Chapter 25

16.8K 252 6
                                        

Kim

Habang papalapit kame sa Entrance ng isang kilalang Restaurant kung saan kasalukuyang naroon ang aking mga magulang lumalakas tong kabog ng dibdib ko na parang nagbibeatbox kulang nalang ay mahimatay ako ngayon dito, basang basa narin ako ng pawis pati yung kilikili ko umiiyak sa sobrang kabang nararamdaman ko.. "Please Help me God" siya nalang ang tangi kong masasandalan sa ngayon.

"Whooo.. whooo! you can do this!" sabe ko pa sa sarili ko saka bumuntong hininga. gusto ko ng umatras!

"Hey" tinapik ni kuya ang balikat ko para makuha ang atensyon ko.

"Wala ng atrasan ha?" paninigurado ni Kuya.

"Kuya aatras na ako!" magtatangka na sana akong tumakbo ngunit huli na nung hilain ako ni kuya sa loob.

"Ano ka ba kaya mo 'to!" hawak ko ngayon ang kamay ni Kuya na abalang hinahanap kung saan nakaupo si Mom at Dad.

"Kuya I can't. natatakot ako" nawalan na akong ng lakas na loob para akong pagong na biglang pumasok sa loob ng bao sa sobrang takot.

"Hey! I know you can do it, trust yourself, kimmy. they will totally understand you" hinawakan ni kuya ang magkabilang balikat ko saka ngumiti ng malapad.

"Sana nga Kuya" napayuko ako.

"Hey, smile na sumasadsad yang nguso mo sa sahig eh" bahagyang iniangat ang mukha ko kaya napilitan akong ngumiti.

"Ma'am, Sir this way please" singit ng waiter na iginayak kame kung saan naroon ang reservation namin.

"Is Mom and Dad?"

"Yeah, they're here already.. kanina pa actually" putol ni Kuya sa kung ano mang sasabihin ko.

Mas lalo tuloy lumakas tong kalabog ng dibdib ko. napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng suit ni kuya lumingon naman siya saka ngumiti and mouthed "Smile" kaya ngumiti nalang din ako. para tuloy akong batang paslit na takot mawalay sa kanyang bantay dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko.

Pag bukas ng pintuan ng Reserved room agad bumungad sa akin ang Magkatabing Bababe't Lalaki na animo'y nasa thirty-ish pa ang edad. Maaliwalas ang mukha ni Dad ng makita ako ngunit si Mom, ayun at prenteng nakaupo sa kinauupuan niya. poker face as usual.

"Honey! Long time no see! Dalagang dalaga kana anak!" si dad na di na nakapagantay at nilapitan na kame ni Kuya na papalapit palang sakanya. niyakap niya ako saka pinaghahalikan ako sa pisngi. si Dad talaga! ang tingin parin sa akin ay isang baby! I pouted after kissing me at ngayong hawak hawak ang magkabilang pisngi ko at kinukurot kurot ito.

"Daddy, stop it!

"What? I missed you, Honey" nakapout siya habang inakbayan ako. Ito namang si Dad parang barkada ko lang, daddy's girl kase ako kaya sobrang nalungkot ako nung maglayas ako, pero ayun at di ko parin napigilan at nakipagcommunicate parin ako sakanya ng pasikreto.

"Daddy I missed you too" niyakap ko sya ng mahigpit.

"Wala ka bang balak na bitiwan ako Kimmy?" niyakap ko siya ng matagal dahil baka kapag hindi ko yun ginawa baka hindi ko narin magagawa yun dahil baka isumpa at itakwil ako nila ako ni Mommy sa ipagtatapat ko sakanila. wala naman din akong problema kay dad he only needs confirmation from me but Mom? I don't think so. bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Dad kaya nagtungo na kame sa table kung saan naroon si Mom.

"Relax" sabe ni kuya habang hawak ang aking kaliwang kamay nung maupo kame.

"So what do you want to eat?" si kuya nagyayayang umorder muna dahil bakas sa mukha ko ang kaba kung kaya't minabuti niyang kumbinsihin din si dad at mom na kumain.

My Lovely RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon