Otso

169 4 0
                                    


Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Baka nagh-hallucinate lang ako or what. Imposible namang may magnanakaw dito. Like hello? Maririnig ko naman kung may taong pumasok sa unit ko.

Eh ano 'yung narinig ko kagabi?

Napamura na lang ako. Kasabay nun ay ang pagdilat ko sa katotohanan na oo, may nangloob nga sa akin kagabi nang hindi ko man lang namamalayan!

Unti-unting gumapang ang takot sa sistema ko. Nagmadali akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nilock ang pinto. Kailangan kong tumawag ng pulis!

Pagtapos kong tumawag ng security, nagbihis agad ako.

Should I call him?

Natameme ako. Tatawagan ko ba o hindi? What am I going to tell him? That I was so dumb not to notice a thieve in my unit? That I was in borderline of stupidity to let this happen? Omg. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Wala po ba kayong narinig na ingay kagabi Ma'am?" Tanong sa akin ng pulis. May hawak siyang ballpen at notebook habang nakaupo. Hinihintay niya ang sagot ko.

Napalunok ako.

Hindi ko mahanap ang boses ko. What is happening to me?

"Ma'am?"

"Ser bawal po kayong pumasok!" Napatingin kami sa pinto dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Hanggang sa marahas na bumukas ang pinto at iniluwa nun ang galit na galit na si Kaide Gohara!

Dmn it!

Napatayo ang pulis nang nakita si Kaide.

"Ser, paumanhin pero bawal kayong pumasok dito. Lumabas muna kayo." Ani ng pulis kay Kaide.

Hindi ko maipinta ang mukha ni Kaide. Mukha siyang tahimik na nagaalburotong bulkan na pwedeng sumabog anytime.

"Huy Ser ang kulit nyo naman! Labas nga muna ka--" biglang sabi ng lalaking security guard kay Kaide.

Mariing pumikit si Kaide. Like he was having a hard time controlling his self.

"T-that was Kaide, k-kilala ko siya. S-siya ang owner ng u-unit na 't-to." Sabat ko na nauutal pa.

Sabay silang napatingin sa akin. But the intense stare from Kaide was so much to handle. I couldn't even look at him straight to the face.

"T-totoo ba ang sinabi ni Ma'am?" Tanong ng pulis kay Kaide.

Pairap na tumingin si Kaide sa pulis. "I am not here to give you answers. I am here to know what happened." Matigas na ingles ni Kaide.

Napalunok ang pulis. Pero sa huli, wala na siyang nagawa pa. Bumalik siya sa pagkakaupo niya at tinuloy ang pagtatanong sa akin.

Now that he was here, mas naging uncomfortable ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"I-i.. I was so asleep l-last night." I began. "I heard something pero mabilis din nawala. Kaya n-natulog na l-ang ulit a-ako."

"Tss." I heard him hissed.

Sinusulat ng pulis lahat ng sinabi ko. Pagtapos ay nagpatuloy siya sa pagtatanong.

"May nawala ba sa inyo—cellphone, wallet, alahas o laptop?" Usig pa ng pulis.

I shook my head. "N-nasa akin pa rin lahat ng sinabi niyo." Sabay pakita ko sa bag ko. Or was it? Baka may ibang tinangay ang magnanakaw kagabi na hindi ko lang napansin kung ano. Like tv? But the tv on my sala is really beaten up. Or maybe food? Like what?

Being a Mobster's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon