Chapter 18: Far Away From You [Revised And Edited]

33 1 0
                                    

A/n This chapter is dedicated ulit sa aking unnie na si @taekiyeo !!! <3 Hi unnie! Salamat sa pag-gawa ng napakagandang cover! Salamat unnie na naging kaibigan kita at nakapag-open up tayo sa isa't isa. :) 

 :) 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

Jemma's POV

Ilang linggo na ang nakalipas at parang kulay grey nalang ang nakikita ko. Sinusubukan 'kong hindi pansinin ang mga oras na lumilipas pero wala 'e. Naiinis nanga ako sa sarili ko dahil nakikita ko ang effort nila na sumama sa barkada pero ako.. Ako 'tong lumalayo sakanila 'e. Ang stupid ko rin. Wala akong ka-effort effort.

Umiiwas ako dahil gusto 'kong bumalik sakanila pag naayos ko na ang sarili ko. Naayos, I mean na parang.. Hindi na ako nasasaktan tuwing nakikita na magkasama si Ivan at Karylle o siguro... Kahit nasasaktan man ako, at least alam ko na how to handle my feelings, para hindi ako agad maiyak sa mga gano'ng sitwasyon.

Pero mas malaking pagkakamali pa ang nagawa ko dahil hindi ko namalayan na nasasama ko na pala sila Frankie, Lyn, at Allison sa mga problema ko kaya pati sila, napapalayo kila Karylle. Wala na akong pake kung masama ko sila, desisyon naman nila kung magpapasama ba sila o hindi. Minsan, sumasama narin si Calvin sa'min, hindi ko alam kung bakit, pero buti nga at enjoy naman namin 'yong company niya.

Minsan, magkasama kaming lima sa isang stone table at do'n kumakain ng snacks habang si Ivan at Karylle, lovey-dovey somewhere. Ang bitter ko pakinggan, jusmeyo.

Naisip ko rin na hindi lang din kami ang umiiwas, bago makalipas ang ilang weeks, sila mismo.. Parang nawala na kami sa piling nila na parang bula. As in, tuwing lunch time or break time, hindi na sila lumalapit sa pwesto namin at magkakaroon ng sariling mundo!

"Ano ba talaga ang nangyayari Jemma?" Tanong ni Frankie na kaharap ko ngayon habang kumakain ng Nova chips.

Sasabihin ko naba?

"Mahal ko siya, Frankie." Hindi ako makatingin sa mga mata ng bestfriend ko, pero sinabi ko parin.

"Huh? Sino nama— Wait, what?" With emphasized "t" payan 'a.

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa bintana.

*snap*

"Huy! Nasaan ba 'yang pag-iisip mo? Ang emo mo tingin! Ang emo pa nong lighting habang nakatingin ka sa bintana!"

"Sorry. Hindi ko lang matulungan sarili ko."

"Si... Ivan bayan?"

Tumango ako bilang sagot.

"Jem, bakit kasi ngayon mo lang sinabi?" Napahinga nalang siya ng malalim.

"Hindi pa ako handa 'e.."

Tumango-tango nalang si Frankie. Alam 'kong naiintindihan niya ako.

Narinig naming dumating sila Ivan at Karylle sa canteen, magka-akbay at buti nalang hindi nila kami nakita kasi nasa may sulok kami ng canteen.

My Twisted Life [Under Revision and Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon