Mukhang wala akong pag-asa dun sa audition kahapon kaya ito at maaga akong nag-ayos para maghanap ng trabaho.
"Bebe gurl, why so early in the morning? Are you a worm? Because early worm is like a bird that full of mystery." - napabaling ako sa Nanay ko at napakunot ang noo sa kasabihan nya. San natutunan ng Nanay ko yung mali-mali nyang kasabihan?
"Mader, wag ka nagsasama kay Bakla. Kung anu-ano tuloy maling kasabihan ang tinuturo nya sayo." - sabi ko kay Nanay na mukhang nagulat sa maling kasabihan nyang sinabi.
"Mali ba yun, Junakis? Ang tagal kong kinabisado yun tapos mali pala. Anetch bang korak, Nak?" - tanong nya sakin kaya huminga ako nang malalim para ipatuto sa kanya ang tamang kasabihan.
"Early bird catches the feather that flocks together." - sabi ko kay Nanay kaya naman mukhang naamaze sya sa akin at napapalakpak na lang sya sa tuwa sa maganda nyang anak na brainy pa.
After naming magchikahan at magenglishan ni Nanay umalis na ako nang hindi na nalaman kung saan ako pupunta. Hindi pa kasi alam ni Nanay na wala na akong work, at ayoko namang mag-alala pa sya.
So here is me walking on the long road looking for the job well done. And if you are questioning my finish study, I just finish 2nd year college, because the money is lack so I decided to make not study but to work.
Oh sya tama na ang english ko at baka hindi ako matanggap kasi super talino ko. Anong tawag nga dun? Over satisfied? Over quality? Haaay, wag nyong isiping hindi ako magaling mag-english sadyang maaga pa at nagpapahinga pa ang mga brain cells ko.
--
"So, Miss Samantha, what service can you offer?" - tanong nung matandang panot na manager na parang isang ubo na lang at papanaw na, na may kakaibang klaseng ngiti at tingin sa akin.
Nandito ako sa isang resto na hiring daw ng waitress at mukhang mapapalaban ako ng english dito ah.
"Sir, of course I can offer what you want. I can be cook, server, cleaner and what so ever."
"Is that all?" - nakakalokong ngiti nya at hinila ang silyang inuupuan ko palapit sa kanya.
"G-guard! Ha ha ha. Tama, pwede po akong maging guard. Magaling po akong makipagsapakan, gusto nyo po ng sample?" - tanong ko kaya mas lumaki ang ngiti nya at nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang legs ko kaya naman nasamplelan ko talaga sya ng sapak.
"Mamatay ka na lang matanda ka, puro kaimoralan pa din nasa isip mo ha!" - sigaw ko at sinapak sya sa kabilang pisngi pa para pantay.
"W-walangya kang babae ka, l-lumayas ka dito." - sabi nyang mukhang nahihilo pa din sa lakas ng sapak ko.
Babanatan ko pa sana si Tandang panot pero nahawakan agad ako nung dalawang guard at binitbit palabas ng office ni tanda.
"A-aray! Hoy, kahit mahirap lang ako wala kayong karapatang ihagis lang ako! Iniingatan ko nga tong balat ko para pag naging artista na ako, makinis at maganda pa rin ako! Tapos ihahagis nyo lang akong parang sako?!" - inis kong talak dun sa dalwang guard nang ihagis lang nila ako palabas nung resto.
"Miss, alam mo malapit lang dito ang mental, nagkamali ka ata ng pasok." - sabi sa akin nung guard na lalaki naman pero parang buntis sa laki ng tiyan, kaya pinanliitan ko sya ng mata. Wala akong naaalang Dyosang takas sa mental!
"Hoy, hindi ako nakikipag-usap sa mga mukhang paa, magpamanicure ka muna ng mukha." - talak ko at bago pa ako mabaril nung mga guard at lumakad na ako palayo.
Inis na inis akong naglalakad, idagdag mo pa yung gutom at init ng panahon.
Teka, si Kupal yun ah! Kinusot ko ang mata at nakompirmang si Yabang nga. Mwahahahah. Akala ko puro kamalasan lang ang mangyayari sakin ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Finally Met You
Humorito'y storya ng isang babaing nangangarap ng mataas at isang aspiring singer para iahon ang ina nya sa kahirapan.. ngunit sa halip na maging singer ay naging dakilang alalay lamang siya ng isang hunk at poging-poging actor. Mahahanap nya kaya ang ka...