Kidnap for Handsome: Chapter 11 |Never be her|
“Seryoso kinidnap mo yung masungit na iyun? Haha, aahck---“
Tinap ko yung likod niya kasi naman nagsasalita puno yung bibig
“Oh ito uminom ka muna” Inabot niya naman yung binigay kong orange juice at sinunod yung sinabi ko.
Tinignan ko yung buong room, puno ng kung anu-anong theatre props, costume at atbp. “Paano mo naman na-discover ito Janry?”
“Dito kasi ako laging nagpra-practice dati, ang loser ko kasi dati kaya sinabi ko sa sarili ko” Tinaas niya yung isa niyang kamay at naka ball fist habang nakatingin sa malayo “Mas gagalingan ko at ipapakita kong hindi ako loser!”
Binaba niya yung kamay niya sabay ngiti at kagat ulit ng chicken sandwich “Oh ayan fair na tayo sinabi ko na sa’yo yung secret place ko” nakangiti niyang sabi
Alam niyo mahirap pagkamalan ang taong ganitong ka cute at gwapo na baliw. Tinignan niya yung wristwatch niya at agad na tumayo
“Naku hinahanap na ako ni sophie” nilagay niya yung natirang sandwich sa bag niya “sayang ito, ah sige una na ako huh!”
“Teka huwag mo akong iwan dito nakakatakot kaya dito!” Sumunod kaagad ako sa kanya at ni-lock niya naman itong room
“Janry!”
Napalingon kami ng may tumawag sa kanya.
“Wow ang ganda niya kaso mukhang may attitude”
“Sophie sorry hindi ko napansin yung oras e”
Agad naman kaming lumapit kay sophie at masasabi kong hindi ko gusto yung tingin niya sa akin
“Who’s she? What’s with the face mask? Is she sick or something?” Nakataas yung kilay niya, take note laking aircon ang dila
“Sophie si Aika, uhm..may konting ubo lang siya” Nag-nod naman ako at inabot yung kamay ko sa kanya para makipag shake hands pero guess what tinignan niya lang sabay irap
Wow. Maldita alert
BINABASA MO ANG
Kidnap for HANDSOME ||On-Going||
Teen FictionShan Yun Suanque. Superstar natural na gwapo! sinong nagsabi na hanggang tingin at paghanga ka nalang kay crush? Try mo yung ginawa ko kinidnap ko para masaya Haha. Ako si Angel ang Anghel na hindi mo makakalimutan