Kim
Halos isang buwan na ang nakakalipas at medyo lumalalim na ang relasyon namin ni Steph bilang magkaibigan.. sweet narin siya sa akin, & Trish is being too friendly and sweet narin, hanggan sa magtapat na nga siya sa akin na gusto niya ako nung nakaraang araw.
Napansin ko ring pinapalakas pa ni Steph si Trish sa akin, nasa cafeteria kame ngayon ni Steph kumakain habang hinihintay ang next class namin..
"Steph, pwedeng magtanong?"
abala siya sa pagsusulat.. nung magsalita ako tumigil siya at tumingin sa akin..
"Is Trish being serious.. with? about you know" tinitigan ko ang mata niya to search for some answers
"Yeah, why'd you ask?" bumalik ulit siya sa pag susulat..
"Nothing. never mind"
hindi nagtagal tumunog na ang Bell hudyat para magsibalikan na ang mga estudyante sa mga klase nila, nagpaalam kame sa isa't isa ng may lumapit sa aming lalaki na may dalang bouquet of roses na nakatakip sa mukha nito..
"For you my Princess.." nakangiting ibinigay ng pamilyar na lalaki ang roses kay Steph..
"Princess, princess.. gaya gaya" I murmured
"May sinasabe ka Kim?" Steph asked..
"Nothing" I faked a smile itinuon niyang muli ang atensyon sa binata
"Ang dami mong pakulo! Cheeseballs!" halata naman kay Steph na kinikilig siya rito. At kelan pa siya nagkaroon ng manliligaw ulit??
"Uhm by the way Rick this is My Lovely Roommate, Kim. Kim this is Rick My-" bago pa niya matapos ang sasabihin nito pinutol ko na
"Yeah yeah I know him, the one who cheated on you and broke your heart months ago?" sarkastikong sagot ko..
Pinanlakihan niya ako ng mata base sa facial expression niya sinasabe nito na "Be Nice" halos mapanganga naman si Rick sa sinabe ko.
"It's not what you think it is.." pagdadahilan pa ng loko na to dahilan para taasan ko siya ng kilay.
" I know what happened. I was there the night when Steph caught you Kissing another girl in the bar, If in case you don't remember" sarcastic pero casual kong sagot, I looked into his eyes.
Dahil sa mga sinabe ko halos dalawa sila ni Steph ang napanganga, namuo ang mala butil na pawis sa noo ni Rick, He's obviously feeling uneasy with my attitude and presence..
"I think we should go, Kim" halata sa boses ni Steph ang pagkainis, tuluyan na nila akong tinalikuran..
"Going on a date with that womanizer?"
at dahil sa sinabe ko humarap muli si Steph sa akin na mukhang galit na galit muli akong nagsalita..
"Nakalimutan mo na bang niloko ka nya? and to YOU, stay away from her! you've caused her so much pain tapos babalik balik ka pa?!" medyo napataas ang boses ko.. not to care about his feelings.
"I think she's right Steph, aalis na muna ako, maybe I'll see you some other time.." Yeah right! Pwede ka na sa Oscars! galing umarte!
Aalis na ang asungot ng biglang hawakan ni Steph ang kamay niya para pigilan at muling humarap sa akin.
"Kung wala kang sasabihing maganda, Just shut your mouth. What if I say I want to go out on a date with him? may magagawa ka ba? Ano ba kita?" Napatigil ako sa Sinabe niya. parang kumirot yung puso ko sa sinabe niya.

BINABASA MO ANG
My Lovely Roommate
Teen FictionKimberly Alcantara was just a simple kid who loves to cook, sleep and eat. A very independent girl, she ran away from home and found her way back to the Philippines where no one knew her as the Multi-billionaire's daughter. She enrolled herself to a...