Kidnap For Handsome: Chapter One
Dear crush,
I do exist.
“Mom!!! Si kuya Oh nang-aasar na naman!” iritadong sabi ni Angel habang pilit na inaagaw ang Scrapbook kay Gabrielle
“Mom, mom, mom” Panuksong tono ni Gabrielle “Sumbongera, Mommy’s girl kasi..Bleh”
Biglang nawala sa kamay ni Gabrielle ang nakataas na Scrapbook “Gab, stop teasing your sister” Lumapit ang Mom niya sa naka-cross arms na si Angel habang naka-pout “Here honey” Bigay nito sa Scrapbook sabay tap sa ulo nito
“Bleh!” – Angel
“May crush kasi....” Patuloy na pang-asar ni Gabrielle “Hindi naman siya crush”
“Whatever”
“Whatever” Pag-ulit nito sa mapanuksong tono “Arte. Nerd naman, mataba pa”
“It’s okay at least I didn’t get zero up to 50. Stupid”
Tumakbo agad si Angel palabas ng Garden ng habulin siya ng asar talo niyang kuya na si Gabrielle. Pero agad din siyang tumigil ng may masulyapan sa kaharap na garden, isang batang lalaki na nakikipaglaro sa isang brown chow-chow
“Mom si Angel may crush na!” sigaw ni Gabrielle, agad na nagtago si Angel sa likuran ng puno habang yakap nito ang Scrapbook. Nag-aalala siyang baka narinig ito ng batang lalaki “Shut up, Gabrielle”
“Angel may crush na....crush niya si Yun”
O_O
“Aray!” >.<
Mabilis kasing hinampas ni Angel ang hawak na Scrapbook sa noo ni Gab. Ang bait niya nuh? “I said shut up e, look what you got!” Palihim siyang sumilip sa harap na Garden, nakita niyang pumasok na si Yun “You think he heard it?”
Pumasok na ulit sila sa bahay at habang tinutungo ang living room ay hindi pa din natitinag at nadadala si Gabriella sa panunukso tungkol sa crush nito
“Atlis ako crush lang, e ikaw akala mo ba hindi ko alam na may hinali- jsbdjsbdjsbd” Agad na tinakpan ni Gabrielle ang bibig ni Angel.
Character info: Mary Angel Constantino, 7 years old.
Gabrielle Shyl Constantino 9 years Old
“Titigil na ako, tumigil kana”
Nag nod naman si Angel as a respond. “Honey, go check your things upstairs were living after I finish this one. First let’s drop to your Dad’s grave after that we are heading to Airport” Bumalik ulit ang Mom nila sa Kusina para ayusin lahat ng brown boxes
“Awww..Hindi niya na makikita si Yun, kawawa naman” Titira na kasi sila sa New York at ngayon na din ang flight nila “Kawawa naman..Hahahaha” Pinanuod ni Angel na umalis ang kuya niya habang siya nakaramdam ng pagka-lungot. Nilingon niya ang bintana at mahigpit na niyakap ang Scrapbook.
Deep breathe. Smile
“I can do it”
Napansin ng lalaki ang batang nakatayo sa harap ng Garden nila
“H-Hello” bati ni Angel
Hindi na nagatubili pang magtanong si Angel at pumasok na ito sa Garden. Puno ng kaba ang mukha niya
“Sinong nagsabing pwede kang pumasok dito?” Supladong tanong ni Yun “Browny bite her” Utos nito sa aso
She took a very deep breath before she continued. “Listen Yun Suanque” She said, looking straight to Yun’s brown eyes “My name is Maria Angel Constantino 7 years old, and my house was just in front of yours, in short I was your 2 years neighbor but unfortunately not anymore because we are moving to My grandma’s house which is in New York, my flight time is 6 pm”
“O ngayon? Gawin ko?” Consistent na suplado tone
“Before I leave, I just want to say that” Tinignan niya ang knotted fingers niya bago niya muling tinignan si Yun “I’ll surely and definitely come back, hunting you. At that time I’ll be pretty and I” She took a step forward “I’m going to kidnap you”
“Baliw”
Angel pouted
“Baliw agad? Hindi ba pwedeng crush ka muna?”
“Honey, we are going!” Sigaw ng Mom niya. Nilingon ni Angel ang Mom niya at ang kuya niyang sumakay na sa kotse, nakaramdam siya ng asar ng Makita niyang inunahan siya nito sa front seat
Muli niyang nilingon ang kaharap na lalaki. Mula sa mini purse niya, nilabas nito ang isang necklace, isang mini time jar ang pendant nito “ Bago maubos yung buhangin dyan at bago mag times-out....Promise” With matching taas ang kanang kamay “Babalik ako, that’s the time I’ll come to kidnap you” Nakangiti nitong sabi
“Mom! Dad! May nakawalang baliw galing Asylum dito!” Sigaw ni Yun
Nagpakawala naman ng tawa si Angel mula sa maliit nitong boses
“Anong tinatawa-tawa mo?”
“Ang cute mo kasi e” Humakbang lalo si Angel. unlocking the necklace, napaatras naman si Yun “Isusuot ko lang sayo, naligo naman ako” Walang nagawa si Yun, na-shock siya ng lalong lumapit si Angel at ang sunod na namalayan niya, nakahawak siya sa labi niya habang pinagmamasdan si Angel patakbo sa kotse nila
10 Years After
“Yun anong nangyari?!” Panic na tanong ng mama nito, pagpasok palang ay agad na siyang sinasalubong nito. Bakas kasi sa namumulang kanang pisnge nito ang bakat na kamay, putok din ang labi nito.
Tumuloy lang siya paakyat sa kwarto
“Ano pa ba, ma, sa tingin niyo?” Nakababatang kapatid ni Yun si Yuna na nakatuon ang mata sa T.V “Syempre nahuli na naman siya ng mga girlfriendS niya” Casual nitong sabi “Parang hindi ka pa nasanay kay kuya”
Rinig man niya ito kahit pa nasa loob na siya ng kwarto e halata namang sinadya ito ni Yuna na lakasan.
-Tok tok tok-
“Ser..” Pagbukas ng isang katulong nito hawak ang isang brown box “Ser, naglenes po ako ng bodega, e pake chik neyo nalang po eto at itatapon na, e naketa ko po tong box na may pangalan niyo e, baka po kase may importante at baka maetapon ko e”
Nilapag nito ang box sa kama ni Yun. sandali niya itong sinilip at sumenyas na umalis na. “Okey po, ay kabayo!” Natapilok kasi ito at kumalat ang laman ng box “Alay sorey po, ser” Wala namang pakialam si Yun at tuloy lang siya sa pakikinig sa Ipod“ Ay ser! Kay ganda po netong kwentas oh, ay ano ba ere? Baket may buhangin sa loob?”
“Manang please lang po umalis na kayo gusto ko nang magpahinga”
“ay opo ser” Nilapag ni manang ang kwintas sa ibabaw ng study table nito saka umalis.
-Tok Tok Tok-
“Ano?!” Iritado nitong tanong saka marahas na tinanggal ang headphone sa tenga at umupo ng kama para tignan kung sino na namang distorbo “Bukas yan!”
“Ser..”Silip ni manang “Lumabas na po ako ng kwarto niyo”
“Ngayon?” iritado pa din nitong tanong
“Freyday po, nakalimutan niyo na po ba?”
Bwiset na matanda. Isip nito saka umirap at tinaasan ng kilay si manang “Umalis kana, please” Mahinahon pero halatang gigil ang boses nito
“Opo nga po ser”
“Manang!”
“Yes ser! Tinawag niyo ako? ay aalis a po ako” agad nitong sinirado ang pinto. Ginulo-gulo naman ni Yun ang buhok sa sobrang katangahan ng maid niya. Babalik na sana ito sa pagkakahiga ng Makita niya ang isang glass-time na kwintas
“Hoy ano yan!” Agad na sinara ni Angel ang Scrapbook nito at agad na niyakap ng mahigpit
“None of your Business Mr. Gabrielle” Rolled eyes
“Please put your seatbelt on, blah blah blah blah” Napatingin si Angel sa bintana, tanaw nito ang ani mo’y maliliit na piraso ng isang Doll House. Parang langgam lang ang mga tao sa baba, ang mga sasakyan, parang isang laruan na umaandar.
“I’m coming.... Yun Suanque”
BINABASA MO ANG
Kidnap for HANDSOME ||On-Going||
Teen FictionShan Yun Suanque. Superstar natural na gwapo! sinong nagsabi na hanggang tingin at paghanga ka nalang kay crush? Try mo yung ginawa ko kinidnap ko para masaya Haha. Ako si Angel ang Anghel na hindi mo makakalimutan