Chapter 17

15.8K 233 3
                                    

Steph

Pasado alas otso na kame nakarating sa bahay ginising ako ni Danny at inalalayan pababa ng kotse, para akong walang lakas buong biyahe akong tulog daig ko pa ang lasing sa tagal ng tulog ko.

"Stephy, Pumasok kana may kukunin lang ako sa kotse" tumango lang ako at dumiretso sa loob.

Pagpasok ko ng pinto halos mapatalon naman tong katulong namin pati ako nagulat rin.

"Haynaku mam! Bigla bigla kayong sumusulpot, tatawagin ko ho ba si Mam?"

"Ya, kayo tong nang gugulat eh! Tska yaya bat nakabukas ang gate?"

"Ay baka naiwang bukas ni Berto ang gate bago umalis di bale't pagsasabihan ko ho"

Haynako itong si Yaya Vergie di parin nagbabago, parang ewan parin. I miss this place, ang tagal ko naring hindi nakauwi.

"Ay mam, baba na raw si Mami. Umupo muna kayo ikukuha ko kayo ng paborito niyong ano ba yun? yogurt ba yun?"

Napangiti nalang ako kay Yaya alam na alam niya ang gusto ko lalo na't nalulungkot ako, eh pano ba naman eh magang maga tong mata ko pero ok parin naman, Maganda parin ako.

"Ok yaya. Tska maghanda narin kayo ng hapunan dahil may kasama ako"

"Si ser Danny po ba?" tila naghugis puso ang mga mata ni Yaya, Ang Harot!

"Opo, yaya naman!" paano ba naman sya ang #1 fan namin ni Danny simula nung High school pa kame eh Lab birds na tawag niya sa amin. Haynako!

"Osiya, ihahanda ko na ang hapunan ng mga alaga ko"

Naririnig kong kumakanta si Danny na papasok sa bahay, nakakairita yung boses niya wala sa tono hindi katulad ni Ki-Hay siya na naman! Steph! Tama na! Girlfriend na siya ng bestfriend mo.

"Oh tulala ka na naman dyan" Si danny nakaupo sa tabi ko. Di ko namalayang nakaupo na pala sya.

"Ah.. Wala"

"Steph, utot at paghinga mo palang alam na alam ko na kaya wala kang pwedeng itago sakin, siya na naman ba?"

"Danny, I'm not in the mood"

"At bakit wala sa mood ang prinsesa ko?"

Sabay kameng napatayo ni Danny at tumingin sa kinatatayuan ni Daddy at Mommy, agad akong tumakbo at niyakap ng mahigpit si Daddy di ko rin mapigilang maiyak sobrang namiss ko sila Last Christmas pa kameng nagkasama sama. Niyakap ko rin si Mommy.

"Awe, sweetie what happened? You look so stressed" tanong ni mommy habang nakayakap ako sakanya.

"Mom, Dad." napalunok ako bago muling nagsalita.

"I have something to say.."

Nagkatitigan silang dalawa at tumingin ulit sakin. Napayakap tuloy ako kay Daddy. Natatakot ako sa reaksyon nila.

"Stephanie ha! Wag kang mananakot ng ganyan" Si daddy dinig na dinig ko ang pintig ng puso niya kinakabahan ata sa sasabihin ko.

"Hija, you're scaring me to death. Ano ba yung sasabihin mo?" napatingin ako kay Danny saka nag isip kung pano ko sasabihin ang.

"Hija! Are you pregnant?!!" si Dad nagpakaOA na naman.

"What?! Dad, No!" buong pagtatanggi ko.

"Hay Salamat! Then what hija? Tell me"

"Are you & Danny??" si Mommy biglang sumingit pangiti ngiti pa. Jusko tulungan niyo po ako!

"WHAT? Danny! Kayo ba ng Princess ko? Aba aba! Kailangan mong manligaw at dumaan muna sa akin bago maging kayo ng Anak ko!" si daddy kinuwelyuhan si Danny.

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon