Chapter 4: News [Revised and Edited]

128 8 0
                                    

Jemma's POV

Bumalik na ako kaagad sa school. Tulog yung guard kaya nakapasok pa ako. 1:30 palang. May klase pa yung mga estyudante. Itong oras na ito, nasa classroom dapat ako. Nakakainis naman. Hindi ako makasingit.

Nung marinig kong nagring yung bell. Tumakbo ako kaagad papuntang classroom para magready sa next class ko. Napansin ni Whitney, ang isa kong close friend pero hindi best friend sa classroom na ito, na parang nagmamadali daw akong pumasok sa loob ng classroom.

"Nag-cutting kasi ako."

"ANO?!" Napatayo siya bigla. Medyo OA rin siya kung minsan.

"Shhh! Wag kang maingay! Magagalit sakin yung mga teachers pag nalaman nilang nag-cutting ako! Alam mo naman na bawal mag-cutting dito diba?"

Tumahimik siya dun sa sinabi ko. Buti mabait rin 'to, ayaw n'ya akong mapahamak.

"Sorry sorry! Napansin ko kasi 1st time mo lang mag-cutting. Nainis ka dun sa sinabi nila Lili 'no? Na kayo na nila Aldren?" Ngiti-ngiti pa niyang sinabi!

"Shh. Please be quiet Whitney. I don't want to be reminded with that horrible thing she said. Hindi naman totoo in the first place 'e. Ewan ko ba sakanya. Pinagutusan ata ni Clare."

"Yes po!" Umupo siya sa tabi ko. "Ano naman balak mo ngayon? Maghiganti?" Tanong n'ya.

"Uhmmm.. Hindi ko alam 'e. Pero maybe kailangan ko lang s'yang matamaan. Napoison na kasi ni Clare yung utak n'ya kaya naging ganon siya 'e!" Sagot ko naman. Nagcross-arms ako. Hay, bat ba may mga taong ganitong katulad ni Clare?

"Well, mahilig lang rin manira ng buhay si Clare! Andami rin kaya n'yang nagawa sakin na nakakainis! Kayaga nang kumakain lang ako mag-isa, bigla nalang s'yang uupo sa table ko tapos papagtripan ako. Napapahiya tuloy ako ng sobra." Yumuko s'ya.

"Edi bat hindi ka lumaban?"

"Wala akong maisip nun 'e! Nagpapanick utak ko na umalis na sa pwesto nayun. Syempre, yun na ang ginawa ko. Habang nagsasalita s'ya, umalis ako sa harap n'ya at pumuntang garden para dun kainin yung lunch ko."

"Sa susunod kasi, sumama karin sakin! Kung break, tapos hindi ako pumunta kila Karylle, edi samahan mo ako!" Suggest ko.

"Sige! Para sabay natin silang aawayin! De joke. Sabay natin silang mapapahiya or sabay natin silang mapapaisip sa ginagawa nila! Fighting!"

"Fighting!!"

"Wait! Pero sa next day nalang natin pag-usapan yung mga gagawin natin sakanila!" Sabi ko.

"Huh? Bakit?"

"Kasi tapos na po ang lunch at break."

" 'Aaaa sige. Hindi naman siguro mapapansin ng mga professors diba?"

"Malamang! Wala namang pake satin yun 'e. They just care about our grades."

"Well, yes. Buti nga yun 'e, para hindi tayo mapapadala sa guidance. Hahaha!" Tama!

----

3 hours later..

*RINGGG*

Yes! Dismissal na! "Whitney! Bukas nalang natin pag-isipan yung mga sasabihin natin incase na bigla na naman silang manira!"

"Sige sige. Bye Jemma!"

"Bye!"

Naghiwalay na kami ng daan. Ano kaya ang pwede-

"BULAGA!"

"AY KNOCK KNOCK WHO'S THERE!!! IVAN! ANO BA?!" Sigaw ko sakanya. Ginulat ba naman ako! Nahulog tuloy yung mga libro ko! Andami pa naman nun!

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon