Reason

5.7K 122 0
                                    

Nakikipagchismisan si Trish ng makita nya si Cara

"Cara! Goodmorning!" Hyper na bati nya at binigyan nya ito ng ngiti ngumiti lang ng pilit ang dalaga at tuloy tuloy sa paglalakad

"Anong nangyari dun? Parang binagsakan ng langit at lupa" bulong nya sa sarili

*sigh* hindi alam ng dalaga kung ilang beses na nyang bugtong hininga ito. Simula ng umuwi sila galing sa lunch date naging ganito na ang aura nya. Depress na depress at stress na stress

Bakit ko kasing inisip na pwedeng maging kami? Malabo ngang magkagusto sya sakin marami na syang na-encounter na magaganda at itong ganda ko ordinaryo na ito sa kanya kaya masasabi kong wala akong panama sa mga babaeng nakilala nya. At estado pa lang ng buhay namin talo na agad ako. Wala ako sa panaginip, sa isang palabas at lalong hindi kwento sa libro ang buhay ko na ang mayaman pwede sa mahirap. Reality is reality. Walang fantasy na pwedeng maganap o mangyari

Pagdating nya sa floor sinimulan nya ng gawin ang trabaho nya. Magtatatlong linggo na sa kumpanya ang dalaga, parang kahapon lang baguhan pa lang sya dito ngayon konting linggo na lang aalis na sya. Mas lalo syang mapapalayo sa binata kaya talaga impossibleng maging sila kaya ngayong maaga pa lang iiwasan na nya ito para mawala gaano ang pagkagusto nya dito daig nya pa ang heart broken sa lagay nya e gayung wala pa naman syang inaamin dito

Pagdating ng binata sa kumpanya nagmadali sya agad sumakay sa elevator. Pagdating nya sa floor nakita nya ang dalagang busying busy. Nilapag nya malapit sa mukha nito ang bulaklak at pagkaing dala nya

"Ano yan?" Masungit na tanong nito. Simula ng umuwi kami sa lunch date naging masungit na ito sakin na ipinagtataka ko

"Magang maga nakabusangot yang mukha mo" akmang hahawakan nya ang mukha nito ng umiwas sya

"Sir, pwede bang huwag nyo ako abalahin. Busy ho ako at alam kong kayo rin" madiin na sabi nito na ikinabuntong hininga nya at naglakad paalis dun. Pagbibigyan nya ang dalaga sa oras na ito pero sa susunod hindi na.

Nakatitig lang sya sa bulaklak at pagkaing binigay sa kanya ni Vince

Bakit ka ba ganyan? May gusto ka ba sakin o sadyang ganyan ka lang talaga? Nalilito na ako sa kinikilos mo at nagiging assuming na rin. Mahirap pa lang intindihin ang pag ibig lalong lalo na sa taong ayaw ipaintindi

Umabot ng mahigit limang minuto hindi na sya nakatiis kinuha nya ang bulaklak at may nakitang papel na maliit na nakaipit sa paborito nyang bulaklak

Good morning! Nalaman kong favorite mo ang red roses parehas pala tayo. I just want to make you smile

P.S You're beautiful

Sunod nya namang tiningnan ang pagkaing dala nito at katulad sa bulaklak may papel ding nakalagay dun

Pumunta ako sa inyo, wala ka na dun at nalaman kong hindi ka pa nakain kaya binilhan kita ng paborito mong pagkain. Enjoy you're meal

P.S Ich Leibe Dich

Pinipigilan nya ang luhang nag uunahan sa pagbaba sobrang na-appricate nya ang effort na ginawa nito

Ich Liebe Dich? Ano yun? Ise-search ko na lang kay Mr. Google

Kinain nya ang bigay na pagkain dahil nagwawala na ang bulate nya sa tyan at para na rin hindi masayang ang effort ng binata

*tok*tok*

"Come in"

"Sir, may meeting po kayo after 3 mins" akmang sasarado na ni Cara ang pinto ng tawagin sya nito

"My Caramel" napairap si Cara sa hangin. My Caramel? Kailan pa ako naging Caramel? At lalong kailan pa ako naging sa kanya?

"Bakit po sir?" Diininan nya ang word na sir

LLS1: EROBERN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon