Gulat na gulat si Jerlyn sa nakita niya, pagkakitang-pagkakita niya kay AJ, agad itong nagtatakbo pabalik sa bahay nila..
Sinundan naman ni Cath ang kaibigan..
At naiwan si AJ na nag-iisa sa tapat ng bahay nila na nagulat din...
[Albert's POV]
Si Jerlyn yun ah, sabi ng tito ko di na siya dito nakatira, sabi ko na nga ba, isa itong malaking patibong!!
Ilang araw din nila akong pinilit na sumama sa paglipat dito, sinabi ko sa kanila na ayoko dahil nandito nga si Jerlyn, at naku! nandito pa rin ako ngayon, bakit ba kasi ako pumayag in the first place.. Napakauto-uto ko, SH******T!
Hay naku, siguradong bitter pa rin ang babaeng yun sa akin hanggang ngayon, hindi ko makalimutan yung mga salitang binitawan niya noon..
*FLASH BACK!*
magkatext kami nun, pinag-uusapan namin yung birthday party ni Mika bukas, sabi ko baka hindi ako makapunta kasi may pupuntahan akong event kasama ang relatives ko, sabi ba naman sa akin hindi na daw siya pupunta, kasi pupunta lang daw siya dun para sa akin.. (bumanat na naman ang gaga!)
at ito pa yung iba naming usapan..
J: gusto mo sunduin na lang kita sa inyo?
A: hahahaha! alam mo ba? hindi ka ba maliligaw?
J: hindi noh, kasi maski maligaw ako, mahahanap at mahahanap ka pa rin ng puso ko.. :">
A: [ah! takte! ang landi niya!] ang gaga mo Jerlyn! okay ka lang ba?
J: kinikilabutan ka ba sa mga sinasabi ko?
A: hindi, actually natatawa ako.. para kang sira!! [actually natetense na ako dito!]
J: bakit ka natatawa? sinabi ko bang joke yun? are you doubting about my feelings for you?
A: itulog mo na lang yan.. [wala akong masabi, grabe, i'm running out of words na talaga]
J: ayaw mo na ba ako magkagusto sayo??
A: bakit napipili ba yun? [omg!]
J: syempre hindi, pero para sayo gagawin ko baka kasi hindi na ako nagiging aware sa mga ginagalaw ko at masyado na akong nakakairita para sayo.. :(
A: [aw shet!! ang drama niya!! san kaya hahantong ang usapan na to?] and drama mo jerlyn!! anu bang bottomline dito?
J: ewan ko.. eto na lang.. naniniwala ka ba sa mga sinasabi ko sayo??
A: hindi, ayaw ko maniwala, kasi hindi ko naman kayang suklian yun eh.. :) you know? [i know the statement is rude, pero may smiley yan, kaya hindi ganun kabigat!]
J: kahit kailan?
A: i think so? [inipit niya ako!!]
J: sure ka ba? talaga? hindi mo talaga ako kailanman kayang mahalin?
at hindi na ako nagreply dahil hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin, ayoko na siya masaktan, simula nun hindi ko na siya pinadadaanan ng gm, hindi ko na siya tinetext, at hindi ko din sinasagot ang tawag niya sa takot na i-open niya ulet yung topic na yun, kasi hindi ko alam kung anu yung susunod kong sasabihin, masyado pa namang sensitive si Jerlyn, oo masayahin siya pero pag mga ganito super seryoso yun. lahat ng tawag niya nirereject ko, alam ko umiyak siya nung mga time na yun, pero nagmatigas ako at hindi ko pa rin siya sinasagot..
*FLASH BACK END*
hindi ko alam kung paano ako napilit nila tito, mommy at daddy na lumipat dito, si tito lang ang nakakaalam nung sa amin ni Jerlyn..
haiz.. anu kaya mangyayari sa akin after kong lumipat dito?
[Albert's POV end]

BINABASA MO ANG
I love your younger brother.. ♥ (On Going)
Romansa"In love, age doesn't matter, so anu kung mahalin ko ang nakababatang kapatid ng kaibigan ko?" - Jerlyn Dela Cruz.