Kidnap for Handsome: Chapter 7 | Ai love Yun|
Napahinga si Yun ng malalim saka muli tinignan si angel at ang iba pa nitong kasama. Naisip niya isa lang ang mga ito sa crazy fans niya
“bakit ba ako napapaligiran ng mga baliw” bulong ni Yun sa sarili na halatang naiirita na
“angel mukha hindi siya naniniwala” bulong ni Gretel kay angel
Walang anu-ano bigla nalang sumampal yung pinto sa pader “AYAN SILA! SILA YUNG MGA BALIW NA NAKITA KO!” sigaw ng isang babae
“BALIW AGAD EDI SANA NASA MENTAL KAMI!” sagot ni vish “kung makabintang ito kinaganda mo na yan?! Tsk”
Isa-isang nagpasukan ang mga armadong tao at pinalibutan sila angel and friends. Agad naman na pinakawalan si Yun sa pagkakatali
“Yun okay ka lang? sinakta-“ Walang anu-ano natagpuan nalang ng manager ni Yun ang sarili na nakasalampak sa sahig hawak ang nasuntok na pisnge.
“sa susunod gawin mo ng maayos trabaho mo hindi yung kung sinu-sinong baliw nakakalapit sa akin. Stupid.” sabi ni Yun habang himas-himas nito ang kamao sabay lakad paalis ng lugar
“Yun! Yun!! Teka lang!!” Sigaw nila angel and friends
“Dalhin na yan” utos ng isang armado
|Police Station
Taimtim na minamasdan ni mamang police ang apat na babaeng nakaupo sa harapan nila lalo na sila Gretel na pangalawang balik na sa police station. Napapailing nalang sila sa apat na babae.
“Hindi ba kayo nadadala mga ineng? Pauliy-ulit-ulit nalang kayong nandito” sabi ng pulis habang kunot ang noo nito
“E kayo po kasi mamang pulis paulit-ulit-ulit niyo din kaming hinuhuli kayo po ba hindi nagsasawa?” Tanong ni Vish
Sinalpok nalang ni manong pulis ang noo niya, hindi na alam ang gagawin sa kanila. Agad itong tumayo ng Makita niya ang parents nila Vish
“Ma’am salamat at nandito na kayo, sumasakit na ulo ko sa kanila”
“Jane!”
“Gretel! Anak!”
“Vish”
Isa-isang nagdatingan ang magulang nila at agad na lumapit ng Makita ang anak. Pagkatapos ng ilang pag-uusap ay na settle din naman ang problema at pwede nang umalis sila angel and friends.
“Ikaw” Tulak ng magulang ni Jane kay angel “Huwag na huwag kong Makita o marinig na lumapit ka ulit dito sa anak ko! layuan mo na si Jane baka sa susunod na tawag e sunduin na namin siya sa funeral!”
“Mommy tama na bakit niyo naman ako dun susunduin? Alam niyo namang dito ang police station mommy talaga” awat ni Jane.
“Ikaw tumahimik kana Jane huh, tara na!” higit nito sa braso ni Jane papasok ng kotse
Umalis na sila vish at iba pa matapos nila akong sermonan, Tss may point nga naman sila at syempre may karapatan silang magalit.
=3=
“Ugh. Paano na yan angel? mas mahirap pa sa iniisip ko yung pinapagawa mo” =3= pinasan kong parang sako yung bag ko “Kainis!” saka sinipa yung batong nakaharang sa daan ko.
Hindi napansin ni angel si Gabrielle na tahimik siyang tinitignan at kanina pa nakikinig sa sermon ng mga magulang nila Jane.
“napagalitan pa ako, Psh.....kuya Gab!” naku patay na naman ako nito ;( huminto kasi yung batong sinipa ko sa motor ni kuya Gab.
![](https://img.wattpad.com/cover/4585367-288-k967284.jpg)
BINABASA MO ANG
Kidnap for HANDSOME ||On-Going||
Teen FictionShan Yun Suanque. Superstar natural na gwapo! sinong nagsabi na hanggang tingin at paghanga ka nalang kay crush? Try mo yung ginawa ko kinidnap ko para masaya Haha. Ako si Angel ang Anghel na hindi mo makakalimutan