#Thunder
Tahimik lang na nakatanaw ang asawa ko sa daan habang nagmamaneho ako.
All this time iniisip ko kung alin sa mga enemies ang umatake saamin.Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinapa ko ito sa bulsa ko at di nag-abalang tinignan eto saka ko ito inabot kay Rosie
"Pakisagot wife. Baka sina Blade ang tumatawag"- sabe ko at kinuha naman nya saakin ang phone
"Hello?"
#Rosie
Inabot ko ang cellphone ni Husband at kunot noo ko tinignan ang Un-registered number na tumatawag pero sinagot ko rin
"Hello?"
Walang sumagot sa kabilang linya kaya nagsalita ulit ako
"Hello sino to?"- tanong ko ulit
('You must be his wife. Am i right Mrs.Devilson')
Bigla akong kinabahan sa boses nang lalaking nagsalita.
Parang kakaiba ang tuno nang pananalita nya"Oo ako nga, sino ka ba?"- tanong ko habang nakatingin kay thunder na nakakunot noo na rin habang diretso ang tingin sa daan.
('Pakisabe sa Asawa mo na gagawin ko ang lahat maagaw ka lang Hahaha')
Naningkit mata ko sa sinabe nya at umusok ata ang ilong ko.
"Kahit kailan hindi moko makukuha Asshole ---------"- dipa ako tapos sa bweset na lalaking caller nang kunin saakin ni Thunder at tinapat ito sa tenga nya.
Tinitigan ko ito habang hindi maipinta ang mukha nya at pansin ko ang higpit nang hawak nya sa manubela.
"Kung matapang ka talaga Mr.D, bakit hindi mo ilabas ang mukha mo at harapin mo ko. Binabalaan kita. Wag na wag mo subukan galawin ang asawa ko kung ayaw mo ihalo kita sa lupa at imperno"- matigas at tiim baga nyang sabe. Para akong natakot sa pagbabago nang pananalita si Thunder. Para bang napakalayo nang asawa kong thunder sa pagbabanta nya sa caller.
Pero dapat lang sa Walang hiyang caller na yun!
Nag uusok parin ilong ko sa sinabe nyang maaagaw nya ako kay Thunder.
Nah! Never in my ass!
"Fuck you!"- sigaw ni Thunder na kinagulat ko. Pinatay nya ang tawag at tinapon sa likod ang cellphone nya.
Mabilis ko siyang hinawakan sa braso at hinaplos haplos ang Braso nya para pakalmahin.
"Husband, sino ba ang caller na yun? Nakakabweset ha! Sinabihan ba naman akong aagawin nya ako sayo"- naiinis kong sabe
"Hindi ko hahayaan na makalapit sya sayo Wife. Wag kang mag alala"- sabe nito sa normal na boses. Hindi yung nakakatakot na boses kanina.
"Hindi ko rin naman hahayaan yun husband. Sayo lang ako at wala nang iba"- sabe ko na kinakalma nang mukha nya at napalitan nang ngiti kaya napangiti rin ako.
***
Hindi ko alam kung nasaan kami ngaun ni Thunder, bumaba na rin ako nang makapark kami sa isang Warehouse na semento at mukhang luma na.
Agad akong napangiti at gumaan ang loob ko nang makita ko sina Blade, Hammer and Archer na nakatayo at mukhang hinintay nila kame.
BINABASA MO ANG
The Unbreakable Spell [SPG]
Romantizmang sabi nila lahat nang Spell kayang sirain at gamotin. eh bakit yung pagmamahal ko sakanya hindi masira? Hindi ba isa rin namang Spell eto? Ang pagkaibahan nga lang, ang panginoon ang gumawa nito at hindi sya o ako - Rosie nangako ako sa panginoon...