Chapter 2

485 5 0
                                    

Maagang akong nag-ayos ngayon para maghanap ng trabaho. Operation job looking--syempre joke lang yung english ko baka sabihin nyo naman ang bobo ko.


Ito na talaga, operation job look for? Job seeing? Job to be see? Job look at? Tagalog na nga lang. Sinadya ko talagang imali ang grammar ha, mas maganda kasi kung tagalog. Makabayan kasi ako, so ito ay tatawagin kong operation hanap trabaho.



Oh diba? Mas bagay?




Syempre pumunta muna ako kay Baklang Vicente para chumika.





"Bakla, how you are, is you a good for this very good day because me is very good in this day too." - pag-eenglish ko kay Bakla na nakahilata pa rin sa kama nyang parang mapa na ng mundo.



"Your english is very not right. So early-early is your making abala, why so early, whats with today?"



"It's very nothing, I just like to exercise my english speaking mouth because today I will look in the job, so if they question me I will answer them in very good english." - straight kong sagot in English.



"Well, I can goodluck you if that is the case. So where you is going to look in the job?"



"I dont know to where but maybe in the lomian or any eating store, i can also know to be a sales person. I can do many things. So I will goodbye to you cause I can be late to my looking job."



"Goodluck to your work. I wish you to look a very nice  job." - sagot ni Bakla at nang magkatinginan kami ay hawak kamay kaming nagtatalon at nagsisigaw sa tuwa.



"Bakla ang galing na ng englishenenis natin, pwede na we sa amerika" - masayang sabi ni Bakla habang tumatalon-talon kaming parang palaka. Nang mapagod kami ay pareho kaming sumalampak sa kama nyang parang mapa na nga ng mundo.


''I'm thinking that I will need to be going out of this place because I believe in that saying that 'The early gums is an early gummy worms'." - sabi ko kay Bakla at tuluyan na ngang lumabas ng apartment nya.

Maghapon akong naglakad nang naglakad para maghanap ng trabaho pero dahil sa kagandahan, kasexyhan ko at pagiging talented, halos isang araw na pero wala pa ding tumatanggap sa akin. Ayaw ba nila sa maganda na, sexy pa at talented pa? Ayaw nila sa almost perfect?



Ngalay na ngalay na ang mga paa ko!




At gaya kahapon sa singing contest umuwi din akong luhaan, gutom at walang trabaho.




"Ganun talaga Bakla, hindi lahat ng bagay ay nakukuha mo agad. Minsan kelangan nating dumaan muna sa butas ng karayom para mas maging matatag at matibay tayo" - litanya ni Bakla sa akin matapos kong magdrama sa kanya tungkol sa kawalan ng pag-asa sa buhay ko.


Nandito kami sa bubong ng apartment namin at nagsstar gazing. Oh diba, sosyal.




"Ngunit, subalit, datapwat, hindi pa ba sapat ang paghihirap na pinagdaanan ko? Namin ni nanay? Ni minsan ay hindi ko naranasan ang sinasabi nilang minsan ay nasa itaas at minsan ay nasa ibaba, madalas akong nasa ibaba, kelan ko ba mararanasan naman ang bunga ng paghihirap ko? Kelan?"




"Konti pang hintay kapatid, darating din ang araw na ikaw naman ang nasa itaas. Manalig ka lamang sa ating Maykapal sapagkat alam kong hinding-hindi niya tayo papabayaan."



"Tulad ng namutawi sa iyong bibig, ako ay tunay ding nanalig, ako'y nanalangin na balang araw ay dumating na ang panahong iyong sinasabi."



Finally Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon