Chapter 6: Beating Of My Heart [Revised and Edited]

252 49 10
                                    

Jemma's POV

Zzzz.....

Zzz.....

"HOY!"

"Ay palaka ka!"

"Hahaha! Sarap ng tulog mo 'a! Mamaya hindi kana makasagot ng exam dahil sa dahilan ng tuloy ng laway mo."

ANO?! Tuloy ng laway?! Agad-agad 'kong tinakpan ang bibig 'ko. Jusmeyo, nakakahiya naman 'to. Tsaka, grabe naman 'tong si Boyfriend, kailangan ba akong ipahiya?

Napasimangot nalang ako.

"Uy, sorry na. Wala ka namang laway 'e! Nagloloko lang ako. Antoio na antok ka kasi. Ang sarap mo lang lokohin." Kumindat s'ya!

Dug dug dug dug...

Aish! Nakakainis naman 'to o! Sa sobrang inis 'ko, tinapik-tapik 'ko yung dibdib 'ko para maalis yung bilis nito.

"Oy, ba't mo tinatapik yang dibdib mo?" Pagtatanong ni Ivan.

"Kinakabahan kasi ako sa quiz natin 'e." Pagsisinungaling 'ko. Sa totoo lang, hindi naman ako sure kung sa quiz naman talaga tumitibko puso 'e, nakapag-review naman kasi ako. Kaklase 'ko s'ya sa klase ngayon kaya kami magkasama.

"Hah! Parehas tayo! Hindi kasi ako na-review! Nakakatamad kaya! Lame excuse 'no?"

"Hahaha! Sinabi mo! Ba't kaya hanggang ngayon, isip bata ka parin? Linagyan kaba ng baby-thinking pills?"

Nagtawanan kami. Hayy jusko, masarap talaga kasama 'tong best friend 'ko.

Dumating na yung teacher namin. Ito yung sinasabi naming terror teacher dahil super strict n'ya! Parang, may nagawa kalang mali sa harapan ng klase n'ya, boom pahiya kana agad. Pero actually, s'ya ang na-a-admire ako. Sobrang galing n'ya magpabukas ng totoong mga mata natin about life.

"Okay class. We should start our quiz as early as possible. So that you can have early break."

Nagpasa-pasa na yung mga kaklase 'ko ng mga papers. As soon as nakuha na nila yung mga papel nila, nagsimula na silang magsulat doon.

Nung nakuha 'ko na papel 'ko agad-agad na akong nagsimula magsulat.

-

1 hour later...

Tapos na! Yes!

Tinakip 'ko na yung ballpen 'ko at inayos yung papel.

Tumayo ako sa pagkaka-upo 'ko at lumapit dun sa terror teacher namin. Naka-bow na pinasa 'ko yung papel sakanya. "Thank you." Sabi n'ya.

Linigpit 'ko gamit 'ko, akmang aalis na ako ng may narinig akong bumubulong sa'kin. "Pssst.. girlfriend naman, wag mo ako iwan dito."

Hahaha! Baliw talaga 'tong best friend ko, nagbibigay pa s'ya ng look na wag-mo-ako-iwan-dito-sa-terror-teacher.

"Mr. Carus, are you done?"

Omay.

"Sorry ma'am." Pinagpatuloy nalang ni Ivan yung pagsasagot n'ya ng quiz. Ako naman, napatawa nalang at umalis na sa classroom. Dumiretso ako sa canteen at umorder ng pagkain. Sandwich lang ang in-order 'ko dahil pakiramdam 'ko na busog pa'ko.

Umupo ako sa bakanteng table na katabi ng bintana. Kumagat ako sa sandwich 'ko. Naramdaman 'kong may mayonnaise na napunta sa gilid ng labi 'ko. Kinuha 'ko yung tissue na sinama ng nagbebenta ng sandwich sa'kin.

Dapat pupunasan 'ko na yung labi 'ko ng napatingin ako sa labas ng bintana.

May couple na naka-upon sa stone table sa garden. (A/n Yung photo ng stone table nasa side->) Kumakain sila ng ice cream. Maya't-maya, naglokohan sila. Nagpahiran sila ng ice cream sa isa't-isa. Hayy.. ka-sweet.

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon