Fetch

6.8K 141 0
                                    

Pabalik balik sa paglalakad si Vince. Kanina pa sya nandito sa tapat ng bahay ng dalaga, nung malaman nya kung anong nadadama sa dalaga napag isip nya na ipaparamdam nya dito kung gaano sya ka-especial. Unang hakbang nya pa lang kinakabahan na sya ng todo

Lumapit na sya sa doorbell at akmang pipindutin ito ng huminto muna sya. Kalma ka muna Vince, putik hindi naman ako ganito dati iba na talaga ang epekto sakin ng babaeng yun. Pipindutin na nya sana ng bumukas ang pinto

Nanlaki ang mata nyang nakatingin sa taong nasa pinto. Na tanging t-shirt na malaki at maluwag at isang short na maikling maikli ang suot napalunok ng paulit ulit ang binata

"Vince? Anong ginagawa mo dito?" Lumapit ito sa gate at binuksan

"Ah.... eh.... ano kasi.... ahm......" tinaasan sya ng kilay ng dalaga gusto nyang batukan ang sarili dahil nabablanko ang isip nya

"Ha? Anong ginagawa mo dito?" Ulit nito na tanong

"Anak, sino yung nasa labas? Sir Vince? Ikaw ba yan aba'y mabuti naman at binisita mo akong bata ka" hinila sya ng ginang nilingon nya ang dalagang nagtataka, humarap sya sa ginang upang magpasalamat ng kumindat ito sa kanya na ikinangisi nya. Mukhang alam din ni Tita Mel ang balak ko

"Mahal sino daw yung nasa labas? Ay jusko sir ikaw pala yun" nakipagkamayan sa kanya ang ginoo

"Mabuti naisipan mong dalawin ang asawa ko sumabay na po kayo sa pagkain. Cara maligo ka na" humarap sya sa dalagang nakabusangot ngayon

"Pa..."

"Anong pa? Maligo ka tapos ka na rin kumain nakakahiya sa amo mo. Sir pwede po bang isabay nyo sya sa pagpasok?"

"Sure. Ok lang po sakin"

"Naku maraming salamat sir, tara kain na po tayo at ikaw Cara maligo ka na bilisan mo may naghihintay sayo"

Padabog na umakyat ang dalaga. Napapailing na lang ang mag-asawa sa inakto nito. At kahit sya hindi maiwasang mapailing sa pagiging childish nito

Anong ginagawa ng mokong na yun dito? Hindi naman halatang binibisita nito si Mama. Nakakainis naman si Papa sabihin ba naman na isabay ako sa mokong na yun. Kailangan ko tuloy maligo ng mabilis. Inis na sabi nito sa sarili

Pagkaharap nya sa salamin nakita nya ang sarili. Bwusit hindi pa pala ako nakakapagmugmog pati hilamos hindi ko pa nagawa. Nakita nya ang itsura ko ng ganito. Nakakahiya!!!

15 minuto ang tinagal ng pagliligo ng dalaga. Rinig na rinig nya ang tawanan mula sa pwesto nya. Napatulala sya sa adonis na grabe kung makatawa. *sigh* ang gwapo mo talaga kapag natawa! Lagi mo na lang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Mr. Kupido nabitawan mo na ba ang pana? Inlove na ba ako sa kanya?

"Ang saya nyo ah, bakit kaya?"

"Oh anak mabuti naman at bumaba ka na kakatapos lang din kumain ni sir, umalis na kayo bago kayo abutan ng traffic"

"Ma walang traffic huwag kang oa. Ano ang nakakatawa at kung makatawa kayo parang wala ng bukas"

"Secret~" pakantang sabi ng ginang

"Si Mama naman may pasecret secret pang nalalaman. Ano nga yun?" Pangungulit

"Malalaman mo rin. Umalis na kayo" tulak nito palabas ng bahay

"Malalaman ko rin naman pala e bat ayaw mo pang sabihin ngayon"

"Hindi ito ang tamang panahon"

"Ha? May ganun?"

"Oo may ganun try mo rin kasing manood ng tv anak hindi yung kung ano ano lang ang ginagawa mo" napasimangot sya sa suggestion ng ina

"Aalis na po kami. Bye po Tita at Tito"

LLS1: EROBERN {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon