Pagod na pagod na akong maglakad pero hanggang ngayong hindi ko pa din makita ang pabebeng CR na yun kaya nagpasya na lang akong bumalik sa pila kasi baka inunahan na ako ni Ateng atrabida.
Nang makarating ako sa lugar kong saan ay nakapila ay halos hindi na ako makasingit sa dami ng tao. Kaya tinawag ko si Ateng nasa huli ng pila at tinanong kung nakapila ba sya para sa ayuda kung saan hindi kasama ang mga middle class.
"Anong ayuda? Para sa audition to." - mataray na sagot sa akin ni Ate na kung makapagtaas ng kilay eh akala mo ay hindi drawing yung kilay nya.
Hindi ko naman na pinansin si Ate kasi baka matyani ko lang yung tatlong piraso nyang kilay sa sobrang imbyerna sa kanya.
"Oy, Miss kanina pa kami dito. Dun ka pumila sa dulo." - napatigil ako sa pagpunta sa bandang una nang may humila sa akin.
"Hoy din Miss, kanina pa akong madaling araw dito at ako ang nauna sa pila. Nag-CR lang ako no, kapag ba pumutok ang pantog ko magdodonate ka ba ng dugo para sa akin?" - inis kong tanong kaya naman naconfuse si Ate sa talak ko. Haaay, mahirap talaga kapag hindi kalevel ng IQ mo ang kausap mo.
"Miss, ano ba yan? Kanina pa kami dito tapos sisingit ka lang?" - inis na sabi nung isa pa ulit at lahat ay sumangayon sa kanya at kahit anong talak at explanation ko ay hindi nila tanggapin.
"Wala ka din namang chance na makuha. Akala mo naman kung sino kang makapagpalayas sa akin!" - inis kong bwelta nang mapagod na akong magexplain.
Nanlaki naman ang mata ni Ate Gurl at nanahimik din yung ibang nakakasali sa away namin nang talakan jo sya. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at siguradong yung taas ng kilay ko ay abot noo ko.
"Pwede ka din naman palang model." - sabi ko kaya medyo lumambot ang mukha nya sa pag-asang pupurihin ko sya.
"Oo, yung model sa commercial na hindi ipinapakita ang mukha. Yung model ng kape na kamay lang ang kailangan, o kaya model ng napkin na pwet lang ang ipinapakita." - sabi ko kaya lalong nagngitngit sa galit si bakla at ready nang sumabunot pero agad kaming pinigilan ni Manong guard at hinila ako sa dulo ng pila.
Nginisian naman ako ni Ateng pangcommercial ng napkin nang makitang nasa dulo ako ng pila.
Wag ka lang hihingi ng autograph kapag sikat na ako!
Tanghale na at malayo pa din ako sa katotohanan, gutom na ako pero hindi naman ako pwedeng umalis dito kasi baka mas lalo akong mapadulo na naman sa pila.
Gabi na nang makapasok ako at sobrang gutom na gutom na ako at feeling ko ang lagkit-lagkit ko na. Siguradong oily na din ako pero buti na lang mukha pa din akong fresh kahit oily ako. Haaaay, paano bawasan ng konti ang ganda?
"Kaya mo yan Sam, tiyak na ikaw ang pinakamaganda at pinakatalented sa lahat ng mga nandito!" - sabi ko bago huminga nang malalim at itinulak ang pinto.
Dumoble ang kaba ko nang makita ko ang tatlong taong nakaupo sa harap ng mahabang mesa na magsisilbing judge. Isang babae na mukhang estrikta, na nakasuot ng asul na coat at makapal na gradong salamin. Sa kabilang gilid naman ay isang bakla na may kakapalan ang make-up, pero sa kanila sya ang mukhang pinakamabait. At yung lalaking nasa gitna na nakasuot ng mukhang mamahalung coat pero dahil nakatungo sya ay hindi ko makita ang mukha nya.
"Aray!" - tiningnan ko yung mahaderang bakla na nagtulak sa akin papalakad sa stage. Sa sobrang kaba ko kasi ay nastuck na ako sa may pinto at nabalik lang ako sa katinuan nang itulak nya ako.
Huminga ako nang malalim at inisip ang aking kagandahan at nang maisip ko ang aking kagandagan ay nawala ang kaba ko. Pero paano kung ayaw nila ng sobrang ganda?
"Number 3098, magpakilala ka na." - napatingin ako doon sa babaeng judge nang magsalita sya.
"Hello po ako nga po pala si Emerald Samantha Macalalad, pero mas bet ko po ung Sam short for Sama---"
Napatigil ako sa pagpapakilala nang iniangat nung lalaking judge ang kanyang ulo at magtama ang aming mga mata. Oh my, daig nang kamalasan ang kagandahan, bakit naman sa dami ng pwedeng maging judge, sya pa?
Nginisian nya ako kaya napalunok ako, paano yung ngisi nya yung tipong kahit kumain ako ng apoy ay hindi nya ako ipapasa.
"Yes Hija, nawala ka na." - nakangiting sabi nung bakla kaya tumango ako ay umiwas ng tingin dun sa preskong lalaki na akala mo ay kay gwapo sa ngisi nya.
"T-tawagin nyo na lang po akong Sam."
"Okey Sam, maarin mo bang mas ipakilala pa ang iyong sarili?" - napalunok ako sa tanong noong babaeng judge na masyadong malalim buti na lang nag-aral kami ni Bakla kagabi.
"Ako po si Sam at dalwampu't tatlo po ang akin edad na may kapanganakang Pebrero labing isa. Nakatira po ako sa maliit na barong-barong kasama ang aking ina at naniniwala po ako sa kasabihang, ang pag-ibig ay parang utot. Kahit anong gawin mo ay kay hirap itago. At kapag ibinuga mo naman ang kinikimkim na damdamin, maaamoy nang lahat kahit di ka man umamin."
Narinig ko ang mahinang tawa nung preskong lalaki sa gitna pero hindi ko sya pinansin dahil sigurado akong may inggit din sya sa akin kaya dinidistract nya ako.
Huminga ako nang malalalim at ipinakit ang mata ko.
'Kailangang ako ang makuha sa audition na ito.' Sabi ko sa sarili ko at saka sinimulang kantahan ang isa sa paborito kong kantang Beautiful Scars.
Nang matapos akong kumanta ay iminulat ko na ang mata ko at hindi ko alam kung nagustuhan ba nila dahil wala silang reaksyon lahat. Napatingin naman ako sa baklang judge nang pumalakpak ito.
"Okey Hija, maaring mong iwan ang number mo kay Jermaine, yung nag-aasisst sa inyo sa labas. Tatawagan ka na lang namin once na deci--"
Napatigil sa pagsasalita yung baklang judge nang sumingit si presko sa gitna.
"Hindi ba maganda kong paartehin din natin sya. Total bibida sa musical ang ating hinahanap. So dapat hindi lang magaling kumanta, pero magaling ding umarte." - mayabang na sabi nung lalaki at sa hitsura nya mukhang ipapahamak nya pa ako.
"Pero unfair naman dun sa nauna na pinakanta lang nati--"
"Trust me, Wendy. Ako pa rin naman ang pipili sa huli dahil ako ang leading man hindi ba?" - may diing sabi nung mayabang na lalaki na halatang ipinarinig sa akin na sya yung bibidang lalaki.
Humarap sya sa akin at nginisian ako.
"Umarte ka ngayong na parang nababaliw matapos iwan ng kanyang kasintahan." - utos nya sa akin kaya napangiwi ako sa loob ko. Syempre hindi naman ako pwedeng magmake face kasi baka malaman pa nilang maganda lang ako pero may attitude.
Pumikit ako at inisip ang karakter na binigay nya, hinahamon mo ako ha! Pwes mali ka nang kinalaban.
Agad kong ginulo ang buhok ko para magmukhang baliw talaga at saka umarteng parang nababaliw.
Matapos kong magmukhang tanga at rinig na rinig ko ang pigil nyang tawa at sa huli ay hindi nya na napigilan at nautas na sya sa pagtawa. Sana talaga ay mautas na sya!
Tiningnan naman nung dalawa si Yabang at nang mapansing wala namang tumawa sa aming tatlo ay agad syang tumugil at saka pomormal. This time, ako naman ang natawa. Ang bilis din naman talaga ng karma!
Sinabi sa akin nung babae na tatawagan na lang nga ako in case na ako ang mapipiling leading lady. At dahil sa narining kong si kupal ang pipili sa magiging lady nya narealize kong wala akong pag-asang mapili dahil tiyak na hindi hahayaan ng kulugong iyon na makasama ako.
Kaya ito, gabi na pero naglalakad pa din ako pauwi dahil wala nga akong pera. Gutom, pagod at malungkot ang akin kagandahan. Buti na lang at maganda pa din ako. Haaaaay!
BINABASA MO ANG
Finally Met You
Humorito'y storya ng isang babaing nangangarap ng mataas at isang aspiring singer para iahon ang ina nya sa kahirapan.. ngunit sa halip na maging singer ay naging dakilang alalay lamang siya ng isang hunk at poging-poging actor. Mahahanap nya kaya ang ka...