipinararamdam mo o baka naman may iba syang mahal kaya ka nya sinusungitan" nandilim ang mukha nya at ang higpit ng hawak nya sa kamay na nakasarado

"Hindi yan pwedeng mangyari, akin lang sya sakin lang, dadaan muna sila sakin bago muna nila malapitan si Caramel kahit hibla ng buhok nya hindi ako papayag na mahawakan nila"

"Hahaha. Brad ang possessive natin ah! Siguro kung inlove ako maiintindihan kita pero katulad mo kailangan munang pumiti ng uwak para mangyari yun" napapailing na lang sya habang natawa sa sinabi nito

"Hahaha. Brad huwag magsasalita ng tapos baka kainin mo rin yang sinabi mo tingnan mo ang nangyari sakin. Sinabi ko rin yan before pero heto ako inlove na inlove at baliw na baliw sa babaeng hindi ko alam kung san pinaglihi ng magulang sa sobrang pibolar ng ugali" nagkibit lang ito ng balikat

"Ano yang pinag uusapan nyo?" umakbay sa gitnaby nila si Gio

"Wala" parehas na sagot nila

"*pout* sakin pa ba kayo naglilihim? Eh alam ko na yang mga sekreto nyo. Malay mo matulungan ko kayo"

"Ikaw tutulong samin? Mangyayari muna yan kapag na inlove na ako dahil hindi tulong ang alam mo kundi gulo"

"Ang harsh mo talaga sakin Gico"

"Ewan ko sayo kung hindi lang kita kilala iisipin kong bakla ka. Lakas mong makabading!"

"Aww! Ang sakit nun" aniya habang hinihimas ang parte na binatukan nito

"Yan ang ayaw na ayaw ko"

"Na tinatawag kang bading?"

"Sa mga taong manghuhusga. Makahusga sila akala mo may story book ang mukha ng hinuhusgahan nila detalye na detalya ang storya e"

"Gio may pinagdadaan ka ba?"

"Ha? Wala naman. Bat mo natanong?"

"Parang kasing meron. Alam mo Gio seryosong usapan, sa ating tatlo kami lang ang walang ideya tungkol sa nangyayari sa buhay mo miski nga iilang sikreto mo wala kaming alam, ang alam lang namin ay gustong gusto mo ang pagluluto" mahabang pahayag ni Gico

"Ang drama mo" alam nilang iniiwasan nito ang topic kaya hinayaan na lang nila. Katulad nga ng rules na ginawa nila 'kapag ayaw sabihin huwag pilitin.'

Napangiti na lang ng palihim si Vince. Nagmamature na talaga sila at masaya ako dun at sana matagpuan din nila ang babaeng mamahalin nila kahit hindi ko parin maintindihan ang salitang pag ibig iisa lang ang alam ko at mananatiling paniniwala ko

Sabi ko nga kay Gico ginawa ko ang lahat para iparamdaman sa kanya ang damdamin ko siguro nga may dahilan kung bakit ganun sya pero kahit anong dahilan yun. Gagawin at patuloy kong gagawin ang lahat para iparamdam sa kanya kung gaano ako kasaya ng makilala ko sya, kung gaano ako kalungkot kapag may tampo sya sakin, kung gaano ko sya mahal at kung anong ano pang paraan para malaman nyang mahal na mahal ko sya na kahit bulag sya o bingi. Gagawa ako ng paraan para makita at marinig nya ang mga nais sabihin ng aking puso at makita nya ang ginagawa ko para iparamdam sa kanya na sya ang buhay ko.

LLS1: EROBERN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon