Chapter 2

29K 414 10
                                        

Steph

Nagising ako ng maalala kong may klase ako. Dali dali akong tumakbo papuntang bathroom, after ko maligo at magbihis nakakita ako ng maliit na bowl na may nakapatong na plato at kutsara sa itaas may note pa.

"Good Morning Steph! Tikman mo itong luto ko masarap to. -Kimmy"

napasmile naman ako sa effort niya mabait naman pala siya. Nung makita ko ang pagkain natakam ako at biglang ginutom. Shet! Mukhang masarap!! Umupo ako sa Study table ko at agad sinimulan ang pagkain na inihanda ni Kimmy para sa akin. ANG SARAP! BUSOG NA BUSOG AKO! May 30 mins pa ako pra pumunta sa Bldg. Namin.

Natapos ang buong araw na klase ko hay nakakapagod! Political Science ang kinuha kong kurso. Umuwi ako ng dorm na pagod na pagod at antok..

Nakaamoy ako ng nasusunog at pagpasok ko ng kwarto ay puno ito ng usok naalala kong nagluluto pala si Kimmy gamit ang Rice cooker! Ay shet! Balak niyang sunugin ang kwarto! Binitawan ko ang bag ko at tumakbo papuntang bathroom para kumuha ng tubig ng makabangga ko si Kim na may dala rin tubig. Sa sobrang malas ko sa akin napunta ang tubig na dala niya at heto basang basa ako..

"Sorry Steph" halata ko sa mukha niya na naiiyak na siya.

"diba sinabe ko sayo na wag kang gagawa ng kung ano ano? Di lang sayo itong kwarto na to. Balak mo pa atang sunugin ang buong dorm" sinesermonan ko siya habang binubuhusan ng tubig ang rice cooker niya.

"Nag over heat ata kaya biglang umusok pumunta kase ako sa convinience para bumili ng maiinom kase wala tayo tubig sa ref pag balik ko nakita ko nalang na umuusok na.."

umiiyak siya habang binubuksan ang glass sliding door sa may veranda para maalis yung usok dito sa kwarto nakita kong may burn sya sa kamay..

"naghahanda lang naman ako para sa dinner mo alam ko kaseng pagod ka.."

dugtong pa niya habang tinatakpan ang sugat niya siguro nakuha niya yun nung tanggalin niya ang plug na rice cooker sa extension wire.

"Next time kung mag luluto ka diyan ka sa labas kung iiwan mo. At di mo ako kailangang ipaghanda.." nawala na ang usok kaya hinubad ko ang basang basa kong uniform nakalimutan kong nasa harap ko pa si Kim..

"Hindi mo ba ako isusumbong?' hindi siya makatingin ng deretso sa akin kaya agad akong nagsuot ng tshirt at shorts.

"No need. Basta wag na wag mo ng uulitin" agad siya lumapit sa akin at niyakap ako humahagulgol na siya..

"Sorry Steph, gusto ko lang naman pasayahin ka sa luto ko alam kong pagod ka" nagulat ako sa ginawa niya at wala akong magawa kundi patahanin siya.

Pinaupo ko siya sa kama niya at pinainom ng tubig,at ginamot ang sugat niya.. mukhang magkakaroon ako ng sakit ng ulo, isip bata pala tong kasama ko. Tss.

Krrrrruuuggggg..

Natigilan kameng pareho ng sabay tumunog ang mga tiyan namin. Namumula na ang mukha niya kaya natawa nalang ako.. After namin ayusin ang kwarto ay niyaya niya akong kumain sa labas pero libre niya. Yeeeesss!!

Dinala niya ako sa isang Resto Bar malapit sa school sakay ang kotse niya.. Infairness Ang cool ang kotse niya.

Pagpasok namin tinginan lahat ng crew sa amin. Anong meron? Ang ganda siguro namin kaya sila napatingin..

"Good Evening ma'am" agad kameng inalalayan papuntang VIP table. Wow ha special treatment?

Pag upo namin agad akong tinanong ni Kim kung anong gusto ko.. Sabe ko siya na ang bahala inilibot ko ang tingin ko sa Resto bar. Ang ganda rito medyo classy ang dating may live acoustic band pa.. Pwedeng tambayan to. Balita ko rin masasarap daw ang pagkain dito lalo na ang sweets nila..

Napatingin ako kay Kim, nakangiti siya sa akin.

"Oh bat ka nangingiti diyan?" tinaasan ko siya ng kilay..

"wala naman. Maganda ba rito?"

"Oo, ang cool ng place tska masarap daw ang food."

nakangiti naman siya sakin habang nilalapag ng waiter ang food namin. Mukhang familiar ang food na inihanda sa amin. Parang yung.. Yung niluto ni Kim kaninang umaga!

"So how's the food?"

"Great." tipid kong sagot ayoko kaseng nagsasalita habang kumakain.

Nagkwentuhan kame at nagtawanan.. Ng biglang tawagin niya ang Manager at kinausap. Weird.

"Let's go? Its getting late we need to get back bago pa tayo pag sarhan ng dorm" nakangiti siya habang inaabot ang kamay niya.

Bumalik kame sa dorm at sa sobrang pagod namin di na namin namalayan na nakaidlip na pala kame. masaya pala siyang kasama hay. makapag pahinga na nga..

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon