Nuebe

167 4 0
                                        


Tanghali na nang nagising ako. Hindi dahil napasarap ang tulog ko o ano. Iyon ay dahil anong oras na yata ako nakatulog kakaisip sa lahat nang nangyayari sa akin ngayon.

Last night after he showed me my room, he didn't even bother touring me around the house. Well kaya ko namang libutin ang bahay na 'to. He just seemed so distant. Na parang iniiwasan niya ako kahit na tinatanong niya ako kung gusto ko bang kumain. When I said no, hindi na siya nagtatanong. Like it is really just a question and answer moment between us.

But way passed midnight, nagutom ako. Kaya pumunta ako sa kitchen at buti na lang may laman naman ang fridge niya. Habang kumakain ako, dumating siya para kumuha ng tubig. Aalukin ko na sana sya ng pagkain kaso umalis agad siya.

Napapairap na lang talaga ako. Kaide Gohara is so dang frustrating! Sa inis ko, inirapan ko ang pintuang nilabasan niya. Niligpit ko ang pinagkainan ko kasi baka magalit ang dakilang gangster na 'yon kapag nakita niyang hindi ko hinugasan ang platong ginamit ko. Nakakahiya naman sa kanya diba? Tss

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko nang napaisip ako kung nasaan ang kwarto ni Kaide. Yes, he didn't even bother informing me where his room is. Parang wala talaga siyang pake.

May tatlong pinto malapit sa kwarto ko. I don't know kung ilang kwarto ba meron dito kasi diba hindi man lang ako tinour? Pero may isang kwarto ang may ilaw. Katapat lang iyon ng kwarto ko. Eh kaming dalawa lang naman ang tao rito. So siguro sa kanya nga iyan.

I wonder what is he doing there?

Napailing na lang ako. Baka kung ano pa ang pumasok sa utak ko. Hay nako Loryn, stop it!

"You're still awake?" Napatalon ako nang nagsalita si Kaide. I didn't notice him went out from his room! Gosh. Ano spacing out ulit ako?

"M-matutulog na ako. Sige. G-goodnight!" Sagot ko sabay bukas ng pintuan ng kwarto ko. Pero bago ko pa masara ang pinto, napansin ko ang maingat na tingin sakin ni Kaide.

"Goodnight." Bulong niya. Nandun pa rin yung tingin niya sakin hanggang sa tuluyan ko nang naisara ang pinto.

Napasandal ako sa pinto matapos ko itong isara.

Bakit ganon, sa bawat tingin niya sakin pakiramdam ko may pakialam naman siya. Na kahit paano hindi ako kung sino-sino lang sa buhay niya diba? Pero sa tuwing bumubuka ang bibig niya o di kaya'y gumagalaw siya, pakiramdam ko wala akong papel sa buhay niya.

Ang hirap talaga niyang intindihin. Mali. Ang hirap kong intindihin.

Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdam ang tibok ng puso ko. Ang bigat.

"Where are you going?" Napalunok ako nang marinig ang boses ni Kaide sa likod ko.

Lunes ng umaga ngayon, meaning may pasok ako. At sa dami nang nangyari sa akin ngayon, I swear ditching my job is such a good thing to do! Pero kapag naiisip ko ang mga kasalanan ko kay Mr. Godillo, natatakpan ng kahihiyan ang mukha ko.

Inayos ko ang skirt ko bago ako lumingon sa kanya. Ni hindi man lang siya nag-abalang kumatok sa kwarto. Buti na lang kamo't patapos na akong magbihis!

Sumilay sa akin ang matipuno nyang katawan. Nakamaong lang siya. Wala nanaman siyang saplot sa taas.

"Papasok ako." Simpleng sagot ko. Madali kong kinuha ang bag ko sa kama.

"Saan?" Tanong niya.

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang may ibang pumasok sa isip ko! Oh my goodness Loryn!

Being a Mobster's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon