Ang Pagkikita

6 2 0
                                        

Pagkadating ni Marie galing trabaho, biglang nag ring ang phone nya.

Ring.... Ring..... Ring....
Number lang? "Sino kaya to" kausap ko sarili ko. Sasagutin ko ba, bayaan ko muna mag ring pa.
Ringgggggggg....

"Hello? Sino to?"
"Bess, ako to? Asan ka?" Sabi ng kabilang linya, si Christoff.
"Bess? Ikaw ba to, iba na ba number mo, kumusta kna? Bat ang tagal mong d nagparamdam?" Sunud sunod kong tanong
"Bess, teka lang, mahabang kwento, basta asan ka ngayon, puntahan kita." Sabi ni Christoff.
"Andito ako sa bahay, dito na kami Cubao nakatira now." Sagot ko.
"Ah okay, so lumipat na pala kayo, pwede ba tyong magkita ngayon?" Sabi ni Christoff.
"Ha? So andito k sa manila ngayon? Kelan pa? Sige magkita nlng tyo sa Araneta center mall, para d kna mahirapang maghanap sakin." Sagot ko.
"Okay, sige, kita tyo dun, antayin kita dun. Ingat ka sa byahe." Tuwang tuwang sabi ni Christoff.

Christoff's P.O.V

Andito nko sa araneta, malaki rin palang mall to, mukhang sosyalin to, ang mamahal ng mga display. Asan na kaya si Marie, sobrang miss na miss ko na sya, ang saya ko na dko maintindihan, matagal ko ding inantay ang pagkakataong ito. Ilang taon din inantay ko at now magkikita na rin kami. Kaso aalis din nman ako, iiwanan ko ulet sya, hayyyy. Kung pwede lang kasi na dna ako umalis. Bahala na, mahalaga magkita na muna kami ni Marie. Gustong gusto ko na syang makitang muli, 7years din ng huli naming pagkikita.

Ilang minuto pa dumating na si Marie.
Nakikita ko na sya sa malayo kaso d nya ako kita, ang liit parin ni Marie, ang tangkad ko na kasi, kinawayan ko sya kaya nakita nya na ako, papalapit na sya sakin. Pinagmasdan ko lang sya habang papalapit sya sakin, walang syang pinagbago, napaka simple parin manamit, nka maong pants syang hapit at white tshirt na v neck, medyo ngkalaman na sya now, d parin sya mahilig mag make up, sadyang mapula parin ang mga pisngi nya halatang nagmadali syang maglakad, ang ganda parin ng maamo nyang mukha.

"Bess!!!!!!!" Sigaw ni Marie sabay yakap sakin ng sobrang higpit. Di ako mkapagsalita, sasobrang higpit ng pagkaka akap nya sakin, niyakap ko nlng din sya pabalik, medyo yumuko ako para maabot ko sya ng maayos, ang bango nya, napapikit na lang ako, matagal ko ding ginustong makita at mayakap sya ng ganito, dko alam gano katagal kaming mgka akap, sya ang unang bumitaw.

"Bess, kmusta kna? Namiss kita ng sobra, tagal mong d nagparamdam, ano ba nangyari syo? Ang pogi mo na ha, hahaha." Sabi ni marie sabay tawa.

Mahal ko o mahal ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon