Onse

180 4 1
                                    

Warning: Contains matured scenes.


Pasikat na ang araw nang tumigil si Kaide sa paglalakad. Hudyat para tumigil din ako. Pinagmasdan ko ang hubog ng likod niya. Halos makagat ko ang labi ko nang mapunta sa mga braso niya ang mata ko. Nakakahumaling ang kakisigan niya.

Umihip ang malamig na hangin, dahilan para mapayakap ako sa sarili. Humuhuni rin ang ibon at may kung anong tunog akong naririnig.

Kinuha ni Kaide ang kamay ko at giniya palapit sa kanya. His warm presence envelopes me making the cold breeze go away.

"This will be a little dangerous, so I need your long legs to be steady." Aniya.

Bahagyang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Saan ba kami pupunta?

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya't naglabas siya ng maliit na tawa. "Don't be scared. I won't let anything happen to you."

Medyo kumalma ang tibok ng puso ko. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan.

Habang palapit kami nang palapit sa pupuntahan namin, mas nagiging klaro ang tunog na kanina ko pa naririnig. Tunog alon. May kung anong excitement ang dumaloy sa katawan ko.

"Steady," puna ni Kaide. Hawak niya ang braso ko habang bumababa kami sa malalaking tipak ng bato.

Dahil sa hamog, mas naging madulas ang mga bato. Dagdag pa na ang ilan sa mga bato ay may lumot.

But dang, I don't care about this as long as I can see where the sound was coming from!

Gaya ng inutos niya, sinusundan ko ang mga yapak niya. Kung saan siya tatapak, doon dapat ako tumapak. Mariin niyang sinusuri ang bawat batong tinatapakan niya.

Nang makaapak siya sa lupa ay hinapit na niya ang bewang ko pababa. Nang maitapak ko ang mga paa ko, mabilis akong tumakbo sa sapa. Hinubad ko ang suot kong sapatos at medyas at tinaas ang pantalon ko. Tapos ay pumunta ako sa tubig at nagtampisaw.

Mistulan akong isang bata na naglalaro sa tubig. Pinadyak-padyak ko ang paa ko, hindi ko alintana na nababasa na ang damit ko.

I love water. Noong bata pa lang ako, mahilig na akong maglaro sa tubig. Lalo na sa dagat. Para bang may kakaibang saya ang naidudulot ng tubig sa katawan ko.

"Tara dito, Kaide!" Anyaya ko sa lalaking tahimik na nakamasid sa akin. Bahagyang nakaletrang O ang bibig niya na para bang namamangha siya sa nakikita niya.

At dahil ayaw niyang gumalaw, sinipa ko ang tubig dahilan para matalsikan siya.

"The heck.." Nagulat siya sa ginawa ko. Natawa ako kung paano kumunot ang noo niya pero agad din namang nawala nang nakita niya ang tuwa sa mukha ko. "Loryn..."

"Don't tell me, takot ka sa tubig?"

Ngumisi si Kaide. "I really like it when you're wet. But this is actually not what we came here for." Aniya sa baritonong boses.

Halos pamulahan ako nang pinaulit-ulit ko ang sinabi niya. Omg. Me and my unwholesome mind.

"Hahaha!" Nabigla ako nang tumawa siya. Dahilan para maputol ang hindi nakakaayang imahe sa isip ko.

"And why are you laughing?" Tapos ay lumapit na ako sa kanya at kinuha ang sapatos at sinuot.

"Coz you never fail to amaze me." Sagot niya. There was a humor in his eyes. Like he was really enjoying teasing me. ".. especially when you're wet." Bulong pa niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being a Mobster's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon