Chapter 18

15.9K 244 2
                                    

Steph

Pagpasok ko ng kwarto nakita kong tulog pa si Kim kaya't minabuti kong maligo na at maagang pumasok sa klase dahil hindi pa ako nakapagstudy para sa exams ngayong araw. Nagmadali akong maligo at magbihis, i watched her sleep, ang cute niya para siyang bata. Then I realized that Kim was sleeping in my bed. Bat sya dito natulog sa bed ko at yakap yakap niya ang unan ko?

"Ate.. Shhteph"

guniguni ko lang ba yun o talagang binanggit niya ang pangalan ko? Lumapit ako sakanya at inamoy siya, she smells like a baby. Inilapit ko pa ang mukha ko para masilip ko pa ng maayos ang mukha niya Then she suddenly opened her eyes wide with her creased forehead, mukhang nagtataka kung anong ginagawa ko, i gather my thoughts and stood up and ready to turn my back pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako dahilan para mapaupo ako sa bed, sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahil inalalayan niya ang likod ko para hindi ako mahulog sa kinauupuan ko.

"What are you doing?" she was just staring at me with those hazel eyes. Oh God please help me! Natutunaw ako! Ito ba ang nagmomove on???

Bigla niya akong hinalikan sa labi naramdaman ko ang mumunting boltahe na unti unting gumagapang sa buong katawan ko, nakikiliti ako tila nagrarambulan ang mga paru-paro sa tiyan ko hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa akin basta masaya ako. Ngunit mali ito. Itinulak ko siya pero mas lalo niya hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin pero yung tipong hindi ako nasasaktan, unti unting gumagalaw ang malalambot niyang labi na tila pinaparamdam nya sa akin gaano niya kagustong gawin to noon pa, it sent chills down to my spine. She caressed my lips with full of love, nang napapansin niyang hindi na ako tumututol ay mas lalo niyang pinalalim ang halik at dahan dahang hinaplos ang mukha ko. It feels right to feel her close to me.

We broke the kiss, pareha kameng naghahabol ng sarisarili naming hininga. Agad akong napahawak sa labi ko at para akong namumula sa sobrang hiya at kilig. Hindi parin siya nagsasalita. Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa buong kwarto. We oftenly caught each other staring. Napaka AKWARD!

Finally she broke the silence.

"Steph, I-I'm really sorry" nakayuko siya habang sinasabe yun. Ako nama'y hindi parin nakapagsalita. Napipi na ba ako? Hinawakan niya ang kamay ko.

"I-I really like you, what you saw yesterday was wrong" she confessed and i was like.. Woah.

"But, I guess you don't like me. I'm sorry for kissing you earlier" nakita kong namula siya na may mumunting ngiti sa mga labi tila inaalala ang mga nangyari kanina.

"K-kim I really don't know what to say" at sa wakas nakapagsalita na ako at napakawalang kwenta ang lumabas sa mga bibig ko.

"You don't have to say anything, I like you. You don't have to answer that"pinisil niya ang kamay ko na nagbigay ng hindi maipaliwanag na damdamin sa akin. Tumatalon yung puso ko sa tuwa. Pero nagiguilty ako kase mahal sya ng bestfriend ko at sila ng bestfriend ko. What to do Steph!?

"Uhm. So ano nang mangyayari sa atin ngayon?" nahihiyang tanong ko.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko mahal kita" Oh God. Another hit! Isa pa at di na kita pakakawalan!

Namuo na naman ang katahimikan sa pagitan namin, magkahawak parin ang kamay namin at magkatabing nakaupo sa kama ko. Then she suddenly kissed my hand while staring right through my eyes.

"I don't know what will happen to us but please, let me show you how much I love you, and by the way. Hindi pa kame ni Trish, she's just claiming that we are.. You know?" napasmirk nalang siya.

"But Kim she's my bestfriend" medyo naluluha ako, hindi ko kayang saktan ang bestfriend ko.

"But.." Napabuntong hininga siya dahil kahit pati siya ay hindi rin alam ang isasagot.

Tumayo ako at inayos ang sarili, kailangan ko ng pumasok dahil bago ang lahat may pagsusulit pa akong dapat na problemahin. Tiningnan ko siya mula sa salamin she was rubbing her temples, I think she's having migraine again.

"Kim? masakit ba ang ulo mo?" di ko mapigalang wag mag alala.

"Wala to. I'm ok" halata sa boses niya na nagtatampo sya.

"Anong problema?" bat kaya nagtatampo tong unggoy na to.

"Hindi kase ako gusto ng Mahal ko" parang bata na nagtatampo tong bakulaw na to.

Kung alam mo lang na gustong gusto kita!! Sigaw ko sa isip ko.

"Ha?Mahal ka nun wag kang mag alala, sige na uminom ka na ng gamot mo ha? Papasok nako" tinatago ko yung ngiti ko baka mahalata nyang kinikilig ako eh asarin na naman niya ako.

"Talaga kung Mahal niya ako sana halikan niya ako ulit" she's grinning. Sabe ko na eh! Napalipbite tuloy ako.

"Gusto mo sapakin ko nalang nguso mo? Para mawala yang sakit ng ulo mo!" i raised an eyebrow at humarap sakanya.

"Hindi ah! Wala na ok na ako!" nagtago siya sa comforter ko at niyakap ang unan ko. shook my head in disbelief. Parang bata!

Lumapit ako at nakipag agawan ng comforter sakanya ayaw pang bumangon eh may klase rin siy

"Kim! Bangon na dali!"

"No! Kiss muna!" magmamatigas parin sya.

"Kim ano ba matutumba ako sa ginagawa mo" hinila kase niya ng malakas ang comforter.

"Ganito?" Hinila niya pa ng mas malakas at napasubsob ako sa bed.

"Aray!" I cried in pain tumama yung tuhod ko sa edge ng bed.

"Oh what happen My Princess?" she crawled towards me, ako naman parang bata na hinihipo ang tuhod ko.

"Ikaw kase!" ARRRRAAAYY!!! Yan ang gusto kong isigaw kaso baka mawalan ako ng poise kung gagawn ko yun.

"Akin na ikikiss natin, kawawa naman ang princess" Hinalikan niya ang tuhod ko, hay sh*t ang lambot talaga mg labi niya, dahil nakapalda ako kitang kita ang pasa sa tuhod ko. Haynako!

Umiiyak na ako sa sakit, ampangit pang tingnan nitong pasa. Hayysshh. She lifted my chin and kissed me. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, nakakailan na siya ha!

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at ngumiti. Pinanggigilan ang mukha ko at dinampian na naman ako ng halik sa labi.

"Yan lang pala magpapatahan sayo eh, tayo na hatid kita sa baba may pasok ka pa" nakatayo na pala siya at inaalok ang kamay sakin habang ako nakatulalang nakaupo parin.

"Princess? Wuy!" she snapped her fingers at dun palang ulit ako nakapag react.

"Walang hiya ka talaga!" pinagpapalo ko siya ng unan.

"Aray princess tama na! Bakit first time mo bang mahalikan?" napahinto ako sa sinabe niya oo nga naman, Steph wag kang feeling. Hindi mo first time mahalikan, pero sya ang unang babaeng nakahalik sa akin.

"Che!" inirapan ko siya ar kinuha ang bag ko. Papasok na ako!

"hey wait for me princess!" bago ko pa mabuksan ang pinto, niyakap niya na ako sa likod.

"Aalis ka tapos di ka magpapaalam sa akin?" nagpout siya sa akin saka ako humarap.yakap parin nya ako.

"Eh inaasar mo ko, wag mo nako ihatid maligo kana at baka malate ka pa" Nag pout siya ulit, isa pa kakagatin ko talaga yang labi mo. Oh God help me.

"eh ihahatid nga kita eh!"

"Wag nang mapilit sige na!" Nakayakap parin siya sa akin at ngumunguso.

"Oh ano pang hinihintay mo? Bitwan mo na ako at malelate ako!"

"Hmm" ngumunguso siya sa akin.

"hep hep hep! Nakakadalawa kana sa akin!" tinulak ko siya papasok ng banyo saka tumakbo pababa.

It all went well, isa nalang ang kulang si Trish. Mabilis akong nakarating sa classroom agad kong sinimulan ang pagbabasa ng notes ko. May 30minutes pa ako. Then I heared a familiar voice talking behind my back.

"So, How's your night, Best" napalingon ako, alam kong si Trish yun..

To be continued..

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon