Chapter 17: In Love With Him [Revised and Edited]

211 40 3
                                    

A/n Dedicated sa aking new friend! @taekiyeo !! Hai bes! Maraming salamat sa paggawa ng magandang cover! Sana mapagpatuloy mo ang paggawa nito! Maraming salamat and saranghae! <4

A/n Dedicated sa aking new friend! @taekiyeo !! Hai bes! Maraming salamat sa paggawa ng magandang cover! Sana mapagpatuloy mo ang paggawa nito! Maraming salamat and saranghae! <4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Bakit ngayon? Bakit ang tanga-tanga ko at ngayon ko lang naisip na.. Mahal ko na pala ang sarili 'kong bestfriend? Hindi bilang kaibigan pero, mahal as in.... Kuha niyo naman ata?

Kasi kung hindi ko siya mahal... Dapat sobrang masaya ako para sakanila, dapat nakangiti ako ngayon, dapat hindi ako umiiyak, dapat... hindi sumasakit puso ko.

Honestly, diring-diri ako sa mga sinasabi ko dahil sa ang hugot masyado sa love-life pero anong magagawa ko?! 'E 'yon na talaga ang nararamdaman ko!

Pakiramdam ko... matagal ko ng siyang mahal, kailangan ko lang ng malaking sampal sa katotohanan para ma-amin.

Kumuha ako ng tissue sa back pack at suminga. Narinig ata ni Aldren ang pagsinga ko dahil napatingin siya sa'kin.

"Okay kalang ba?"

Tumango ako habang pisil-pisil ang ilong ko. Mamumula 'to mamaya, ugh.

Nagreply ako kay Ivan.

To: Ivan

WEH?! Congrats boyfriend! :))

From: Ivan

Salamat talaga girlfriend sa pagsuporta ah!

To: Ivan

Walang anuman! Basta para sayo! ^_^

Ang peke ko 'no? Nagtetext na masaya ako pero hindi naman.

Buong biyahe hangga't sa naging hapon na, wala akong inisip kundi sa duwag para ma-amin 'yong mga nararamdaman ko para sakanya. Tsaka too late.

Sandali nga, anong too late? Kahit man maaga palang may gusto na ako sakanya, hinding-hindi ko sasabihin ko sakanya na mahal ko siya! Lalayo talaga ako pag nalaman niyang mahal ko siya? Bakit, dahil mamaya masira ang relasyon nila ni Karylle dahil sa'kin! At ayaw ko mangyari 'yon! Parehas ko silang kaibigan at tama lang na maging masaya sila.

Pero pa'no ako..?

Hindi ko dapat iniisip ang sarili ko ngayon. Ang pagmamahal 'kong ito, itatago ko lang muna. Ilalabas ko nalang pag wala na.

"Oy."

Napalingon naman ako kay Aldren.

Biglang nanlaki ang mata niya paglingon ko sakanya.

"Basang-basa 'yong mata at pisngi mo."

...

Ang obvious ko na! Kumuha agad ako tissue at pinunasan ang mga mata ko pero kinuha ni Aldrena ng pulso ko at hinarap sakanya.

"Bakit ka umiiyak?"

Hindi agad ako nakasagot sakanya.

"Hindi ah! Nahanginan lang mata ko, ano kaba." Kumalas ako sa pagkahawak niya sa pulso ko at humarap sa bintana.

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon