Chapter 7: The Bitch!

50 2 0
                                    

Patuloy na nag-slow motion sa utak ni Jerlyn ang nakita niyang sensual na pag-kiss ni Kesha kay Lucky, tila nag-zoom pa ito ng paulit-ulit sa utak niya kahit sobrang taas ng sixth floor sa quadrangle para makita ang bawat detalye ng kissing scene nila.

Nakaramdam ng panghihina si Jerlyn habang nasa klase, kaya hindi nito namalayan na nakatulog na siya.

Si Albert naman na nasa tabi niya ay attentive na nakikinig sa kanilang guro na naglelecture sa harapan, ng mapansin niyang tinitignan ng teacher si Jerlyn na nakayukyok sa arm chair niya, mukhang unang tingin lang naman iyon ng teacher kaya napagdesisyunan na niyang tapikin sa likod si Jerlyn. Sa una'y medyo nag-alinlangan pa ito, dahil naiisip niyang baka maging parang pusang sumisinghal na naman si Jerlyn.

"Jerlyn, Jerlyn.." bulong niya habang tinatapik ang balikat nito.

Iniangat ni Jerlyn ang kaniyang ulo at tinapik ang kamay ni Albert na nasa balikat niya.

-____- "anong problema mo tukmol, wag mo akong hinahawakan!!" sabi ni Jerlyn.

nakita naman ni Cath ang buong pangyayari ngunit nanahimik na lang ito at nagmasid ng nakangiti. (mukhang tanga lang! :p)

AFTER CLASS..

"Ui Jerlyn! bakit naman sobrang cold mo kay Albert?", tanong ni Cath.

"Hay naku, mahabang storya kasi yan eh, wag na lang natin pag-usapan, ang mga sugat ng nakaraan dapat hinahayaan na lang para matuyo at magin peklat" sagot ni Jerlyn.

"Huh?! di ko nagets! may ganun bang idiomatic expression na tagalog?"

"Oo. meron, basta, wag na natin pag-usapan si Albert, ang gusto ko pag-usapan yung kissing scene ni Lucky at Kesha sa quadrangle kanina!!"  sigaw ni Jerlyn sa sobrang pagkairita.

T-T  "huhuhu!! kitang kita ko na dinampi ni Kesha yung malansa niyang lips sa lips ni Lucky!! alam mo ba, pakiramdam ko, bumahing ako at nag-stop yung puso ko sa pagtibok ng isang segundo!! I have to sue that bitch for that!"  sabi ni Jerlyn.

O____O

sa reaksyong ito ni Jerlyn ay natakot si Cath. Anu kaya ang balak nitong gawin?

"Anu namang balak mong gawin tukmol? bida tayo dito sa series na to, hindi tayo kontrabida! kaya payo lang teh, wag mo na ituloy, baka magalit sa'yo readers ng series natin" sabi ni Cath!

"eh anu ba?! sa teleserye lang may naaapi noh! at hindi ako ganung tipo, ako yung mala-Rubi" sabi ni Jerlyn ng may kasamang evil laugh.

katatapos lang ng evil laugh ni Jerlyn ng biglang nagdaan si Kesha. at umiiyak. Nagkunwari si Jerlyn na hindi niya ito nakita at hinarang ang paa niya sa daan.

Nadapa si Kesha..

Napalakas ang hiyaw nito dahil sa sakit ng pagkakadapa niya at sa bigat ng dinadala niya sa kaniyang kalooban.

Ang lubos na kinagulat ni Jerlyn ay ang biglang pagdating ni Lucky na para bang hinahabol nito si Kesha upang aluin.

Yumuko ito at inalalayan si Kesha patayo, ng biglang..

Hinalikan na naman ni Kesha si Lucky.

Napatikom ang bibig ni Jerlyn sa sobrang gulat, ramdam niya ang dibdib niyang nagagalit sa sobrang selos at inis.

Itinulak ni Lucky si Kesha, at sinabing. "Anu ba Kesha!" at napatingin siya sa ate niya at kay Jerlyn, matagal ang pagkakatingin niya kay Jerlyn, ang mata niya ay parang nagpapaliwanag.

Isang mabigat na patak ng luha na lang ang naisagot ni Jerlyn sa titig niyang iyon, at saka nagmadali itong bumaba ng building..

to be continued..

-----------------------------------------------------------------------

medyo maikli yung update ko, pasensya na, mainit kasi.. -___-

i'm so drained!!

I love your younger brother.. ♥ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon