Kidnap For Handsome: Chapter 2 | I’m Back|
|Mary Angel Constantino POV|
“Yes mom...I know..Yeah” Nakakainis naman kasi si Mom napaka over reacting kahit kailan. Buti nalang napilit ko siyang maging isang normal student lang ako. Don’t dare to imagine how she takes things OVER as in over reacting “Mom, listen” Huminga ako ng malalim bago nagsalita “Malaki na po ako, papasok lang ako ng school, and everything will going to be fine, and I know if anything bad happens I’ll press 1 for emergency call”
I rolled my eyes.
“Mo-m? h-ello? Eeeee-eeek mom, choppy ka h-hello?” Call ended. Tss, panigurado naman kasi akong hindi siya titigil, kaya kailangan kong gawin iyon. Teka nasaan na ba ako? Oo nga pala nakalimutan kong sabihin, nakatayo ako ngayon, hawak ang isang kulay puti at oval na bagay na nakasabit sa taas para hindi ako ma-out balance, nakasuot ng red backpack at nakatanaw sa bintana ng Bus, habang siksikan kami at mukhang sardinas lang.
“Hintooooo” Sigaw ko, agad naman na nagpreno si manong, nasubsob tuloy ako sa dibdib ng katabi kong babae “Ay sorry at salamat hindi ako nasaktan ang lambot kasi ng na-landingan ng mukha ko Hoho” Agad akong lumakad sa second door nitong bus “Salamat!”
Bumaba na ako
“Hoy Hija bayad mo!” Sigaw ng isang lalaking may hawak na maraming kumpol na papel akala mo nagpapa-lotto lang
“Huh? Akala ko libre, e kanina kasi niyaya niyo akong sumakay e” Nakahawak yung dalawang kamay ko sa strap ng bag
“Anong libre ka dyan? Baliw na babae ito, taga bundok ka ba?”
Umiling ako “Taga New York ako, paano mo naman nasabing taga bundok ako? Tsk. O sige na po Mister bintangero magbabayad nalang ako at baka mapagbintangan niyo pa ako kung anu-ano pa” Binukas ko yung bag ko
Napukaw yung atensyon ko ng may marinig akong motor at isang familiar na boses nasigaw ng pangalan ko
“Hoy Angel!!!!”
O_O
“K-kuya Gab...Aaaahhhh!”
Agad akong tumakbo ng matulin, patay ako kay kuya malalaman niyang hindi ako dumiretso ng school ko. Tss...paano niya naman ako nasundan?
“Hoy Miss bayad mo!!”
“Angel tumigil ka!!!! Patay ka sa akin pag naabutan kitang bata ka!!”
“Kuya papasok naman talaga ako ang kaso kailangan ko muna siyang hanapin kailangan niyang malaman na bumalik na ako! Promise papasok din ako pag may time!”
Patuloy pa din ang pagtakbo ko habang siya kapantay ko na ang takbo ng motor. “Anong pag may time?! Tumigil kana at baka kung mapaano ka pa!”
“A.Y.O.K.O”
Nakita ko yung malaking parang mini highway pataas kaya naman dun ako tumakbo “Excuse me po! excuse” Ang dami kasing estudyanteng nakaharang sa daan baka maabutan ako nung monster kong kuya. “Huh ayun may gate!”
-Pepeeep-
Sigurado akong hirap siya ngayon makadaan. Hohohoho. Tinaming ko talagang sumabay sa bunch ng students at lumakad ng normal para matago ako at hindi Makita ng guards. Pagkalagpas ko agad din akong lumingon
“Hoy Angel!!! Excuse kapatid ko iyon!”
“Sir, bawal po outsider” Pigil nung tatlong guard ng pilit siyang pumapasok
Agad akong tumakbo at nagtago ng tinuro niya ako.
|Meme Narrating|
BINABASA MO ANG
Kidnap for HANDSOME ||On-Going||
Teen FictionShan Yun Suanque. Superstar natural na gwapo! sinong nagsabi na hanggang tingin at paghanga ka nalang kay crush? Try mo yung ginawa ko kinidnap ko para masaya Haha. Ako si Angel ang Anghel na hindi mo makakalimutan