Chapter 16: Bohol (Day 3) [Revised and Edited]

24 0 0
                                    

A/n Dedicated sa aking bes na si peachksg !! Hi bes! Thank you for making this awesome cover! Sobrang nagustuhan ko talaga! Match na siya sa color theme ng feed ko! <3 Thank you bess! :*

A/n Dedicated sa aking bes na si peachksg !! Hi bes! Thank you for making this awesome cover! Sobrang nagustuhan ko talaga! Match na siya sa color theme ng feed ko! <3 Thank you bess! :*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Jemma's POV

Gumising ako ng mas maaga sa mga ka-roommate ko at inayos na ang mga gamit para mamayang gabi. Hapon na ngayon at nagpapahinga kami. May mga ilan kaming museum na pinuntahan saka bumalik dito sa hotel para magpahinga dahil daw aalis na kami mamayang gabi.

Nakakalakad naman ako pero paika-ika nga lang dahil doon sa mga maliliit na sanga na nakasugat sa hita ko.

Umupo ako ng pa-indian sit sa harapan ng maleta ko at binuksan ito saka tinupi ang mga damit ko. Kinuha ko narin ang hygiene kit ko sa pinagkasya-kasya sa maleta.

Sinara ko na ito at tinayo. Inayos ko naman ang backpack ko. Pagkatapos 'kong ayusin gamit ko, humiga na ulit ako sa kama habang tinitingnan ang phone. Tinitingnan ko ang facebook feed ko. Puro posts ng mga kaklase ko sa buong trip. Mukhang nag-enjoy talaga sila.

At ako dito, naiinis sa sarili dahil walang prinoblema kundi ang love-life. Si Ivan at Karylle. Ugh. Kakastress mag-isip ng gano'n. Ba't ba kasi 'yun ang inuuna ko imbis na mag-enjoy at matuto ako sa trip?

Mga ilang minuto pa ako naghintay bago nagising si Angie at Karylle.

"Kanina kapaba gising?" Tanong ni Karylle.

Tumango ako.

"I'll help you with your luggage." Sabi naman ni Angie.

Umupo ako sa pagkakahiga at tiningnan sila. "Mag-ready na kayo." Sabi ko at naglakad papuntang banyo saka nag-CR.

Pagkalabas ko ng CR, nakita 'kong naka-ayos na ang gamit nila. Paika-ika akong naglakad papunta sa maleta.

"Ready naba kayong umalis?" Tanong ko sakanila.

"Actually, hindi pa. Nag-enjoy talaga ako 'e." Sabi ni Karylle. Tumayo siya at pumunta sa balcony at huminga ng malalim.

Ako. Gustong-gusto ko ng umalis. Nasaktan nanga ako physically and emotionally. Ugh. Ang hugot mo Jemma, tumahimik ka. Nabwibwisit ako sa sarili ko na onti lang natutunan ko sa buong trip.

"I'm okay. It's okay to go, it's okay not to go."

Tumango nalang ako sa sagot ni Angie.

Mga ilang minutong walang nagsasalita.

*tok tok*

Napatayo si Angie pero nauna ako. "Ako na." Sabi ko.

Tumango siya.

Naglakad ako papunta sa pintuan at tumingin sa peep hole.

"K, tinawag mo ba si Ivan?" Walang tonong tanong ko.

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon