Epic Fired

7K 172 4
                                    

Nakatungo lang ang dalaga sa table nya kanina pa sya bagot. Sino ba naman ang hindi mababagot wala syang ginagawa tapos wala pa syang kasama.

"Hindi ko na kaya to!" Tumayo sya at inis na naglakad patungong elevator

Kanina pa kumakalam ang sikmura nya at hindi nya alam kung saan ang canteen dahil walang nagtour sa kanya. Nagkibit balikat na lang sya at hinayaan kung saan sya dadalhin ng paa nya.

Wala naman akong ginagawa mas mabuti pang libutin ko itong building at maghanap ng kaibigan kung sakali

*ting* floor 6

Pagkalabas ko ng elevator naglakad ulit ako at napatigil. Kung magpasama kaya ako kay Trish? Magandang idea yun para naman hindi ako nag iisa

Pagkababa ng dalaga sa ground floor pinuntahan nya ang kaibigan na nagtataka at nagulat.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?"

"Pupunta ba ako dito kung meron?"

"Sungit natin ngayon ah! May dalaw ka?"

"Hindi ako masungit. Badtrip ako"

"Bat ka naman badtrip? Parang kanila lang good mode ka kahit natakbo ka pansin ko yun. Oh diba ang linaw ng mata ko!"

"Nakakainis kasi wala akong ginagawa kahit isa akala ko pa naman magiging busy na ako yung tipong tambak tambak ang trabaho" natawa si Trish sa sinabi nya

"Hindi ko alam na yan pala ang gusto mo, ako nga masaya na ako sa ganito ayoko ng tambak tambak nakaka-stress lang sayang ang beauty ko"

"Oo na lang" tama ang dalaga maganda ito akala nya nga nung una isa itong modelo

"Bakit ka nga pala nandito sa baba? Baka mamaya nyan hanapin ka ni sir, lagot ka!" Pananakot nito

"Hayaan mo yung mokong na yun. Nakakainis sya!"

"Tinawag mong mokong si sir?" hindi makapaniwalang tanong nito

"Oo mokong naman yun e"

"Hahaha!! Grabeh teh! Ikaw na talaga. Alam mo ba lahat ng empleyado takot sa kanya tapos ikaw nagawa mo syang tawaging mokong"

"Porket sya ang may ari nito ganyan na sya. Oo nga sa kanya to pwede nyang tanggalin ang gusto nyang tanggalin pero kung wala naman kasalanan. Bakit nya sisisantihin? Katulad na lang ng kwento mo na tanggal lahat ng basta basta pumasok sa opisina nya. Grabe naman sya parang hindi lang sinasadya tanggal na agad. Pwede nya namang bigyan ng another chance tapos pagnaulit ulit dun nya na tanggalin" mahabang lintalya ng dalaga

"*clap*clap* I'm so proud of you. Pwede ka ng tumakbo bilang presidente siguradong gaganda ang buhay ng mga pilipino. Ang ganda ng speech mo nga nga kami" dun nya lang napansin na may iba pang nakikig sa kanila. Nawala ang sama ng loob nya at napaltan ng hiya pero kahit ganun proud sya sa sarili nya dahil nalabas nya ang sama ng loob nya tungkol sa boss nya

"Grabeh gurl ikaw na ang magiging pag asa ng masa pati namin para magbago si sir"

"Baliw ka talaga! Pati si sir dinamay mo"

"Ayyyiiee!! Nakangiti na sya ulit" kinikiliti na sya sa tagiliran umirap sa hangin ang dalaga

"Ewan ko sayo"

"Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko. Bakit ka nandito?"

"Nasagot ko na po ang sabi ko wala akong ginagawa nakakabangot. Samahan mo nga akong libutin itong buliding para naman may alam ako kahit rest room lang"

"Kung ganun lang din naman sa rest room na lang kita dadalhin yun lang naman ata ang gusto mong malaman magpapalibot ka pa sa buong building" hinampas nya ito

LLS1: EROBERN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon