(Tiara)
I cant move comfortable. Bakit kasi kailangan pa nya ako panuorin sa pagluluto? as if naman na lalagyan ko to nang lason.
Kahit nakatalikod ako, ramdam na ramdam kong tagusan ang pagtitig nya sa likod ko bawat kilos ko.
Hindi pa naman ako sanay na may nanunuod nang -------"ahh.."- napakagat ako sa labi nang mahiwa ko ang daliri ko pero hindi ko pinahalata.
Total napakalapit lang nang gripo ay binuksan ko eto at hinugasan kamay ko na may dugo at kagat kagat ang labi ko dahil sa hapdi.
Nagpatuloy parin ako sa pagluluto.
Nang maisaing ko sa stove ang Kaldero ay humarap ako kay Axel na nakapatong ang siko nya sa Mesa habang nakapatong ang ulo sa kamay nito habang nakatitig saakin.
Shit! Why so pogi axel?"Sir Axel, pwde bang doon ka muna sa Sala? Di kasi ako makakilos nang mabuti"- nahihiya kong sabe at mas lalo akong nahiya nang makita ko ang kauna-unahang expression na makikita ko.
Yun ang isang smirk nya."So.. nadidistract ka saakin, ganun ba tiara?"- nakangisi nyang sabe
"Hindi lang ako sanay na may nanunuod saakin. Pag-bigyan mo na kasi ako. Di ko naman to lalagyan nang gayuma noh dito rin kaya kakain ni Precious -------"- biglang may nag doorbell kaya tumayo si Axel
"Stay here and continue"- sabe nito at iniwan na ako.
Nakahinga naman ako nang maluwag at sa wakas makakagalaw na ako nang maayos.
Napatingin ako sa daliri kong nahiwa ko, may lumalabas parin na konting dugo.Umupo muna ako dahil 15minutes or 20minutes lang maluluto na toh.
Halos mapaigtad ako nang may sumulpot na bibwet."Ate!! I missh you!"- sabe nito at niyakap ako sa bewang habang nakaupo ako.
Tuwang tuwa naman akong niyakap siya pabalik at pinag hahalikan sa pisngi"Miss you too Pre! Kamusta? sino kasama mong pumunta dito?"- sunod sunod kong tanong
"Si Kuya Anton po! Sobrang bait po ni kuya anton binilhan pa ako nang Candy!"- bibo nyang sabe
"Sino naman si Anton?"- taka kong tanong
"Personal Assistant ko. Siya mismo pinasundo ko kay Precious"- biglang pumasok si Axel at umupo sa tabi ko
"Hello po kuya! *wave* Whats your name po?"- tanong ni Pre sakanya.
Nag lean naman si Axel sakanya at diko inaasahan ang pag gulo nya sa buhok ni Pre.
"Im your Kuya Axel. Girlfriend nang Ate mo"- nakangiti nitong sabe. Natulala pa ako nang makita ko ang ngiti nya
Kaingit naman si Pre! Walang kalahating oras lang sila nag uusap napangiti nya agad si Axel samantalang ako ang suplado nya."Girlfriend mo si Ate?!"- at nag twinkle2x mata nya. Oo parang ganun na rin kaya mahina akong napatawa
"O sige na Precious at pumuntahan mo si Kuya anton mo sa labas at tulongan mo siya sa pag aayos nang gamit mo sa kwarto mo ha?"
"Okay dokey kuya!"- sabe nito at tumakbo palabas.
Tumayo naman ako at tinignan kong naluto na ba ang Tinolang Manok na niluluto ko. At mukhang luto naman siya.