#2 Pakikiusap

258 17 4
                                    

Napangiti ako nang matanggap ko ang isang Text from unknown number, hindi dahil may nagtext saakin na suitor o sekret admirer ha! Wag kayong ano. Si Kuya Manong lang naman ang nagtext at tenext nya saakin ang Condo unit nang boss nya.





Sympre naisip ko na pakiusapan siya in unique and nice way.
Kahit na binantiyagan ang 'Miss Matipid' nila Carlos at Mars dahil sa sobrang pag titipid.
Ngayon hindi ko muna paiiralin si Miss matipid dahil lalagyan ko nang gayuma ang iluluto ko *laugh* pero Joke lang naman, buti sana kung alam ko sa'n ko yun mabibili *laugh again*


Heard it right. Mag luluto ako nang pinaka masarap na karne na sariling recipe ko. Mahilig ako sa experiment at lumalabas din naman na masarap ayun sa puri nang dalawa kong kaibigan at isa pa na natin si Lola, pati ang nag iisa kong kapatid na si Precious.



Mahigit dalawang oras din ako namalengke dahil hinanap ko talaga ang pinaka fresh na gulay na isasama ko sa lulutuin ko at pinaka fresh din na Karneng Carabao. Masarap ang carabao kaya. Favorite ko ito sa lahat nang karne.
Nang matapos akong mamalengke ay umuwe na ako sa bahay at dumiretso sa kusina para simulan na ang Experiment na gagawin ko.






Mahigit dalawang oras din kong niluto ang Adobong Karneng karabao na may batong at petchay na ginawa kong spicy nang konti.

Tinikman ko eto at napangiti nang malapad dahil another success ! At dahil madami niluto ko, humiwalay ako para saamin ni Precious mamayang gabe at humiwalay din ako para sa dalawang nasa presinto.

Nilagay ko ito sa Malinis na Lunch Box at binalot sa isang malinis na tela. Lam nyu na, mayaman yung boss ni kuya manong at sabe pa nya may kaartehan eto lalong lalo na sa pagkain nang ikwento ko sakanya na balak ko ipagluto sya.





Naligo muna ako dahil pawis na din ako at Amoy kusina at nagsuot nang medjo representable na damit, isang Jeans and Pull'over blouse.
Hinayaan kong nakalugay buhok ko kasi basa pa naman sya.



Sumakay ako nang Jeep habang bitbit ang bag kung saan nilagay ko ang Lunch box. 40minutes o isang oras ata bago ako dumating sa sinasabeng condo address na binigay saakin ni Kuya Manong.
Nang papasok ako ay hinarang ako nang Guard.



Naalala ko bigla, sinabihan nga pala ako ni Kuya Manong na sabihin sakanila pangalan ko para makapasok ako.







"Ah kuya guard. May nagpatawag saakin dito. Ako po pala si Tiara Lopez"- nakangiti kong sabe kaya agad din nya akong pinapasok





First time ko ito pumasok sa isang condominium kaya manghang mangha kong nililibot nang tingin ang loob habang patungo sa Elevator.
Pasara na sana ang elevator nang harangin ko nang kamay at agad din bumukas.

Napalunok pa ako nang bahagya nang makita ko sa loob ang isang lalaking ubod nang gwapo.
Maputi, ang ganda nang mata, may kataasan, hindi gaano macho pero ganyan tipo ko, maayos ang buhok, at --------





"Papasok ka ba o tititigan mo lang ako?"- sabe nito kaya agad akong nabalik sa husyo at mabilis na pumasok.



"Nakakahiya"- bulong ko sa sarili.
Pakiramdam ko gusto ko na magpakain sa lupa, nakatulala pala ako. Nako! Wala ka talagang pinipiling lugar mga mata!


Pipindutin ko na sana ang number 8 nang biglang nagkadikit daliri namin. Tila nakuryente ako sa pagdikit nang balat namin kaya mabilis kong hinila kamay ko at pinindot naman nya number 8.



My Crazy GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon