"And if.......
forevers not enough
for me to love you
I'd spend another life
time baby if you ask me to
theres nothing I won't do
forvers not enough for me to love
you so......."
Emote na emote kong iminulat ang mata ko matapos kong bumirit nang sobrang makabagbag damdaming awitin ng idol kong si Sarah G. Nakita ko naman ang mga taong nanonood na nakatanga lang sa akin at halos hindi kumukurap. Mukhang masyado silang naamaze sa aking kagalingan.
"Wahh, bakla! pwede na!" - sigaw ng kaibigan kong beki na si Vicente nang makababa ako sa stage.
Nandito kami ngayon sa kapit barangay namin at dahil pyesta sa kanila kaya may pa-event silang singing contest.
"Pwede lang, hindi great? O kaya super galing o kaya pabolos?"
"Teh, fabulous hindi pabolos, haaaay why ba ang liit ng utak mo sa english?" - taas kilay nyang tanong kaya pinanliitan ko sya ng mata at saka sinabunutan.
"Alam kong lahat kayo excited nang malaman kung sino ang maguuwi ng tropeyo ngayong gabi. Sino sa tingin nyo ang mananalo?" - tanong nung emcee at kanya-kanyang sigaw ang mga tao ng manok nila pero ni isa wala man lang sumigaw ng number ko.
"HOYYY, WALA TALAGA KAYONG TASTE, ANG GALING-GALING NITONG KAIBIGAN KO HINDI NYO ISIGAW?!" - galit na talak ni Bakla at sa lakas ng sigaw nya nailabas nya na ang voice box nya.
"Hindi na natin to patatagalin pa, this is all we've been waiting for, the announcement of our winners! Contestants, please join me here on stage for the awarding."
"Go, Bakla sayo na ang korona, pero hindi ang corona virus!" - sigaw ni Bakla kaya inirapan ko sya at taas noong naglakad paakyat ng stage dahil nararamdaman ko na sa wakas maipapanalo ko na din ito.
5 years old pa lang ata sumasali na ako sa mga ganutong patimpalak pero hanggang ngayon wala pa din akong naipapanalo.
"Emerald Samantha Macalalad please step forward" - utos sa akin nung palautos na emcee na akala mo kinaganda nya.
Bale lima kaming tinawag si Mustasa Kalabasa, Si Patola Tinola, Si Manok Baboy, Si Pandesal Tinapay at syempre ako.
"And our first place..... *drum roll*
"Pandesal Tinapay! Congratulations!"
Nanlaki ang mata ko at umarteng gulat na gulat kahit alam ko namang ako na ang panalo ngayong gabi.
Matapos kasing tawagin si Pandesal Tinapay ay dalawa nalang kaming nakatayo sa gitna ng stage. Bale kasi lima yung tinawag sa walong naglaban-laban, yung tatlo ang 1st, second and third, tapos ung huling tatawagin ang tatanghaling, Diva of the Night. Meaning dun sa lima may isang uuwing luhaan. Gets nyo naman di ba? At nararamdaman kong itong baklang kahawak kamay ko ang uuwing luhaan.
"Ibibigay ko na lang sayo yung bulaklak na mapapanaluhan ko, alam ko namang hindi ka pa nakakatanggap nun sa buong buhay mo." - nakangiting bulong ko kay Beki na uuwing luhaan ngayong ngayong gabi.
Nginisian lang ako nung Beking uuwing luhaan at mukhang hindi natuwa sa sinabi ko, sya na nga tong pinagmamagandahang loob e. Maattitude na Bakla, buti hindi ganito si Vicente.
BINABASA MO ANG
Finally Met You
Humorito'y storya ng isang babaing nangangarap ng mataas at isang aspiring singer para iahon ang ina nya sa kahirapan.. ngunit sa halip na maging singer ay naging dakilang alalay lamang siya ng isang hunk at poging-poging actor. Mahahanap nya kaya ang ka...