#Tiara
Wala akong kaidea kong saan man kami papunta, hindi kasi familiar sa akin ang Village na pinasokan namin hanggang sa huminto sya sa harap nang isang Bahay na gayun na lang ang panlalaki nang mata ko nang makitang nakatayo sa labas nang bahay sina Mars, si Lola pati si Carlos.
Agad kong nilingon si Axel na nakangiti saakin
"I thought you miss them so i thought you could visit them""Waah axel!!"- mabilis ko syang niyakap kaya natatawa nya akong pinahiwalay
"Mhie, iiwan kita dito at ipapasundo kita ha?"- sabe nito kaya nakangiti akong tumango.
Sabay kaming lumabas sa Kotse at agad kong tinakbo sina mars
"waahh mars namiss kita"
"ako nga din sobra kitang namiss ahh"
nagtilian kame habang nakayakap at para kaming mga bruha na miss na miss namin ang isa't-isa.
"Sir Axel, magandang araw po"
napahiwalay ako kay mars nang marinig kong binati ni Carlos si Axel
"Magandang araw iho"- nakangiting sabe naman ni Lola
"Magandang araw po La"- bati ni Axel at natouch ako nang magmano sya dito.
See! My boyfriend is Gentleman!
"Sir pumasok po kayo, naghanda po kami nang pagkain!"- genuine na sabe naman ni Mars at nginitian lang sya nang tipid ni Axel
"No need. Babalik pa ako sa Opisina"- sabe nito at tumingin saakin "5pm okay?"
lumapit ako sakanya at hinalikan sya pisngi
"Ingat sa pag drive Dhie"ngumiti naman sya nang malapad saakin bago tumango saka sumakay sa kotse nya.
I wave at him at umalis na sya nang tuluyan"Aw! Mars!"- daing ko at napahawak sa braso kong bigla na lang nyang hinampas
"Ikaw ha! Ang swerte mo nag ka boyfriend ka nang kasing yaman at gwapo ni Sir Axel! Dapat magpasalamat ka saamin"- sabe nitong si mars kaya nagsalubong kilay ko at namengwang
"Hoy Mars akala mo nakalimotan ko na kasalanan nyu! Aba't -----"
"Pumasok muna kayo at wag jan sa labas mag bangayan"- natatawang sabe ni Carlos saka pumasok sa bahay
"Halika na iha, ang tagal na kitang di nakikita, halika"- tawag saakin ni Lola kaya wala kaming choice kundi sumunod kay lola.
Sinalubong naman ako nang apat na bebwet, ang mga kapatid ni Carlos.
Masaya naman akong nakipag chikahan sakanila.
Ang tagal tagal ko na silang di nakaka-usap tapos ang sarap pa nang spaghetti na luto nila ah!"Salamat talaga Tia dahil kundi sayo, wala kami sa ganitong lugar"- biglang sabe ni Carlos habang nililibot nang tingin ang bahay.
Nilibot ko din ang bahay,sapat na sapat na ito para sa kanila ang laki nya. May dalawang palapag, may Sala, at kusina at Dinning Table. Tapos may isang kwarto sa ibaba. Ewan ko lang kung ilang kwarto ang nasa taas.
"San nga pala kayo nakakuha nang pambili nang bahay na to? Ang ganda ah"- puri ko
"Oo nga iha diba, ang ganda"- sang'ayon saakin ni Lola habang kumakain nang Spaghetti. Medjo napapangiti pa ako pag pinapanuod ko si Lola kumain kasi wala na syang mga ngipin.