Chapter 4

362 3 0
                                    

Sa sobrang inis at disappointment ko at pati yung walang kamalay-malay na bato na nanahimik na nakabalandra sa kalsada ay pinag-initan ko at sinipa ko hanggang sa makarating sa Mars at mauna pa pinadala nilang space craft na February 2021 pa daw makakarating. Haaay, buti pa yung bato makakapunta sa Mars, baka tayong mga Pinoy hindi man lang makatapak doon at lumubog na tayo kasama ng Earth dahil siguradong wala tayong budget para doon dahil trilyon na nga ang utang natin.


"Aray." - nawala sa Mars at sa utang ng Pilipinas ang isip ko nang marinig kong parang may kumalabog na kung ano.

Napatingin ako sa batong sinipa ko at nanlaki ang mata ko nang makitang hindi ito nakarating ng Mars bagkus ay tumama ito sa isang magarang sasakyan at sa tabi noon ay may lalaki na hindi ko masyadong maaninag dahil madilim. Halaaa, anak ng nanay! Iba na pala ang paniniwala ko, naniniwala na ako sa kasabihan, daig ng kamalasan ang kagandahan! Bakit naman napakamalas ko ngayon araw?

Agad akong lumapit sa sasakyan at chineck ng maagi kung may nasira ba ako. Mukhang wala naman kaya nakahinga ako nang maluwag.


"Miss ikaw ba yung sumipa sa bato?" - tanong nung lalaki kaya binalingan ko sya. Hindi ko kasi sya pinansin kanina dahil dumiretso agad ako sa sasakyan.


Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang maliit na sugat sa noo nya at may dugong tumutulo doon.


"Ako ba may gawa nyan?" - turo ko sa noo nya kaya tumango sya.


"Hala, buti na lang pala yung noo mo yung natamaan ng bato at hindi itong magara mong kotse. Wala pa mandin akong pambayad sayo."


Napanganga sya at tiningnan ako na para bang hindi sya makapaniwala na may nakikita syang isang ubod ng gandang babae na inakala nyang sa mga story nya lang mababasa.


Grrrrr~



Nanlaki ang mata ko at nakita ko ang pagkamangha kay Kuyang pogi nang biglang tumunog nang malakas ang tiyan ko.



"Ah--hehe--hindi pa kasi ako kumakain mula kaninang umaga kaya medyo nagwawala na yung mga alaga ko sa tiyan." - nahihiyang sagot ko.


--

"Okey, so nagaudition ka kamo at sinasabi mong ikaw ang pinakamagaling at pinakamaganda sa lahat ng nag-audition pero dahil may galit at insecure sayong kagandahan yung leading man nung serye ay tiyak na hindi ikaw ang kukunin nila? Tama ba?" - tanong sa akin ni pogi na tinamaan ko ng bato sa noo na hindi ko pa din alam ang pangalan.




Tumango naman ako at hindi na sya masyadong pinansin dahil dumating na yung pagkain kaya sinimulan ko nang kainin yun. Wooow, ngayong pa lang ako nakakita nang ganitong kabonggang pagkain! Para silang nilagyan ng floorwax sa sobrang kintab!




Nandito kami ngayon sa isang magarang resto. Matapos kasing tumunog yung tiyan ko ay mukhang naawa sya sa akin at niyaya nya akong kumain. Syempre hindi na ako nagpabebe pa kaya sumama agad ako dahil gutom na talaga ako. Buti na lang at mukhang mabait naman sya at wala naman syang balak na kunin ang mga lamang loob ko.




Napatingin ako sa kanya nang marinig ko ang mahinang tawa nya. Hindi ko tuloy alam kung ako ba yung tinatawanan nya dahil amaze na amaze ako sa pagkain o yung sitwasyon ko sa audition.



"Sino ba yung tinutukoy mo? Si Stan ba?" - tanong nya kaya nangunot ang noo ko. Sino si Stan? Diba yung stan yung kapag may paborito kang grupo o artista?




"Sinong Stan?" - tanong ko kaya for the second time in all around? Second time in round? Ah basta may second time yun ay tiningnan nya ako na parang gandang-ganda na naman sya sa akin. Hindi ko naman din sya masisi.




"Si Stan, sya yung magiging leading man kung san ka nagaudition. Hindi ko lubos maisip na may tao pa pala dito sa Pilipinas na hindi kilala si Stan." - natatawang sabi nya pero hindi ko na sya pinansin dahil namomroblema ako kung paano ko babalatan yung hipon na nasa harap ko. Huhuhu. First time ko makakatikim nito!




"Hindi ko kinikilala yung mga taong wala namang halaga sa buhay ko." - sabi ko sa kanya habang nginangat-ngat yung hipon na ayaw humiwalay sa balat nya. At dahil sa sinabi ko ay mas natawa sya.




"Eh yung Jett na kasama nya sa huling teleserye nya? Kilala mo?" - tanong nya sa akin kaya napaisip ako.




"Hindi. Bakit, sikat ba sya? Gwapo ba sya? Baka pangit kaya di ko kilala." - sabi ko at this time napahalakhak na si Kuyang pogi at hindi pa sya nakontento sa paghalakhak nya, meron pa syang paghampas sa kawawang lamesa na walang awa nyang pinagmalupitan at produkto ng domestic violence.




"Haaaay, ang dami ko nang utang sayo. Nabukulan ka na, nilibre mo pa ako tapos ngayon ihahatid mo pa ako." - nahihiyang sabi ko at diretsong sumakay ng kotse nya kahit ang totoo wala naman syang sinabing ihahatid nya ako. Hihihihi, ang sakit na kasi ng paa ko. Kaya aabusuhin ko na sya.




Nakita ko naman si Kuyang pogi na nakatayo pa din sa pinag-iwanan ko sa kanya at mukhang hindi nakamove on sa aking kagandahan. Maya-maya ay napangiti na lang sya at iiling-iling na sumakay sa kotse nya.





"Salamat talaga Kuyang po--ah-- eh-- anong pangalan mo nga?"




"Jett." - natatawang sabi nya kaya napaisip ako kasi parang narinig ko na yung pangalan nyang Jett? San nga ba? Ay ewan, baka sa mga tropa ko lang na tambay.





"Salamat talaga ha, kapag nagkita tayo babawi ako sayo." - sabi ko kasi siguradong hindi naman na kami magkikita pa. Mwuhahahaha!

--

Mabilis akong bumaba sa kotse nya at pinilit na walang makapansin sa amin. Ito kasing mga kapitbahay namin ay pugad ng mga chismosa. Makita lang na bumaba ka sa magarang sasakyan, kabit ka na daw agad ng politiko. Tatanga!




"Baklaaaa!!" - napatalon ako sa kaba nang makita ko si Bakla na nakikipag-inuman dun sa mga tropa naming tambay sa kanto. Hindi ko na kasi pinapasok yung kotse ni Jer? Jess?--teka ano ngang pangalan nya? Pero ayun, basta kung anumang pangalan ni pogi ay hindi ko na nga pinapasok yung sasakyan nya sa kanto namin kasi baka makita kami ni Bakla at kung ano kaagad isipin nya. Bukod dun ay masyado ding masikip ang daan doon.



Lumapit ako kay Bakla na mukhang hindi naman napansin na bumbaba ako sa isang magarang sasakyan. Mukhang busy syang makipaglampungan sa mga tambay sa kanto. Meron kasi syang crush na crush sa mga tropa namin tambay.




"Boss, tagay muna." - sabi ni Tambay1



"Naku, magsiuwi na kayo at baka hinahanap na kayo sa inyo!" - talak ko bago hinala si Bakla para makauwi na kami.



"Seryoso Bakla? Nakita mo si Fafa Stan my love so sweet doon? At tinapunan mo sya ng kape? How daring to be you to just throw coffee to my jowa?" - english nya sa akin kaya huminga ako nang malalim. I'm so tired to english.




"Eh hindi ko nga sya kilala e. Sino ba yun? Tapos nagulat ako na isa sya sa judge." - sagot ko kay Bakla kaya kinonyotan nya ako.





"Bakla, sya lang naman ang highest paid celeb dito sa atin. Plus yung mukha nya makikita mo san ka man tumingin sa dami ng billboards nya at ang dami nya ding commercial sa TV! Plus sobrang gwapo nya pa at magaling kumanta!" - sigaw sa akin ni Bakla na parang  kasing bigat ng pagpatay ang kasalanan ko dahil hindi ko kilala yung Stan.




"Eh malay ko ba, si FPJ lang kilala kong artista e." - sabi ko kaya napaikot nang 360 degress ang eyeball ni Bakla at tuluyan nang nawala ang itim ng mata nya. Syempre char lang yun.




"Haaay jan ka na. My beauty is broken because of your idiotcy." - sabi ni Bakla kaya napaisip ako kung meron bang idiotcy na word. Haaay, ang bobo talaga ni Bakla sa english.





Ako naman ay dumiretso na din sa bahay namin at gusto ko na lang mahiga sa kama kong puro string na sa katagalan.

Finally Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon