Lumipas ang tatlong taon, di parin nagkita si Marie at Christoff. Nagtatrabaho na si Marie sa isang ospital na malapit lang sa kanila, wala na syang balita tungkol sa bestfriend nya, nagkaron narin sya ng boyfriend, Si Michael, isang computer technician, mabait, matangkad, matipono ang katawan at mahal na mahal nya si Marie. Isang taon na silang magkarelasyon pero wala pang nagyayari sa kanila, takot kasi si Marie, hanggang isang araw........
Marie's P.O.V
Michael: "Marie okay lang, kung hindi kpa handa, di kita pipilitin, handa akong maghintay kahit matagal, basta pag ready kna?"
Marie: "Ready na ako Michael, handa nakong ibigay syo ang sarili ko.Alam kong dpa talaga ako ready, kaso nkukonsensya kasi ako, feeling ko ang unfair ko kay Michael, alam nyang mahal ko sya pero alam din nyang dko kayang pantayan ang pagmamahal at pagtatyaga nya sa akin. Dko alam, pero parang lagi kong naiisip na may kulang pa, dko alam kung ano. Pero nagpasya parin ako na may mangyari na sa aming dalawa. Lumipas nag isang taon nagbunga na ang aming pagiibigan.
"Michael, may sasabihin ako syo. Buntis ako." Mahinahon kong sinabi.
"Talaga? Magiging ama nako? Totoo ba to Marie?" Sabi ni Michael na may kasamang tuwa at pagkasorpresa.
"Oo Michael, nag pregnancy test nko, positive nga. Sagot ko.
"Magandang balita yan mahal ko, so siguro nman ngayon papayag ka nang magpakasal tayo?" Tanong ni Michael.
"Ah, eh, wag na muna siguro mahal ko, gusto ko na munang makapanganak ako, saka na lang natin magplanuhan ang kasal after." Sagot ko.Masaya ako na magkakababy na kami, kaso ayoko munang magpakasal, dko alam kung bakit, baka dahil dpa ako ganon ka sigurado sknya, or baka dahil gusto ko na pakakasalan nya ako ndi dahil sa baby namin, kundi dahil mahal nya ako.
Lumipas ang tatlong taon, 3 years old na ang anak nilang si Marcus, magkasama parin sila sa bahay ng mga magulang ni Michael. Madalas na silang magaway ni Marie, kasi kahit na pareho silang may trabaho, inuubliga paring tumulong sa bahay si Marie ng ina ni Michael, kahit na paguwi ni Marie galing trabaho ay inaasikaso nya agad ang anak nila, kasi gusto nya hands-on parin siya kay Marcus.
Marie: "kelan ba tayo aalis dito sa bahay nyo Michael, gusto ko bumukod na tayo, baka dna ako mkpagpigil at masasagot ko na si Mommy mo, sobra na sya sakin minsan!"
Michael: "mahal pagpasensyahan mo na lang si mommy, ganyan lang tlga sya, hanap kana kasi ng malilipatan natin para mkabukod na tyo"
Marie: "lagi nman akong nkakahanap kaso dmo naman nagugustuhan, dko alam kung mkakahanap paba ako ng malilipatan na mgugustuhan mo, ang hirap pa ngang maghanap."
Michael: "okay lang yan, basta hanggat wala kpang nahahanap, dumito na lang muna tyo.
Marie: "ano pa nga ba, hayyyyyy."

BINABASA MO ANG
Mahal ko o mahal ako?
RomanceAng hirap ng sitwasyong mahal mo siya pero may mas mahal kang iba at di pwede. Susundin mo ba ang binubulong ng puso mo o makuntento ka na lang sa taong sigurado kang mahal na mahal ka?