Inis na inis akong naglalalad pauwi ngayon at hindi alintana ang init at gutom. Wala ata akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang kagustuhang maging kriminal. Teka, bakit ang lalim ata ng Tagalog ko?
Pero---argggghhh may araw ka talagang Kupal ka, sinasabi ko sayo! Paano pinaasa nya ako, pinapunta nang maaga tapos hindi din naman ako makakapasok sa building kasi iniwan nya nga ako at ito namang mahaderang guard na walang puso--buti pa ang saging may puso--ay hindi ako papasukin!
Napatalon ako sa gulat nang magring ang cellphone ko.
"Hello, sino ka? Kung sino ka mang kingina ka! Tantanan mo ako kasi wala kang mahihita sakin!" - talak ko doon sa scammer na tumawag.
"Relax, chill, masyadong mainit ang ulo mo." - tumatawang sabi noong nasa kabilang linya at sa uri ng tawa nyang pandemonyo ay nakilala ko na agad kung sinong Kupal ang nasa kabilang linya.
"Bumalik ka dito, hindi pa tapos ang trabaho mo pero umuwi ka na agad." - tumatawang sabi nya kaya lalong nagpanting ang tenga ko sa sinabi nya.
"Bumalik ka na, kapag wala ka pa dito within 5 minutes, sa iba ko na ibibigay tong trabahong ito." - at bago pa ako tuluyang makapagreact ay ibinaba nya na ang tawag.
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili at baka tuluyan na nga akong maging kriminal. Paano halos kalahati na ang nalakad ko, at impossible umabot ako ng 5 minutes.
"Arrrghh-- pasalamat ka Kupal at runner ako!" - inis kong sigaw at mabilis na kumaripas ng takbo. Kung hindi ko lang talaga kailangan-kailangan ng trabaho!
Pagod, haggard, pawisan pero pretty pa din akong nakarating sa building kung saan ako magwowork. Agad akong tumakbo at hindi na pinansin ang guard na mahadera na mukhang wala din naman akong balak pigilan.
"8 minutes and 46 seconds." - mayabang na sabi ni Kupal nang buksan ko yung pintong pinasukan nya kanina. Pinanliitan ko sya ng mata at sa utak ko ay wala na syang balls.
"Sino bang may kasalanan? Ayaw akong papasukin nung guard at mukhang wala ka namang balak na papasukin din ako! Alam mo bang 5 pa lang ng madaling araw ay nandito na ako! Pinaghintay mo ako nang matagal tapos pababalikin mo ako kung kelan malayo na yung nalakad ko? Ganyan ba kayong mayayaman? Biro lang ang lahat sa inyo? Pwerket alam mong kailangan-kailangan ko ng trabaho ay pagtitripan mo ako na parang hindi ako napapagod sa--" - napatigil ako sa pagdadrama nang biglang tumunog ang tiyan ko kaya sabay kaming napatingin ni Kupal doon.
"Di pa ako kumakain simula kaninang umaga e." - alangan kong sabi kaya may kinuha syang styro doon sa table sa gilid nya at inabot sa akin.
Hindi naman na ako nagpatalo pa sa pride ko at mabilis na kinuha yun at kinain. Kakainis naman tong tiyan ko, nagdadrama pa ako kanina e. Patulo na sana ang luha ko para kapag nakita ako ng mga direktor ay maimpress sila sa akin kaso itong tiyan ko panira ng career.
Pagkatapos kong kumain at saka ko lang nabigyan ng atensyon ang lugar kong asan kami at hindi pinansin si Kupal na busyng magbasa ng script nya.
Naamaze ako nang makita yung malalaking salamin na maraming ilaw at yung mga mamahaling make-up. Wow, finally, mababahiran na din ng mamahaling brand ng make-up ang mukha ko!
"Hoy, mukha kang tanga jan." - bati sa akin ni Kupal nang mapansing hinahalikan at niyayakap ko yung mga gown na nakasabit doon. Inismiran ko naman sya at tinuloy ang pagyakap sa gown at isinayaw pa gaya nung mga nasa anime.
Napatigil lang ako sa pagsasayaw nang isa-isang dumating ang mga tao at tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa na parang jinujudge ako, bakit chewing gum kayo?
"Who's that Stan?" - tanong nung babae kay Kupal na prenteng nakaupo pa din at nagbabasa ng script nya.
Aba, teka mapapalaban ata ako ng english dito ah.
BINABASA MO ANG
Finally Met You
Humorito'y storya ng isang babaing nangangarap ng mataas at isang aspiring singer para iahon ang ina nya sa kahirapan.. ngunit sa halip na maging singer ay naging dakilang alalay lamang siya ng isang hunk at poging-poging actor. Mahahanap nya kaya ang ka...