Manghang mangha ang dalaga sa kulay Caramel na building nasa unahan nila
"Ang bibig isara baka pasukan ng langaw" sinamaan nya ng tingin ang kaibigan ni Vince na si Ash
"Whatever" inirapan nya ito wala syang paki kung kaibigan ito ng binata dahil una sa lahat nainis sya sa sinabi nito pangalawa hindi magagalit si Vince kung sungutin nya nito baka nga matuwa pa yun
"Alam mo nung una gusto kita" napalingon sya agd dito
"Alam ko yung iniisip mo pero hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto kita para kay Vince pero ngayon hindi na"
"Bakit naman?"
"Hindi naman sa hinuhusgahan kita at minamaliit ang pagmamahal mo sa kaibigan ko sadyang gusto ko lang protektahan ang kaibigan ko at ang puso nya sayo"
"Can you just direct to the point?" Naiinis sya sa pagiging madada at paligoy ligoy nito
"Easy Cara masyado kang mainipit. Hindi mo ba alam ang pagiging mainipin ang isa sa pangit na ugali bakit? Dahil kapag mainipin ka kasunod nun mabilis uminit ng ulo mo at isa pa kapag mainipin ang isang tao lahat ng bagay gusto nyang maging madali. Di ba sabi nga nila lahat ng bagay na minadali panget lalong na sa isang relasyon kaya lahat ng bagay may step na ginawa ultimo paghinga may step rin yan" nakatulala lang sya sa lalaki
"Tingnan mo ako marami akong naging girlfriend. Bakit? Tinatanong ko pa lang sila sinasagot na nila ako pero kahit ganun alam ko ang kuntento. Eh ikaw ba alam mo yun? Ay mali pala ang dapat ko pa lang itanong nasa bokabularyo mo ba yun?"
"Oo"
"Good to hear. Mahal mo ba talaga ang kaibigan ko? Dahil yung iba minahal lang nila ang isang tao dahil sa ganito, ganyan, ganun hindi talaga nila ito minahal dahil sila ang nagpatibok ng puso nila minahal nila ito dahil sa mga bagay bagay na binibigay nito. Ikaw alin ka dun?"
"Alam mo nung sinabi mo nung una na ayaw mo ako para kay Vince nasaktan at nagalit ako pero mas nangingibabaw ang pagtataka. Bakit? Bakit ayaw mo ako sa kaibigan mo? At ng narinig ko ang dahilan mo napaisip ako. Oo masyado akong mainipin pero aminado ako na hindi ako yung tao na mabilis mag init ang ulo at isa pa tama yung sinabi mo. Panget ang bagay na minadali"
"At yung huli mong tanong. Bakit ko sya mamahalin dahil sa binibigay nyang materyales kung lahat ng yun hindi ko tinatanggap at isa pa hindi magnet ang puso ko na makukuha mo dahil sa mga alahas at kung anong ano pang materyales. Bakit hindi ko sya mamahalin sa pagsama nya sakin araw araw at ipinaramdam na ako ang pinaka-especial sa buhay nya na ako ang buhay nya"
"Alam ko sa sarili ko mahal ko sya hindi dahil sa mga bagay na binibigay nya kundi dahil sa mga bagay na ipinapadama nya. Tumitibok ang puso ko tuwing kasama ko sya. Sumasaya ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya. Nagiging makulay ang buhay ko dahil sa kanya at higit sa lahat minamahal ko sya sa hindi malaman na dahilan. Sapat na ba yan na rason para malaman mo kung pag ibig nga ang nadadama ko sa kaibigan mo?"
"*clap*clap* kung gaano ka kahusay sa pagpapaliwanag ng tungkol sa business ganun ka din kahusay sa pagpapaliwanag ng nadadama mo. Pinahanga mo ako dahil dyan pasa ka na"
"Ha? Pasa? Saan?"
"Sa aming lahat. Magaan na ang loob namin na ipagkatiwala sayo ang kaibigan namin at isa pa napag utusan lang ako, si Gico dapat ang gagawa nito kaya lang wala sya. Si Gio ang sunod kapag wala si Gico kaya lang busy sya masyado. Si Lion ang sunod kaya lang busy sya sa proyektong ginagawa nya. Si Riko naman hindi ko mahagilap. Si Rei naman may meeting. Si Tristan parang si Riko din at si Lash naman may movie na ginagawa kaya ako na lang ang gumawa" natawa sya sa paliwanag nito
BINABASA MO ANG
LLS1: EROBERN {Completed}
RandomIsang sikat na business tycoon si Vince Erobern. Kilala sya bilang 'control freak' ayaw nyang nasisira at pinapakialam ang gusto nya. Paano kung magbago lahat dahil sa isang babaeng basta na lang pumasok sa office nya at hindi nya ito sinigawan kat...