Chapter 3: The Play..

67 1 1
                                    

6:00 PM

"ui, 6:00 na, nood na tayo ng play nila lucky.." sabi ni Jerlyn..

"hmm.. sige.. san nga ba yun?" tanong ni Cath..

"dun sa AVR.." sagot ni Jerlyn..

SA AVR..

nag-sstart na ang play nang dumating ang dalawa, tahimik silang naghanap ng mauupuan, medyo madilim doon kaya medyo nangangapa sila, nang biglang may mahawakan na kamay si Cath sa isa sa mga handrest na kinakapa niya, nag-sorry siya at naupo sa tabi noon, ganun din si Jerlyn na sa tabi naman ni Cath umupo..

Kilig na kilig si Jerlyn habang pinapanood si Lucky mag-perform, napakagaling nitong umarte, parang tunay na prinsipe. Ang play nila Lucky ay Romeo and Juliet, si Lucky ang pinaka-bida, siya ang gumanap na Romeo. Medyo nag-init lang ang ulo nii Jerlyn sa bandang huli ng play nang makita niya na sobrang lapit ng mukha ni Lucky dun sa babaeng kapartner niya, yung aktong hahalikan na niya ito, at nabigla pa ito nang makita niyang tumingin ito sa kaniya bago nagdilim ang buong AVR na hudyat ng pagtatapos ng kanilang pagtatanghal..

O_____O

inis na inis si Jerlyn sa natunghayan niya..

[Jerlyn's POV]

bakit niya ako tinignan ng ganun? para siyang nananadiya!!

OMG! alam kaya niya??

[POV ended]

Meanwhile..

noong kasagsagan ng pagtatanghal nina Lucky, si Cath naman ay may sariling moment sa katabi niya, yung nahawakan niya yung kamay kaninang bago sila umupo..

"anung masasabi mo? malambot ba ang mga kamay ko?" bulong ng lalaking katabi ni Cath..

"what the?!" nagulat na sabi ni Cath..

"excuse me! hindi ko po sinasadya yun, i didn't do it on purpose!!" Cath whispered madly..

"alam ko na yang mga style ninyong mga babae, kunwari hindi sinasadya, pero gusto niyo lang naman kaming maniyakin, tapos sasabihin niyo na kami lang yung nang-mamaniyak" bulong muli ng katabi niya..

Inobserbahan ng mabuti ni Cath ang boses ng lalaking nagsasalita, dahil napakapamilyar ng boses na ito..

"Ramiel.." turan niya ng may pang-gigigil..

at bigla niya itong kinurot sa bewang, napabalikwas si Ramiel at nalaglag sa kaniyang kinauupuan, hindi sinasadyang nahatak niya si Cath at nalaglag sa kaniyang kandungan, maagap na hinawakan ni Ramiel ang bewang nito upang alalayan siya..

eksakto namang nagdilim dahil tapos na ang play at after a little while..

biglang lumiwanag..

tumambad sa mga mata ni Cath ang mga mata ni Ramiel..

nagkatitigan sila..

ng matagal na matagal..

habang si Jerlyn ay busy sa pagsasalita (kausap niya si Cath supposed to be), nang mapansin niyang walang sumasagot sa kaniya ay lalo itong na-imbyerna at napasigaw..

"Cath, nakikinig ka ba? bakit di ka sumasagot??"

nagulat ang mga tao sa kaniyang sigaw, at nagulat din si Jerlyn sa kaniyang nakita sa floor..

"Cath!! a-a-anong ginagawa niyo diyan?"

Biglang tinulak ni Cath si Ramiel, tumama ang ulo nito sa isang upuan..

Tumayo ito at dali-daling lumabas ng AVR for some air..

Si Ramiel naman ay naiwan dun at napakamot na lang sa kaniyang ulo, at napangiti..

Sa sobrang ganda ng play, at sa sobrang busy ng mga tao sa pagpalakpak, hindi na nila nakuha pang bigyan ng pansin ang nangyari kay Cath at Ramiel..

Pero..

lubos na nakaramdam ng sobrang hiya si Cath sa nangyari..

 @______________________@

"ohmygad! what happened back there!!"

"Kailangan ko ng kalimutan ang nangyaring ito!!!"

"Walang nangyari kanina!!"

At tumakbo na siya pauwi, hindi na niya hinintay pa si Jerlyn..

[Ramiel's POV]

hay naku, may something talaga dun sa babaeng yun, bakit ba laging ganun na lang ang sitwasyon namin sa storyang ito???

[POV ended]

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I love your younger brother.. ♥ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon