Chapter 14: Bohol (Day 1) [Revised and Edited]

66 2 0
                                    

A/n Hi guys! This chapter is dedicated kay @kegzzi . Ito ay dahil siya ang gumawa ng cover ngayon!! Ang galing niya gumawa 'no? Anyway, pag gusto niyo ng cover na katulad ng story na'to, request lang kayo sa shop niya. Seventh Cover ang pangalan! Maganda ang mga book cover na ginagawa niya! I swear! 2 beses na ako nag-request dun dahil gustong-gusto ko ang bookcovers niya! Maraming salamat!

 Seventh Cover ang pangalan! Maganda ang mga book cover na ginagawa niya! I swear! 2 beses na ako nag-request dun dahil gustong-gusto ko ang bookcovers niya! Maraming salamat!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-jaydacez13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-jaydacez13

------

Jemma's POV

Today is the day na hinihintay naming lahat. Ang course related trip namin sa Bohol! Kahit man hindi related sa trip namin ang mga Chocolate Hills tsaka 'yung mga ibang tanawin ng Bohol, sinama narin 'yun. Para daw may pampa-relax sa isipan namin after mag-aral tungkol sa accounting. Tinext ko si Karylle, Frankie, Lyn at Ivan kung nakapag-ready naba sila para sa trip. Lahat naman sila ay nagreply ng oo.

Ano naman kaya gagawin ng ka-buddy ko sa bus? Nakapag-impake naba 'yun? Aish. Bakit ko ba siya kailangan pakieleman? Business na niya 'yun, 'di naman kami close. Pero... Kamusta na kaya sila ng tatay niya? Sana naman ayos sila.

" 'Nak! Ready kanaba para sa school?" Sigaw ni Nay sa may kusina.

"Opo! Ito na!" Kinuha ko na ang traveling bag at sinabit ko naman ang backpack na dala ko sa balikat.

Bumaba na ako dala lahat ng gamit. "O, ito 'nak. Mag-breakfast kana." Linapag ko 'yung mga bag ko sa sala at pumunta sa kusina saka nagsimulang kumain. Medyo napabilis ako ng kain dahil sa excitement.

"Dahan-dahan lang! Mamaya mabilaukan ka niyan!" Sabi ni Nay habang inaayos 'yung mga plato sa isang drawer.

Nagdahan-dahan akong kumain. Ayaw ko ngang mabilaukan! Mamaya 'di pa ako makasama sa trip dahil dito 'e.

Nung natapos na akong kumain, umalis na ako ng bahay at nag-taxi papuntang school.

Pagkarating ko sa school, nakita ko si Ivan, Karylle, Frankie, Lyn at Allison na nakapila habang nagkwekwentuhan. Kanina paba sila nadun? Tsaka, asaan na 'yung mga buddy nila? Okay na si Karylle at Ivan pero 'yung tatlo?

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon