Tumakbo kame papasok ng lobby ng dorm na may dala dalang mga malalaking supot haysh.. Basang basa na ako ba't kase bigla bigla na lang umuulan eh.
Pagpasok namin sa room tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang lamig!!! Naiwan kong nakabukas ang aircon the whole time! nag hubad ako ng sapatos saka nilagay sa mesa ang mga pinamili namin inabutan ko narin si Amy ng towel baka sipunin sya.
"Sorry kung medyo makalat"
Pinulot ko yung mga libro ko sa sahig may mga basura ring nakakalat hindi ako naglinis kanina akala ko kase hindi ako aalis ng dorm at walang biglaang bibisita. Wala rin kase si Steph dito kaya wala akong ganang mag linis ng kwarto namin.
Inilibot nya ang tingin nya saka umupo sa study table ko.
"Nasaan ang room mate mo?" she's starting a conversation
"Ah, si Steph ang room mate ko, she's in Palawan"
"Oh." tipid nyang sagot. Showing lack of interest.
Tapos na akong mag pulot ng mga basura.
"Ang ayos ng kwarto nyo, napaka feminine."
"Ah-oo! Ayaw kase ni Steph ng magulo at marumi kaya kailangan lageng maayos dito" napangiti ako nung maalala ko nung batukan ako ni Princess ng maiwan kong magulo ang bed namin.. Awee.. Happy memories.
"Ah! Gusto mo ba ng kape?"
"Sige"
Nagtimpla ako ng kape at gatas naman sakin hehe. Saka ko inabot ang kape nya pumasok muna ako ng banyo saka nagpalit ng tuyong damit at boxers narin lumabas na ako
"I wanna meet your girlfriend"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong gatas. Ano ba yan!
"Are you okay?" pag aalala nya. Malamang hinde!
"Yes, I'm fine. Ba't g-gusto mong makilala gf ko?" stuttering
"Naiintriga ako sakanya, kwento ni Al, she's pretty, simple but.." she said while facing the wall kung san nakasabit ang bulleting board namin na may mga pictures pa namin.
"But what?" napataas ang kilay ko.
"Masungit"
"Masungit? Oo, masungit talaga yun"
Umupo ako sa bed saka humigop ng mainit na gatas. Inilapag ko sa table ang gatas ko saka kumuha ang damit para sakanya baka sipunin sya.
"Oh heto, magpalit ka muna baka sipunin ka"
"Ah hindi na Kim, uuwi na ako. Late na rin kase"
"Kahit na ba, I insist. Change your clothes. Tska sobrang lakas ng ulan hindi ka pwedeng umuwi. You don't have your car with you"
"No Kim, ayos lang I'll take a cab--"
*LIGHTNING WITH MATCHING BONGGANG THUNDER*
"See? Even the weather won't allow you to go home. Am, dito ka na magpalipas ng gabi"
Ngumiti sya saka dumiretso sa banyo. I heard water flowing mukhang naligo na rin sya. Hinanda ko narin ang pajamas at clean underwear.
"Uh Kim, can I borrow some-"
Hindi ko na marinig ang mga sinabe nya nung makita kong nakatapis lang sya at basa ang buhok. Napalunok ako saka nagbaba ng tingin.
"Uh-Eh.. Heto. Pj's at undies"
"Salamat" ngumiti sya bumaba yung tingin ko sa balikat nya ang kinis! Sige! Pagnasaan mo pa ng mabura ng tuluyan yang pagmumukha mo!

BINABASA MO ANG
My Lovely Roommate
Teen FictionKimberly Alcantara was just a simple kid who loves to cook, sleep and eat. A very independent girl, she ran away from home and found her way back to the Philippines where no one knew her as the Multi-billionaire's daughter. She enrolled herself to a...