Pag gising ko wala sa tabi ko si Axel.
Tss ilang araw naman nagigising akong wala na sya kaya medjo nasasanay na din ako.
Umupo ako sa Kama at napansin ko ang isang Panda Doll sa Sidetable na may nakadikit na sticky note sa noo nito.Kinuha ko ito at napangiti nang mabasa ang nakasulat sa sticky note.
'GoodMorning Ms.Ganda'
Niyakap ko nang mahigpit ang Panda doll saka hinagkan.
"Nako Panda! Ang cute cute mo! Kasing cute nang nagbigay saakin Diba?"- ngiti ngiti kong sabe saka pinatong sa unan ang panda doll dahil maliligo pa ako.
Pagpasok ko sa Banyo, may nakadikit na namang sticky note sa salamin at ngiti ngiti ko itong tinggal.
'Kahit di ka na maligo, maganda ka parin sa mga mata ko'
Nako Axel!
Binobola ako nito eh! Is this his way para patawarin ko sya? well infairness medjo effective.
Di naman ako galit sakanya. Tampo lang at selos.Bago pa ako malunod na sa kilig ay sinimulan ko na ang daily routine ko.
Lumabas ako sa Banyo nang naka bathrub lang at kumunot noo ko nang may makitang nakapatong na damit sa kama.
Nilapitan ko ito at napangiti agad nang makita ko ang sticky note.'You're beautiful as white like this Mhie'
Papatayin ata ako sa kilig ni Axel.
Tinignan ko ang damit na maputi, napamangha agad ako sa ganda.
Isa siyang Tube Dress na may Ribbon sa kilid nang waist at may nakapatong din na Black Blazer na gusto ata nya ipatong ko pag suotin ko to.Sinuot ko ang damit na yun kahit na nagtatanong isipan ko anong meron bakit kailangan ko mag suot nang formal na dress.
Paglabas ko nang kwarto, nagulat ako at namangha sa hitsur nang sala ngaun.
May mga nakabitay na Heart shape balloons sa Dingding.
May mga Heart heart naman na sticky note na nakatali sa heart ballons.
At maluha luha akong sinundan nang mata ang mga Letterings na nakadikit sa wall na binubuo ang salitang
'Happy 1st MONTHSARY'tapos sa pintoan naman nang kusina sa taas, may lettering din na bumubuo nang
'143 My Mhie'Naglakad ako at pinagbabasa ang mga stickynote na nakabitay sa balloons.
'Palangiti'
'Mabait'
'Malambing'
'Pinaka Cute'
'Makulit'
'Madaldal'
'The best Ate'
'Pangit'
'Masarap magluto'
'Selosa'
'Matampohin'
Natatawa ako sa lahat nang nababasa ko at the same time naiiyak at natotouch.
Naglakad ako papunta sa pintuan nang Kusina na natatakpan nang Floral Curtain nang biglang may tumulak saakin para makapasok nang tuluyan.
Nanlaki mata ko dahil sa isang mala-romantiko ang ayos nang Square Table sa loob. May flower Vase sa gitna na may rosas, may cake din na kulay yellow and red at may nakapatong na 'Happy Monthsary', may tatlong colored red na kandila na nagbibigay ilaw sa madilim na kusina .
at merong ding isang Red Box na may ribbon at napansin ko ang stickynote kaya lumapit ako at binasa yun.