[note: si Jamaica nasa gilid.. :"> ahehehe!!]
Umuwi si Jerlyn ng umiiyak..
Takang-taka ang mga tao sa bahay nila, dahil kadalasan, kapag dumadating ito, napakasaya nitong babati sa kanilang lahat, lalo na sa kaniyang pinakamamahal na ina..
"Oh.. Jerlyn.. Anak.. yung mga.." hindi na natapos ang sinasabi ng ina, dahil nagmamadaling dumiretso na si Jerlyn sa kaniyang kwarto..
"Luuh!! anu nangyari dun?" sabi ni Yaya Lily
"Hmm.. Sandali lang, aalamin ko"- mommy ni Jerlyn
[Family Background]
Si Jerlyn ay kilala bilang isang mabait na anak, magalang sa magulang at sobrang mapagmahal. Mahal din niya ang kapatid niya na nasa elementarya pa lang.
Mas close siya sa Mommy niya, kaysa sa Daddy niya, ang Daddy kasi ni Jerlyn ay busy lagi sa work, simula nung lumaki yung dati nilang mumunting repair shop, wala na itong tigil sa pagtatrabaho, pero sinisigurado naman nito na nakakauwi siya upang makakain ng hapunan kasama ang buong pamilya.
Masayang kasama ang Daddy ni Jerlyn, hindi siya katulad ng ibang ama na sobrang istrikto pagdating sa hapag kainan, kahit pagod ito, nakukuha pa nitong magbiro at makipagsaya sa kanilang lahat.
Ang mommy naman ni Jerlyn ay nagtatrabaho dati sa isang recording company, kaso lang nag-resign ito at naging free lancer na lang sa pagmamarket ng mga independent artists, hindi naging madali para sa mommy niya iyon, gayunpaman nakayanan iyon ng kaniyang ina para sa kanila, ngayon ay may sarili ng recording company ang mommy niya, paminsan-minsan ay pumupunta ito ng office upang icheck ang mga stocks and all peo kadalasan ay nasa bahay lang ito. Syempre, BOSS eh! :)
Ang kapatid naman ni Jerlyn ay nag-aaral din sa school na pinapasukan niya, ang pangalan niya ay Jamaica. Madalas silang hindi magkasundo dahil medyo masayahin nga si Jerlyn, masyado siyang natutuwa kapag nakikita niyang napipikon ang kapatid niya.
Gayunpaman, mahal na mahal niya ito.
Si Yaya Lily naman, 5 taon ng nagsisilbi sa kanila ang matandang ito. Hindi magawang paalisin ng Mommy at Daddy ni Jerlyn at Jamaica si Yaya Lily, dahil sa tagal na nitong nakatira sa kanila ay napamahal na ito sa kanila.
Mabait ito, maasikaso, maaalalahanin at higit sa lahat ay maaasahan at mapagkakatiwalaan.
BACK TO REALITY...
"Jerlyn.. Anak.. Anung problema?" sabi ng Mommy niya mula sa labas ng kaniyang kwarto.
Hindi sumasagot si Jerlyn..
"Anak, sabihin mo sa akin, alam mo namang maaasahan mo ako eh, sabihin mo kahit ano pa yan, pag-usapan natin" sabi ng Mommy niya na tonong nag-aalala.
Binuksan ni Jerlyn ang pintuan..
Pulang-pula ang mga mata nito at patuloy pa rin lumuluha..
"Mommy!!" bulalas niya, sabay palahaw ng iyak..
Inakay si Jerlyn ng Mommy niya papunta sa loob ng kwarto, at inupo siya sa kama, hinayaan lang niya munang umiyak si Jerlyn upang mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.
"oh ano anak, okay ka na?" tanong ng mommy niya matapos nitong uminom ng isang litrong tubig.
"anak, uhaw na uhaw ka ah.." biro ng mommy niya
"ano ka ba mommy, kailangan to sa diet ko eh" *sniff* *sniff* - Jerlyn
"okay, tama ng ang biro, anu ang nangyari?" - Mommy ni Jerlyn
BINABASA MO ANG
I love your younger brother.. ♥ (On Going)
Romance"In love, age doesn't matter, so anu kung mahalin ko ang nakababatang kapatid ng kaibigan ko?" - Jerlyn Dela Cruz.