Chapter 8: The Revelation?? Really?!

52 0 0
                                    

sa sobrang tagal kong hindi nag-update, eto ako ngayon at nangangamote sa sarili kong

storya, di ko na alam kung ano na nangyari.. hahaha!!

sorry sa mga readers kong nabitin, eto na.. :)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tumatakbo si Jerlyn, nasasaktan siya sa lahat ng nangyayari.

Hindi lingid sa kaalaman niyang tingin ng lahat na hindi siya seryoso sa nararamdaman niya kay Lucky, na tingin ng lahat biro lang ang pag-ibig niya at hindi rin lingid sa kaalaman niya na imposibleng mahulog sa kaniya si Lucky.

[Jerlyn's POV]

lahat sila tingin nila biro..

akala nila nagloloko lang ako sa mga sinasabi ko..

pero ang totoo..

totoo ang damdamin ko kay lucky..

mahal na mahal ko siya..

kahit na sobrang nasasaktan na ako sa mga nakikita ko at mga naririnig ko..

[POV end]

tumatakbo pa rin siya habang isinisigaw sa kaniyang isip ang mga iyan, tinatangay ng hangin ang mabibigat na patak ng kaniyang luha..

sinubukan siyang habulin ni Cath, pero nabigo ito, hindi niya na ito nasundan.

nagpunta si Jerlyn sa isang lugar na tangi siya lang ang nakakaalam, na kahit si Cath hindi nakakaalam.

nagpunta siya sa field ng school, dun sa part na puro puno, mahilig siyang tumambay dun tuwing nag-aaway sila ni Cath, lalo na pag siya ang galit, hindi talaga siya nagpapakita at dito lang siya nag-sstay..

naupo siya sa tabi nung man-made na lawa dun sa field. iyak siya ng iyak. ng biglang may..

naramdaman siyang kumaluskos..

*shhhh... shhhh...*

napabalikwas siya nung napagtanto niya na nasa may likod niya nanggagaling ang kaluskos, muntik na siya malaglag sa lawa pero napatukod siya sa stick na hawak niya, ngunit, sa kasamaang palad, naputol ang stick dahil hindi nito nakayanan ang bigat niya..

"ahhhhhhhh!!!!", napatayo siya, sinubukan niyang ibalanse ang katawan.

pero hindi niya nakaya, kaya nalaglag siya sa lawa..

hindi niya inakalang malalim pala ang lawa na iyon, naalala niya, hindi siya marunong lumangoy kaya pilit niyang inaabot yung mababaw na part ng lawa, pero nabigo siya, nauubusan na siya ng hangin, sinusubukan niyang lumangoy, pero walang nangyayari, ni hindi siya gumagalaw sa kinalalagyan niya..

hanggang sa tuluyan na siyang naubusan ng hininga..

pero bago siya napapikit, may nakita siyang lalakeng lumalangoy patungo sa direksyon niya..

[Jerlyn's POV]

anghel?? may anghel na sasagip sa akin??

mamamatay na ba ako?

pero bakit ganon? kahawig niya si Lucky..

ahhh... hmmm... di na ako makahinga. hindi na siya aabot, mamamatay na ako..

ganito pala yung feeling ng namamatay at may sumusundo na sa'yong anghel..

[POV end]

"Jerlyn!! Jerlyn!!" sigaw ni Lucky..

"Jerlyn!! Gumising ka!! Pakiusap!!" sabi ni Cath..

Naiahon na ni Lucky si Jerlyn sa lawa, pero wala pa rin itong malay, sinubukan ng itulak tulak ang dibdib ni Jerlyn upang ilabas ang tubig na napunta sa baga nito, pero wala pa rin..

Isang paraan na lang ang natitira..

Hindi nagdalawang isip si Lucky at inilapit na niya ang labi niya sa labi ni Jerlyn, unti-unting naglapat ang labi nilang dalawa, at hinipan ni Lucky ang bibig niya para bigyan siya ng hangin..

At sa wakas, nagising na si Jerlyn..

ubo siya ng ubo, nilabas niya ang tubig na nainom niya..

Naluha si Lucky sa sobrang tuwa dahil nakita niyang ligtas na si Jerlyn..

Ikinagulat ni Jerlyn ang sunod na ginawa ni Lucky..

Inakap siya nito at bumulong,

"Jerlyn, please, wag ka na ulit tatakbo palayo, at wag kang mawawala, pakiusap..", at lalong napahigpit ang akap nito sa kaniya, yung tipong di na makahinga si Jerlyn..

napasandal na lang si Jerlyn sa mga balikat ni Lucky matapos niyang marinig ang mga katagang iyon..

 inalalayan ni Cath at Lucky si Jerlyn patungong Clinic..

SA CLINIC..

inihiga ni Lucky si Jerlyn sa kama. Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatulog agad ito at dumating si Cath..

"Sige na Lucky, ako na magbabantay kay Jerlyn, pumasok ka na sa klase mo." -Cath

"Pero.. kailangan niya ako.. paano kung may masama ulit mangyari??" -Lucky

"Anu ba??!! nandito na ako, hindi na siya mapapano, alam mo ba, sa ginagawa mong ito, ginugulo mo lang ang isip ni Jerlyn, mas lalo mo lang siyang pahihirapan kung magiging ganiyan ka sa harap niya ng biglaan ng wala namang dahilan, tiyaka mo na siya pag-aksayahan ng panahon kapag sigurado ka na sa nararamdaman mo!!" sabi ni Cath habang dinidiin na iduro ang dibdib ni Lucky.

Walang nasabi si Lucky, hindi niya nasagot si Cath. Sinulyapan niyang muli si Jerlyn bago tumalikod at umalis sa clinic..

to be continued..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

medyo maiksi ang update ko, pero sana nagustuhan niyo.. :D hehe.. medyo umaga na kasi kaya yan lang nakayanan, sorry..

patuloy niyo pa rin po sanang subaybayan ang storyang ito..

sorry ngayon lang ulet..

PROMISE! i will update my stories as regular as i can :)

saranghae readers!!

comments and suggestions please!!

Thank You! :*

I love your younger brother.. ♥ (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon